Gud bye gate.
Gud bye guard house.
Gud bye canteens.
Gud bye classrooms.
Gud bye cr's
Gud bye lab.
and gud bye, my favorite tambayan.
Naks.... kala mo kung naman kung saan pupunta.Kung maka gud bye feeling end of the world lang...hahaha....pero sa totoo lang isa lang naman ang mamimis ko ko dito sa school.
Siyempre sino pa nga ba, eh di ang one and only best friend ko. Hmm siyempre mamimis ko mga days na parehas kaming nagmomoment, kumakain naglalakwatsa nag-----
"uh c-claire.."
"hmm"
"ahm nagsisimula ng magmarch."sabay turo niya sa harapan.
"Ha?"tingin sa harap -_-. Balik ang tingin sa likod. "Hehe, pasensya na." sabay lakad ko.
Ayan claire, yan ang nangyayari kapag sumobra pagpapaka-emo mo. Nagmumukha ka na tuloy tanga.
Hay ba't ko ba kinakausap ang sarili ko?? God nasisira na ba ulo ko?? T-T
Hoy author ha uag mo akong gagawing baliw dito sa story na ito kundi papatayin kita. hehe.. *-*
(A/N:ABa nanakot ka pa.. gusto mong patayin na kita agad sa simula pa lang ng story??)
HINDI!!! uag po!!! Pramis magpapakabait na po ako.
ige miss author mamaya na lang ulit. Magi-start na ang prayer eh.
(NOW PLAYING: The prayer)
Let this be our prayer [Let this be our prayer],
Just like every child
Need to find a place, guide us with your grace
Give us faith so we'll be safe
È la fede che
Hai acceso in noi,
Sento che ci salverà
Pagkatapos sunod naman ang Lupang Hinirang
Sa kalagitnaan ng ceremony di ko mapigilan ang sarili ko na umiyak. Siguro tingin nyo sa akin eh OA na masyado. Pero kayo kaya malagay sa pusisyon ko. Na simula elementary pa lang ay binubully. Pinagtitripan, pinapahiya sa harap ng maraming tao at sinasabihan ng kung anu-anong masasakit na salita, noon nga gusto ko na lang huminto sa pag-aaral pero naalala ko ang sinabi sakin ng nanay ko at hanggang ngayon ay tandang-tanda ko pa rin.
'anak marahil ay maghihirap ka ngayon.Maraming hahamak sa pagkatao mo pero ito ang tatandaan mo. Kailangan mong mabuhay at magpatuloy dahil balang araw ang buhay na inagaw sayo ay mapapasayo ulit. Mahal namahal kita.' yan ang huling mga salita na nasambit sa akin ng nanay ko bago niya ako iwan. Pero bago siya tuluyang malagutan ng hininga may ibinigay siya sa akin na isang kwintas.
Hindi ko alam kung para saan yun pero sa tingin ko mahalaga kay mama yun.
Napatigil lang ako sa pag-iisip ng may yumakap sa akin.
"N-nathalie??"
Ahm katabi ko pala si nathalie ngayon. Kung saan-saan na kasi ako napadpad kakaisip, di ko na tuloy napansin yung presence ni nathlie.@-@
By the way, proud na proud ako sa Bessy ko. Bakit??
Kasi siya lang naman ang valedictorian namin this year and to think na anak pa siya ng may-ari ng school. Pero wala pong favoritism na nagaganap dito sa school namin, talagang pinaghirapan ni Nathalie na makamit ang posisyong ito. ell alam niyo na, para ipakita kay Daniel na hindi siya apektado sa break up nila. Hay siya na talaga!!
Napa angat ako ng ulo ng bigla siyang mag salita.
"Congrats bestfriend, ahm happy b-day and happy DEATH anniversary."
"Thank you. Congrats din bes." tapos niyakap ko rin siya.
Sihuro nagtataka kayo kung bakit binati ako ng happy death anniv. ni nathalie.
Huwag po kayong mag-isip ng kung anu-ano.
Hindi pa po ako patay.
Hindi rin po ako pupwedeng mamatay dahil ano pangkalalabasan ng istoryang ito kung sa simula pa lang eh namatay na ang bida...haha...napakafeeler ko..
(A/N: buti naman at alam mo -_-)
Huwag ka ngang epal dyan miss author
...haha taray lang ang peg..
Basta i-clarify ko lang po ah..:
1. hindi pa ako dedo as in dead.
2. Ngayon ang araw na iniwan ako ng mama ko. In short, this is her 8th dearh anniversary.
3. Today is also my b-day.
Ewan ko ba.. siguro coincidence lang na sa iisang araw lang lahat nangyari ang mga selebrasyong ito. nd now nadagdagan pa.
4.Lastly, today is my graduatin day
Hinimas-himas ni Nathalie ang likod ko at saka nagsalita.
"bes, ikaw na sunod." at pagkatapos nun ay tinawag na ng emcee ang pangalan ko. "Claire Miranda...salutatorian"
Kala niyo siguro yung sinabi ni Nathalie na ako na ang sunod, eh susunod na ko sa nanay ko.. pwes nagkakamali kayo, mahaba ata buhay ko.. wapakk hahaha
Hindi ko alam pero parang lahat ng hirap at mga kahihiyan na natanggap niya sa apat na taon sa high school, parang biglang napawi. Parang nilipad na lang ng hangin. Lam niyo yun... wait sino kinakausap ko...toinx..hay... lalo na ng umakyat na ako sa stage at tinanggap yung diploma at medal ko...huwaaaaaaaaa pa lang akong gripo dito kung makaiyak.
Hanggang sa pagkanta nga namin ngng graduation song eh tuluy-tuloy pa rin ako sa pagluha, kaya pati si nathalie eh nahawa na rin.
Grabe buti na lang di pa ako nadi-dehydrate. Kanina pa kasi ako iyak ng iyak dito eh, patapos na nga ang ceremony.. T_T eh iyak parin ako ng iyak.
Natigil lang ako ng umajyat si Nathalie sa stage.
"Ahm hello po." pagsisimula niya. " Bago po magtapos ang ceremony na to, nais ko pong batiin ang one and only bestfriend ko. he's no other than miss Claire Miranda. Bess happy b-day and also congratulations. I LoVe YOU." Tapos nginitian niya ako At bumaba na sa stage.
"Thank you talaga bess." sabi ko pagkalapit niya sakin.
"Thank you for what?"
"For everything" saka ko siya niyakap.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
sorry now lang naka UD...
ngayon lang kasi ako hindi naging busy...
by the way comment lang po kayo and don't be afraid kung may mga suggestions kayo, i'll accept it with wide open arms.. hahaha
ok next time ulit