Eto na po yung continuation....... sana magustuhan niyo...
*********************************************************************************************************************************************************************
CLAIRE'S POV
Naalimpungatan ako dahil may narinig akong mga boses na nag-uusap. Pero hindi ko muna tuluyang binuksan ang mga mata ko at nakinig muna ako sa pinag-uusapan nila, kung sino man sila.
"Ganun po ba? So hindi naman po siya nabalian or nagkasprain dahil sa accident?" accident?? sino??
"BAse sa resulta ng mga tests na ginawa namin sa kanya wala naman siyang bali ,galos lang sa noo, braso at mga binti pero okay lang siya. Huwag ka nang mag alala. Oh sige mauna na muna ako. Maya-maya magigising na rin siya."
"Sige po. Salamat doc." Doktor?? I-ibig sabihin n-nasa ospital ako??
Bigla akong napamulat at napabangon sa pagkakahiga. Pagkamulat ko..puro puti ang nakita ko at dahil di pa rin ako makapaniwala na nasa ospital ako tinakpan ko ang mga mata ko saka ko hinampas ang ulo ko sa may kama pero dun sa lugar na may unan.
"Hoy!! anong ginagawa mo.?" biglang sigaw nung lalaking kakasirado pa lamang nung pinto.
Napahawak ako sa noo ko ng bigla itong kumirot, ng tinanggal ko ang kamay ko napasigaw ako ng malakas.
"aaaahhhhh.... d-ddduuugggooo"dahil sa gulat ko napatayo ako bigla sa kama. Pero pagkatayo na pagkatayo ko pa lamang eh bigla akong nahilo. . . . at bumagsak sa sahig. "A-aray ko."
Lumapit sakin yung lalaki, inalalayan akong makatayo at umupo ulit sa kama.
Nakatingin lang sya sakin ng biglang......."Miss may sayad ka ba?" out of the blue nyang tanong.
Huuuuwwwwaaaat?? Ano daw sabi niya?? Ako may sayad?? Etong ganda kong to?? Mukhang may sayad?? Aba sino ba sya sa akala nya??
"Hoy!! Sino ka sa akala mo para sabihan mo akong may sayad, ha?" inis na tanong ko sa kanya.
Biglang kumunot yung noo niya. "Sino ako??" iritang sabi niya. "Ako lang naman ang nagdala sayo dito sa ospital dahil nasagasaan ka."
Ah so isa lang ibig sabihin nun "Kung ganun ikaw yung nagmamaneho ng sasakyang nakabundol sakin?" taas-noong tanong ko.
"Oo. Bakit?? Kung magpapasalamat ka lang wag na. Hindi na kailangan, It's my pleasure." confident niyang sagot ng hindi man lang kumukurap.
Anong sabi nya'it's his pleasure'? What the?
"Hoy ikaw." sabay turo ko sa kanya. "Ang kapal rin naman ng mukha mo no, ikaw na nga tong nakabangga, ikaw pa tong may ganang magalit at for your information hindi ako magpapasalamat sayo. Buisit ka." sabay lapit ko sa kanya at.........
*bbooogggsssshhhh*
Opo, binugbog ko siya.. Hindi joke, mas matindi pa dun. Sa sobrang inis ko sinipa ko lang naman po siya sa ano niya ... sa ano.... basta alam niyo na yun.
"o-owwww... Fuck. what was that for. Aaahccckkkk" sigaw niya habang tumatalon-talon sa sakit.
"Oooopss sorry, hindi ko sinasadya. Ah alam ko na isipin mo na lang na simple thank you ko yan sayo." sabay kuha ko sa bag ko at tumalikod na sa kanya. Pero bago ako tuluyang umalis, binalikan ko ulit siya ng tingin. "At isa pa pala.." lumapit ulit ako sa kanya at sinigawan siya, dun talaga mismo sa may part ng tenga niya "Wala akong sayad!!!!" nakita kong ngumiwi siya sa sigaw ko. At ayun nakuntento na ako sa mga ginawa ko sa kanya at tuluyan na akong lumabas ng room pero di ko sinirado yung pinto kaya narinig ko pa yung sigaw niya.