JUSTIN's
"Dre, wala ka ba talagang mahanap na upuan?" Tanong ni Ken, Luminga linga naman ako sa canteen pero wala talaga. Punuan.
Sabi na, dapat inagahan naming mag recess. Ayan tuloy wala kaming mahanap na upuan. Kaso need talaga ng assistance ni Stell 'e.
"Kain nalang tayo ng patayo" pabiro kong sabi at sandaling tumawa bago may magsalita sa likuran namin. Si Ate Astrid
"Hoy, Jah, Ken. Anong ginagawa nyo dyan?" Tanong ni ate. Kasama naman niya ang girlfriend ni Kuya Pau na si Ate Reece
"Ang laki nyo namang harang dalawa" Pabirong ana ni ate Reece. Napasimangot na naman si Ken at iyan na naman magsisimula na namang mag bangayan yang dalawang iyan.
May ugali kasi si Ate Reece na malakas mang asar. Parang si Josh lang din. Halos lahat ng sabihin mo, may banat sya. Si Ate Astrid nalang talaga pinakamahinhin sakanilang magkakaibigan.
Base lang sa pagkakakilala ko sakanila ha. Nakakasama ko naman kasi silang circle of friends kasi nga may connection sila sa circle of friends ko.
Si Ate Reece, Girlfriend ni Kuya Pau. Si Ate Astrid, ewan ko kung anong meron sakanila ni Kuya Stell pero parang Mutual Understanding na 'e. Tas si Ken may gusto naman kay Shaira. Si Josh lang at ako ang walang connection sa kanila 'e—ay hindi, Si Josh pala best friend si Reece. Tas si Stell best friend din ni Shaii. Ako lang talaga walang connection sakanila
Sige na nga include ko na. Si Autumn na kaibigan nila, may gusto sakin.
She's not that bad naman. She still respect my privacy. Ask me permission if manghihingi sya ng pics or whatsoever. I just don't like her. Iyon lang.
"Maki-upo nalang kayo samin. Iniintay din namin yung dalawa 'e" pag-aaya ni Ate Reece samin. Umiling naman si Ken
"Ayoko nga nakakahiya" Ana ni Ken na ikinagulat naming tatlo
"Ikaw? Nek Nosus? Mahihiya? Aber" Bulyaw ni ate Reece. Napatawa naman si ate Astrid
"Ang sabihin mo, nahihiya ka kasi nandun si Shaii" pabirong sabi ko na ikinatawa rin ng dalawa bago hawakan ni ate Reece ang braso ni Ken at hilahin papunta sa table nila. Syempre sumunod na rin ako, alangan namang maiwan ako diba?
Nakarating na kami sa table nila, doon nakita ko ang dalawa pa sa kaibigan nila Ate Reece at Ate Astrid. Si Shaii at Autumn.
Sandali akong tumingin kay Autumn at nahuli ko syang nakatingin at gulat na makita ako bago umiwas ng tingin. Napairap naman ako
"Upo na kayo!" Pag-aaya ni ate Astrid. Sabay dating naman ng tatlong nakakatanda na sila Stell, Pau at Josh.
"Guys, Ready na kayo mamaya ha. Nakahanda na ba yung mga gamit nyo?" Tanong ni Reece
"Bakit pa kasi magpapafarewell party party na yan. Babalik naman ako. Kala nyo mamamatay 'e no?" Naiinis na sabi ni Shaii
"Tangek, pag bumalik ka kasi, wala na kami dito sa school. Graduate na kami. Kaya nga may pa party 'e. Pasalamat ka may thoughtful kang mga kaibigan" Sabi ni Stell
"Wow ha, thank you" Sarsistikong sabi ni Shaii
"Sino nga pala maghahatid sainyong pito? Mag monotor kasi kami ni Reece" Tanong ni Pau.
"Sa Kotse nalang ni Jah. Pahatid tayo sa kuya nya" Suggestion ni Ken. Okay lang naman, wala namang problema
"Gagi wag na, Nakakahiya kay Jah. Sa Kotse ko nalang. May lisensya na naman ako" sabi ni ate Astrid. Mayaman kasi si Ate kaya may sarili na ring kotse. Sumang-ayon naman ang lahat
"Saan ko nga pala kayo susunduin?" Tanong ni Ate Astrid. Isa isa kaming nagsabi ng lugar kung saan nya kami susunduin maliban sa isa
"Hindi ako makakasama, sorry" Mahinang sabi ni Autumn
"Ha? Bakit?" Tanong ni Ken
"Ah, wala.. Ano.. Emergency! May emergency sa bahay. Uuwi ako ng Rizal" Ana niya na parang di pa sigurado
"Eh? Parang ikaw 'tong excited 'e. Sa sobrang excited mo, nawrong message ka pa nga" Natatawang ana ni Shaii
"Ha? Bakit? Anong nangyari?" Tanong ni ate Reece
"Nagpalit kasi ako ng number tas ibang number natext nya, e sabi pa naman nya sa text, ibalik ko daw yung bra nya" Natatawang sabi ni Shaii. Lahat napatawa bago ako napatingin kay Ken
Teka, si Autumn yon? Yung namali sa pag message sakin? Baka naman coincidence lang pero kung sya nga yon, matatawa nalang ako
Ngunit kahit nagkakasiyahan sila, nanatiling tahimik si Autumn
"Hindi, totoo kasi ate. May emergency lang" Ana ni Autumn. Hindi naman sya ganito katahimik. Sobrang OA pa nga nito.
"Sus. Sige na, sumama ka na. Jah, pilitin mo nga" Ana ni ate Astrid. Napatingin naman ako kay ate. Ha? Ako na naman. Kaya lalong umaasa si Autumn kasi kinokonsinte nila.
"Ah. Una na ko. May tatapusin pa ko para makauwi ng maaga" Ana ni Autumn bago tumayo ay maglakad papalayo
"Hala? Anong nangyari don?" Tanong ni Ken
"Di naman ganun yon ah?" Sabi naman ni Pau
"Baka naoffend natin. Hala, magsorry tayo" natatakot na sabi ni Ate Astrid
Bakit biglang nagkaganun yon? Dahil ba sa pang-aasar nila? O dahil alam nya na ako yung nawrong message nya? O baka naman dahil sa nasabi ko kagabi?
Wala naman akong pinopormahan, sinabi ko lang yon para lumayo sya. Pero parang napasobra ata ako.
TO BE CONTINUED...
BINABASA MO ANG
✦ PAHIMAKAS ┋SB19 JUSTIN
Fanfiction"I miss the one who cares about me" ➜ PAHIMAKAS, a Filipino Word means ❝LAST FAREWELL❞ ✶ Autumn Charlotte Fransisco, a well known Painter. Her Arts travelled all over the world. Everyone adored her so much but she dedicated all her arts to one perso...