pahimakas - twenty four

1 0 0
                                    

John Paulo Nase
• Active Now

Sejun:
Jah

Sejun:
May kasalanan ka no?

Justin:
☹️

Justin:
Gusto ko nalang maiyak

Justin:
Napagsalitaan ko kasi sya nung nakaraan e

Justin:
Napasobra ata yung pagtulak ko sakanya papalayo

Sejun:
Hay nako

Sejun:
Nag sorry ka na ba?

Justin:
Opo

Justin:
Kaso nga blinock ako

Justin:
Ewan ko lang

Justin:
Ayoko na magustuhan nya ko pero ayoko rin na hindi na nya ko pansinin totally

Sejun:
Ang gulo mo

Sejun:
Ganito kasi yan

Sejun:
Kung itutulak mo sya papalayo o gagawa ka ng mga bagay na ikakagalit at ikaka turn off nya, malamang di ka na non papansinin

Sejun:
Ayaw mo pala na hindi ka nya pansinin totally bakit mo sya tinutulak papalayo?

Justin:
Baka kasi ano

Justin:
Iniisip ko na tutal gusto naman nya ko. Pwede naman kaming maging friends lang

Justin:
Yung ano po ba

Justin:
Ilang beses ko na syang tinutulak papalayo pero ayaw parin nya, iniisip ko baka gusto nya talaga ako tas pwede syang magpakumbaba nalang

Justin:
Yung marealize nya na ayaw ko pero gusto parin nya ko kaya gugustuhin nalang nya na maging friends kami

Sejun:
Jah, hindi ganun yon

Sejun:
Hindi lang sayo umiikot ang mundo

Sejun:
At higit sa lahat, hindi rin panghabang buhay gusto ka ng isang tao

Sejun:
Bata ka pa kaya naiintindihan ko kung bakit ganyan pa ang pag iisip mo.

Sejun:
Pero minsan dahil sobra na tayong nagiging selfish, may nasasaktan na tayo.

Sejun:
Sa totoo lang naiinis ako sa mindset mo na yan. Gusto kitang pagalitan pero ayokong i-invalidate yung feelings mo

Sejun:
Pero mali e. Mali talaga

Sejun:
Ang sama ko namang kaibigan kung hindi kita iguguide

Sejun:
Subukan mong kausapin ang sarili mo, tanungin mo kung anong mali sayo at bakit mali iyon.
✓Seen

✦ PAHIMAKAS ┋SB19 JUSTINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon