S E V E N

30 3 15
                                    

Z E U Y A

I'm at the police station right now. They just got my statement. Natanong ko na rin sa kanila kung may nakuha silang papel na hawak ko no'n bago ako mawalan ng malay.

"Ito ba yung hinahanap mo, hija?" tanong ng police inspector. Tumango ako at kinuhanan na lang ng picture yung piraso ng papel dahil gagamitin daw nila 'yon bilang lead sa nanloob sa'kin.

Magaling yung nanloob sa'kin dahil hindi man lang tumulo yung dugo niya nung nasugatan ko siya. Sabagay, ang kapal ng suot niya no'n.

"I think they're back," rinig kong natatakot na sabi ng isang babae.

"Huh, sino?" tanong ng kausap niya.

Dahil curious ay umupo ako sa tabi nila at nagpanggap na naglalaro sa cellphone.

"The Whisperers..."

When I heard that, I started to feel uneasy again. This is the same feeling from the event yesterday. Sa hindi malamang dahilan ay napalingon ako sa labas ng police station. I saw the same person from the event. He's taking pictures of me again! Stalker ko ba siya?

Dali-dali akong tumakbo palabas. Nakatayo lang siya at hindi gumagalaw. Nakasuot siya ng kulay itim na pang itaas at pang ibaba, bonnet at bibig lang ang kita sa kaniya. I saw how a smirk formed on his lips.

I tried to run towards him but the cars won't stop. Hindi tuloy ako makadaan at puro atras ang nagagawa ko.

Parang awa niyo na, magpadaan kayo!

Kung tatawid ako ay hindi ang lalaking kung makaasta ay parang stalker ko o ang nanloob sa'kin kagabi ang papatay sa'kin, kundi ang mga kotse na ito.

Nung nag-red na ang stoplight ay dali-dali akong tumawid at nakita ko siyang naglakad na papaalis.

"Hey!" sigaw ko at hinabol siya.

Napakabilis niyang tumakbo. Kahit hingal ay nagpatuloy pa rin ako kakatakbo. Kaunti na lang at maabutan ko na siya, I can't lose him.

Nakita ko siyang lumiko sa isang likuan. Napatigil ako nang mapunta ako sa harap ng isang eskinita. Madilim at tahimik. May masangsang na amoy na alam kong nanggagaling sa mga basurahan. Likod ito ng isang resto kaya panigurado ay dito nila tinatapon ang mga basura nila.

I can't enter this alley, not because it's dark in there but because I didn't bring any weapons. It's too risky. But if I don't, I'll lose this man.

I really think they work together. The girl who tried to kill me last night and this person. I don't know if he's a man or a woman. But the only thing I know is that I chased this person to find it all out.

Nagulat ako at napaatras nang may kumalabog. I opened my phone and turned on the flashlight.

It's now or never, Zeuya. You can use this experience para maging topic or scene sa story mo.

Maingat akong naglakad at tumingin sa paligid. Madilim ngayon dahil sa masamang panahon at tiyak na mahihirapan ako kapag umulan pa. Umihip ang malakas na hangin at may nahulog na papel mula sa itaas.

━━━━━━

In darkness I hide,
secrets to reveal.

Lift my lid,
the hint is real.

I come in all shapes,
big or small.

Among the scraps,
there's something inside that
you've been waiting for.

A place so unpleasant,
a clue will shine.

What am I, this puzzle of mine?

━━━━━━

"What the fuck is this..." I whispered. I'm good at solving riddles, but there's nothing going on inside my brain right now. Sa sobrang gusto kong malaman ang sagot ay wala nang pumapasok sa utak ko.

"Think, think, think! Think, Zeuya!" Pinukpok ko na ang ulo ko sa desperasyon.

I need to think!

"In darkness I hide, secrets to reveal. Lift my lid, the hint is real. I come in all shapes, big or small. Among the scraps, there's something inside that you've been waiting for. A place so unpleasant,
a clue will shine. What am I, this puzzle of mine?" basa ko muli ng malakas, umaasa na mas maiintindihan ko ito.

"Lift my lid... Among the scraps... Sa lugar na 'to ano ba ang may takip?" pabulong na tanong ko sa sarili ko.

Luminga-linga ako sa at tinapatan ng ilaw ang buong paligid.

When realizations hit me, I screamed.

"The trashcan!" sigaw ko at dali-daling pumunta sa malapit na trashcan. May limang trashcan dito at wala akong pake kung may makakita sa'kin na kinakalkal ito. Isipin na nilang baliw ako, ayos lang. Mas mababaliw ako kapag hindi ko na-solve 'to.

This could be something serious, and I can't risk not solving this case. If this is all a game, I don't care! I'll play with them. Fuck them all. If curiosity kills a cat, I'm not going to die. Obviously, because I'm not a cat.

There's only one rule: Never provoke a writer with overflowing curiosity. Never mess with me.

I'm not sure why this is happening to me, but I do know they were aware of my capabilities. My ability to solve riddles and codes. Alam nilang maso-solve ko ang mga ibibigay nila sa'kin. I'm not that confident, but I assume that's the motive behind it all. Kung bakit ako ang ginugulo nila. The only thing I'm certain about is there is something they want me to know. To find out. If that's really the case, I'll find out what's going on.

Nasa huling basurahan na ako. Pawisan at basa ang mga kamay ko dahil sa mga balat ng isda at kung ano-ano pang basura na nasa loob ng basurahan. It's gross and I really hate to do that but I need to. Hindi ko pwedeng pairalin ang kaartehan ko ngayon.

Huminga ako ng malalim at binuksan ito. Nagimbal ako sa nakita ko kaya napasigaw ako ng malakas.

"Ah!" I shouted in fear. Napaupo ako sa lupa at umatras nang mabagal.

Bigla na lang may putok ng baril akong narinig. Sa tingin ko ay galing 'yon sa taas kaya napatingala ako. There's someone up there who shot the trashcan. Sa tingin ko ay siya ang hinahabol ko at kanina pa siya roon. That asshole is watching my every move.

Dahil sa ginawa niyang 'yon ay mas lalo akong nanginginig. Nagbaba ako ng tingin para tignan kung ano yung nararamdaman ko sa bandang paahan ko na dapat ay hindi ko na lang ginawa. Halos bumaliktad ang sikmura ko nang makitang nakatumba yung basurahan at nagkalat yung laman no'n.

THE BLOOD IS EVERYWHERE!

THERE'S A FUCKING CORPSE IN THERE!

AND THE WORST PART IS THAT SHE'S ALL CHOPPED UP TO PIECES!

Whispers In Codes Where stories live. Discover now