T H I R T Y - E I G H T

16 2 0
                                    

➤ Z E U Y A

Hingal na hingal man ay hindi ako tumigil kakatakbo. Mas lalo akong nahirapang huminga dahil sa patuloy kong pag-iyak.

I saw the fear in his eyes. He didn't want to die. But in order to save me, he sacrificed himself for me.

Hindi ako makahingi ng tulong dahil kinuha nila ang phone ko. Takbo lang ako nang takbo sa isang madilim na gubat.

Muntik na akong mapatili nang nakarinig ako ng putok ng baril kasabay ng isang sigaw.

“Run, Zeuya. Run! This bitch, lagi ka na lang nakakatakas. 'Wag mong hayaang makita pa kita!”

Dahil sa sigaw na 'yon ay mas binilisan ko ang takbo. Rinig na rinig ko ang mga hakbang nila dahil sa mga tumutunog na tuyong dahon.

Isang putok na naman ang narinig ko. Napalingon ako. Dahil doon ay hindi ko nakitang may kahoy na pala sa harap ko kaya nadapa ako. Nagpagulong-gulong ako pababa.

No!

Napapikit na lang ako ng mariin at ininda ang mga matutulis na bagay na bumabaon sa balat ko kaysa sumigaw.

“Gotcha!” biglang sulpot ni Mariel sa harap ko.

Bago pa man ako makapagsalita ay nakarinig na naman ako ng putok ng baril. Pero sa pagkakataon na ito alam kong sa akin na 'yon nakatutok at alam ko ring katapusan ko na ngayon.

Whispers In Codes Where stories live. Discover now