Isinulat ni Angel Medenilla.
I AM A BAD GENIE
Hindi maaari. Na-teleport ako sa kung sino mang humiling nun.
"Anong sabi mo?" Nanggagalaiti kong tanong sa kaniya hanggang sa wala nang usok sa palad at paligid ko.
"At sino ka naman?" Tanong nung lalaki na kulay kahel ang buhok, isang Ignis. "M-miss Snow?" Nang matauhan ito ay itinulak ako sa balikat kaya napaupo ako sa sahig.
"Tapang-tapangan ka porket kamukha mo ang first rank? Lakas ng trip mo ah." Panunuya nung babaeng Ignis na kasama niya saka sila sabay na tumawa.
Hindi mangyayari ang hiniling niya. Sakali mang magkatotoo, magtago na siya dahil saan mang lupalop siya mapunta ay hahanapin ko siya hanggang mapana siya sa dibdib.
"Benevelle!" Nagitla ako sa sigaw ng pangalan ko.
"Fiona," Napabangon ako sa pagkakaupo saka lumapit sa kaniya. Nakita ko naman ang lalaking Ignis na tila may paso sa palad niya. "Thank you, Master." Pabulong kong sinabi iyong huli.
"Come with me," hinila ako nito papunta sa dorm niya saka inabutan ng contact lenses. "Wear it."
"Pero hindi ko kailangan-" saka ako ihinarap nito sa salamin.
Ang mga mata ko, hindi ako makapaniwalang puti ang mga ito, no, may kaunting pink akong nakikita. Parang super light pink ang kulay ng mga ito.
"Go on and wear it," Benevelle Pink, oh no, ang pangit pakinggan. Buti na lang hindi weird ang pangalan ko. "We have to do something about your open thoughts, lalo na kung susugod ka sa mga Ignis gaya ng ginawa mo kanina."
Napasimangot ako sa turan niya, "Sorry." Naalala ko naman iyong bad wish kaya napatayo ako at napayakap sa kaniya. "I'll protect you."
"I can protect myself." Pero maproprotektahan ba niya ang sarili mula sa akin? Paano kung magkatotoo iyong bad wish. Huhu "Kung anu-anong iniisip mo."
"I believe you," sabi ko sabay thumbs up. Kaya ko naging master si Fiona eh.
Back to the day na may kumuha kay baby Celine, hindi ako mapakali kasi ibinalik siya sa akin ni Thunder noong sinundo niya si Gen sa clinic for a meeting daw. Ramdam din ata ni baby Celine iyong pagkataranta ko kasi hindi ito matigil sa pag-iyak. Hindi ko mapatahan. Inalukan ko ng gatas, ayaw. Tinignan ko kung may dumi sa lampin niya, wala. Ihiniga ko sa crib, lalong naiyak.
Ginaya ko na lang iyong natutunan ko sa nursing course ko sa university kung saan pinagkrus ko ang braso ni baby Celine sa dibdib niya saka siya padapa na binuhat. Ayun, tumigil naman. Kung naalala ko agad sana hindi ako inabot ng kalahating oras doon.
Maya-maya ay narinig ko ang boses nila Blue at Fiona sa labas.
"Ibaba mo ako. Blue, ibaba mo ako."
"Huwag ka ngang makulit, mahuhulog ka."
"Isa-" Bilang ni Fiona.
"Dalawa-" Pagpuputol sa kaniya ni Blue. Blag. Tunog iyan ng bumagsak.
"Babes, ayos ka lang?" Halata ang taranta at pag-aalala sa boses ng binata.
"Huwag mo nga ako matawag-tawag ng ganiyan, Blue. Hiwalay na tayo," kaswal na baling sa kaniya ng dalaga.
"Hindi ako pumapayag, babe. Fiona ko! Kausapin mo naman ako. Pakiusap."
Humihina ang pandinig ko kaya lumabas na ako ng dorm saka ulit hinanap ng pandinig ko ang mga boses nila.
"Maghiwalay na tayo."
"AYOKO. Please. Tungkol pa din ba ito sa away natin noong nakaraan? Patawarin mo na ako."
"Hindi kita mapapatawad."
"Para namang hindi tayo madalas mag-duel Fiona. Oo, nawalan ako doon ng kontrol, alam kong nasaktan kita pero huwag namang ganito Fiona ko."
"Stop calling me that Blue."
"Fiona ko. Babes! Honeybunch. Sugar plum. Sweetie pie!"
"Hindi ako nakikipag-biruan!"
"Ayoko. Hindi ako pumapayag."
"Hiwalay na tayo. Buo na ang desisyon ko."
"Paano naman ang desisyon ko?"
"Itigil na natin ito Blue."
"Asul. Asul ang tawag mo sa akin, hindi ba?"
"Prince Blue." Sa kasusunod ko sa mga boses nila ay hindi ko namalayan na magkakaharap na kaming tatlo.
"Benevelle," malalim na boses ng headmaster ang tumawag sa pangalan ko. "Give them the baby. You two, to my office. And you," sabay turo sa akin. "Go back to your dorm." Ibinigay ko sa kanila iyong baby saka ako naglakad palayo pero wala akong balak bumalik ng dorm.
Hindi ko naman mapakinggan ang usapan nila sa loob kasi ang sakit na ng ulo ko at nagdurugo nanaman ang mga tainga ko. Ilang minuto ang lumipas ay dali-daling lumabas si Fiona sa headmaster's office.
"Sandali!" Lakad-takbo ko siyang hinahabol pero tuloy tuloy lamang ito hanggang sa tumitig ito sa puting double door. Inilabas niya ang ID saka may pinindot-pindot doon. Nagbukas ang pinto at mabilisan itong pumasok sa loob kaya tinakbo ko ang distansiya namin bago magsara ang pinto. Hihingal-hingal akong napahawak sa dibdib.
Napalingon ako sa gawi ni Fiona na abala sa pagpili ng iba't ibang weapons. Masyado siyang seryoso. Naninibago ako dahil walang bakas ng anumang emosyon ang kaniyang mukha. Iyong dating Fiona kasi ay makikitaan mo ng pagkunot ng noo, pagngiwi, visible gestures ganoon. Madami siyang pinindot-pindot sa controls at nasa loob na siya ngayon ng isang simulation. Mula sa screen ay makikitang nasa loob siya ng isang nasusunog na gubat. Matataas ang mga apoy at ito ang matatawag kong tunay na wildfire.
May mga nagsisilabasang dummy na ganado niyang pinapabagsak gamit ng daggers. Bullseye lahat! Ang galing. Napapalakpak ako sa gilid pero ihininto ko din agad.
Dalawang minuto pa lang ang itinatakbo ng simulation pero level 25 na ang naabot nito. Napakabilis niya. Hindi niya pa ginagamit ang kapangyarihan sa lagay na iyon. Nagpatuloy ang simulation at wala pa ring kapaguran sa pagsugod si Fiona.
Lumipas ang tatlong minuto at nasa level 48 na ito. May malaki na itong hiwa sa tagiliran at may saksak na sa hita. Pinipilit niya pa din lumaban ng hindi nagpapalabas ng apoy. Malapit nang mag-level 50 ang bar pero biglang tumigil ang simulation nang bumagsak na ang katawan ni Fiona. Agad ko naman itong dinaluhan. Mabuti na lang at hindi totoo ang mga sugat na natamo niya sa simulation. Ganunpaman, hapong-hapo pa din siya sa training.
"Kagagaling mo lang sa clinic tapos nagtre-training ka na." Naalala ko ang mga napag-usapan namin ni Gen na sa tingin ko ay nabasa niya. Matalim na titig ang ibinato niya sa akin kaya wala sa sariling napalunok ako. "Pa-pasensiya na kung kinukulit kita. Pero mukhang kailangan mo nang magpahinga."
Hindi naman ito nakinig at inabutan ako ng espada. Nakita ko namang may hawak din siyang isa.
"A-ano toh?" Bigla niya akong sinugod kaya napataas ako ng espada para harangan ang atake niya. "Te-teka lang. Papatayin mo ba ako?" Nag-uunahan ang pintig ng puso ko.
"Kapag nasugatan mo ako sa loob ng limang minuto, sasagutin ko ang tatlong tanong mo." Nagliwanag ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Pero kung hindi mo nagawa," blankong mga mata ang tumitig sa akin pagkatigil niya sa pagsasalita.
"... magpaalam ka na kay Celine." Agad na binawi niya ang liwanag sa mga mata ko.
YOU ARE READING
Bad Genie [Book One-Completed]
Fantasy"Be careful what you wish for, you might just get it." At kung naniniwala ka man, na may dragon na tutupad sa mga hiling mo kapag nakumpleto mo ang pitong dragon balls, o 'di kaya'y may isang fairy godmother na tutupad ng hiling mo kapag iiyak ka sa...