Chapter Four

32 17 30
                                    

K A D E N C E

"...be our band manager."

Nablanko ako sa inalok ni Orion. Ano? Band? Manager? Band manager?

Sandali nga...

MAY BANDA SIYA?!

"May banda ka?" I asked curiously.

"Meron," he answered casually.

"Bakit hindi ko alam!?" I snarled and he just laughed at me.

"Hindi ka naman interesado," he answered again. Para kaming may question and answer portion dito; isang tanong, isang sagot.

"Gaga!" Tanging naiusal ko dahilan para tumawa siya lalo.

"Ano, game ka ba?" Siya naman ngayon ang nagtanong. Napaisip ako nang malalim dahil doon.

Grabe, hindi naman ako aware na job interview na pala yung mga tanong niya kanina. Charot!

I took a deep breath and stared at my cousin who is now waiting for my answer. I considered the pros and cons of my possible decisions, kahit puro kami katarantaduhan ni Orion sa isa't-isa, it's still obvious na hindi basta-basta yung topic namin ngayon.

Lalo na't pangarap niya rin ang nakataya rito.

I can sense na there is something eh. Hindi siya magtatanong sa akin nang ganoon kanina kung wala lang.

Pero... I can't be their manager.

"Orion, you know na I'll do everything just to help you pero kasi, I can't be your manager. I can't get you guys deals, gigs and such. Bago pa lang ako rito sa probinsya natin, wala pa akong masiyadong kilala," I honestly said which made the boy pout.

"I know, nag-try lang akong mag-alok," he said while scratching his neck.

Now, I feel bad for turning him down.

"What's the problem with your band ba?" I asked curiously which made him sigh.

"We fired our manager due to confidential reasons and now, balik sa zero kami. Akala ko uusbong na career namin then pak! Lumagapak. Ni hindi na nga kami nakakakuha ngayon ng mga gigs," he confessed which made me feel bad lalo. Kaya pala ganoon na lang mga tanong niya kanina.

"Being a musician is really my dream, Kadence. Pero ngayon, parang imposible na, nagpatong-patong ba naman lahat ng kamalasan," he added and laughed pero his laugh didn't even reached his eyes.

"Sorry talaga," I said as I looked at my camera. May pinagdadaanan pinsan ko pero nagagawa niya pa rin tumawa, I just want to hug him pero I don't want to make the atmosphere more gloomy, and he's not a fan of hugs anyway.

I just heaved a heavy sigh and smiled at him, telling how apologetic I am for turning his offer down and also to comfort him that everything will be okay.

Binuksan ko na lang yung hawak kong camera at bumungad bigla sa akin ang selfie ni Orion. He looks so radiant here, parang walang iniisip na problema.

I glanced at his photo again.

Shit.

Bigla akong nagkaroon ng idea.

"Actually, I can help you without being your manager. Paano kayo nagpopromote ng band niyo?" I asked him. Umakto siyang parang nag-iisip bago magkibit-balikat.

"Seryoso? Wala kayong matinong promotion?" I asked, umiling lang siya. Napa-facepalm tuloy ako, kaya pala walang gigs. Mabuti na lang na-fire na yung manager nila! Hindi marunong humawak.

"Nagpeperform lang kami sa mga music events and ayun na yung magsisilbing exposure and promotion namin. Mali ba iyon?" He asked innocently kaya napa-facepalm nanaman ako.

"Kulang pa iyon na promotions!" I almost exclaimed.

"Ni isa sa mga members mo, hindi man lang naisip na kulang iyon?" I asked once again.

"Nah, busy din kami dati sa academics kaya sunod lang kami nang sunod sa dati naming manager. Ka-edad nga lang din natin halos yung manager namin dati eh. Basta, we just formed our band and she presented to manage us then ayun, ganoon na. Okay din naman kami noon, nakilala pa rin kami ng mga tao—"

"But your fame didn't last long. Nakilala lang kayo pero hindi kayo totally tumatak sa kanila, am I right?" I cut him off. Mahinang natawa si Orion dahil doon.

"That's one of the reasons why we fired her. She has no idea how to manage a band and even used our  name for... ah, nevermind," he said. Magtatanong pa sana ako kung ano ba nangyari pero feel ko today's not the right time. It's obvious na ayaw niyang pag-usapan.

"Orion, I can work with you and help you promote your band, do layouts and such. Forte ko 'yan, kahit pagkain na lang sahod ko okay na iyon! Basta may magawa lang ako ngayong summer," I offered which made my cousin smile.

"I'll help you with your band habang naghahanap kayo ng manager niyo. In exchange, you need to make my summer days productive and fruitful, deal?" I extended my hand.

"Sus, gusto mo lang ng libangan para makalimutan ex mo eh," he teased me pero inirapan ko lang siya at sapilitang nakipag-shake hands.

"Deal," we both said in unison, natatawa pa nga si Orion.

"You're the best sister I could ever ask for," he said while stifling his laugh. Hinampas ko tuloy siya, tumayo bigla balahibo ko!

"Hindi bagay sayo, nakakakilabot!" Reklamo ko rito dahilan para guluhin niya buhok ko.

"Tara, let's meet our band," he said and inaya na ako patayo pero bigla kong binawi yung braso ko.

"Sandali, mag-aayos lang ako," turan ko rito pero umirap lang si Orion at hinatak na ako palabas nang kuwarto. Ni-hindi na ako nakapagbihis nang maayos! Mabuti na lang naka-floral summer dress ako, hindi halatang nabubulok na ako sa bahay.

Pero bwisit! Hindi na ako nakapag-makeup, kahit liptint man lang!

Wala na akong nagawa nang pinapasok niya ako sa sasakyan niya. Sa biyahe na lang tuloy ako nagsuklay, mabuti na lang may mga nakatago akong hairclips dito sa sasakyan niya.

Nakita ko pang nagtaka siya kung saan ko nakuha yung mga cheche bureche ko sa buhok pero hindi na lang siya nagtanong at nag-focus na lang sa pagdadrive.

Ilang minuto pa ang lumipas, huminto kami sa isang maliit na bahay. No, hindi siya bahay. Para siyang studio type apartment pero may gate. Ewan, hindi ko alam kung paano i-eexplain—ah basta! Maliit lang siya na bahay, tapos ang usapan.

Dire-diretsong pumasok doon si Orion at sumunod lang ako sa kaniya. May susi rin siya para sa pinto at agad niyang nabuksan iyon nang walang katok-katok.

Bumungad sa amin ang isang sofa set at may kutson sa lapag. Maliit lang yung bahay, sa likod ng sofa, may lababo at dining set. May pinto rin para siguro sa CR. Medyo maluwag sa loob kasi nagkasya rin yung mga instruments bandang malapit sa sala at dining. Pero magulo ang ayos, feel ko may iluluwag pa ito kapag ibahin mga puwesto. Mga lalaki siguro naka—

"Orion my loves!"

"Ay may kasama ka?"

"Hi po."


—tira rito...

Oh my gosh.



***
XD

Sweet Summer Serenade (Ephemeral Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon