Chapter Six

24 13 10
                                    

K A D E N C E

"How do we look?"

Halos maibuga ko yung iniinom kong juice na inabot kanina sa akin ni Noah nang makita yung attire nila. Ganito ba talaga outfits ng mga nasa banda?

Oversized shirts, knee socks, basketball jerseys, cap na nakabaliktad yung pagsuot, maling placement ng bandanas, and rubber shoes. Mabuti na nga lang rubber shoes at hindi crocs ang suot nila.

"What the..." 

Bigla akong nabilaukan nang lumabas na si Orion mula sa kuwarto kung saan sila nagbihis. Dapat pala hindi ako nagsalita nang tapos, naka-crocs na white tapos neon shorts si tarantado! 

Gusto ko humagalpak ng tawa pero baka ma-offend sila. Mga gwapo nga, wala namang sense of fashion! Maayos naman itsura nila sa mga casual attires nila, bakit naman ganito sila manamit kapag tutugtog?

"Alam ko na kung ano pa maitutulong ko sa inyo," I blurted out. Hindi ko na napigilan sarili ko, para silang nasa 2010 pa lang, napag-iwanan ng panahon.

"What?" Kai asked habang pinaglalaruan nanaman yung drumstick niya.

Hindi na ako sumagot pa at hinatak sila papasok ulit sa kwarto nila and this time, sumama na ako sa loob.

"Nasaan iba niyong mga damit?" I asked, tinuro naman ni Harua yung isang malaking aparador. Halos mautot ako kakapigil tumawa nang bumungad sa akin yung mga jersey sa loob ng closet na iyon.

"Ito lang talaga mga damit niyo?" I asked at pilit na naghalughog.

"Oo, may problema ba?" Noah asked.

"Para kayong mga jejemon," I bluntly answered. Agad din naman akong napatakip ng sarili kong bibig after sabihin iyon. Geez, minsan talaga kailangan ko nang lagyan ng pang-filter itong bunganga ko.

"Sabi ko sa inyo eh," Haru blamed his friends. Napatingin ako sa isang jersey na naka-hanger sabay ngiwi.

"Iyan sana susuotin ni Zion," Orion said when he noticed I was looking at the jersey.

"Sino nakaisip ng pa-jersey niyo?" I asked.

"Yung dati naming manager. Ipinagpatuloy na lang din namin kasi parang naging trademark na rin namin ito," Noah answered, napatango na lang ako. Mukhang wala nang ginawang tama yung manager nila na iyon ah?

Ginamit ko yung natitirang braincells ko para maayos itong outfit disaster nila.

"May mga polo kayo? Kahit long-sleeves?" I asked while looking at their outfits. 

"Oo, mayroon. Nandito sa ilalim, we used these when we performed at a wedding noon," ani Kai at binuksan yung drawer na nasa baba. Mabuti na lang talaga at mayroon sila nito.

"Papakialaman ko wardrobe niyo, I'll send fashion inspirations later. For now, pagtiyagaan natin yung mga jersey niyo," I said while checking the polos.

"Use these instead of plain oversized shirts then ipatong niyo itong jersey niyo kung gusto niyo pa rin mag-jersey, nakikita kong magmumukha siyang vest. Just don't use neon colors, masakit sa mata. Instead of shorts, wear your trousers or pants na lang, nakikita niyo naman kung ano ang babagay and please, quit the knee socks and don't use bandanas. Alisin niyo rin 'yang cap niyo," mahaba kong litanya, sumang-ayon naman sila.

Sweet Summer Serenade (Ephemeral Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon