Chapter Eight

19 10 0
                                    

K A D E N C E

"Ang gaganda."

Napatingin ako sa likod ko nang biglang nagsalita si Orion. Kanina pa ba siya nandiyan? Hindi ko napansin.

Kasalukuyan kong tinitignan yung mga kuha ko kanina habang tumutugtog sila. Mula soundcheck hanggang sa mismong pagtugtog nila. Mayroon din akong mga pictures ng mga audience kanina.

Katatapos pa lang ng gig nila kaya napag-desisyunan nilang mag-celebrate rito sa apartment nila. Well, they deserve to celebrate, their gig was a success!

"Hoy Orion! Tagay mo na!" Sigaw ni Noah habang hawak-hawak ang tagay kuno ni Orion. Halos matawa ako nang makitang pinuno niya ng beer yung baso.

"Tangina, papatayin mo ata atay ko," reklamo ni Orion habang naglalakad papalapit sa kanila. Agad niyang nilagok yung baso. My jaw dropped when he drank everything inside that glass, ginawa ba namang tubig yung beer!

Grabe, bente anyos pa lang 'to si Orion, grabe na uminom! Kung isumbong ko kaya siya kay tita? Charot.

"Ikaw na Zion." 

My gaze landed on Zion who is just laughing with his friends. Mukhang gumanti si Orion kasi pinuno niya rin baso nung isa. Walang alinlangang nilagok ito ni Zion pagkaabot sa kaniya ng baso kaya naghiyawan sila.

After drinking his beer, he suddenly looked at me and raised his glass. Sa hindi ko malamang dahilan, bigla akong kinabahan. 

Huh?

Ano nanaman ba 'to?

Naalala ko nanaman yung kanina habang nasa plaza kami. Ganito. Ganitong-ganito yung naramdaman ko kanina noong nagkatinginan din kami ni Zion habang nagsa-soundcheck sila.

"Gago, hindi 'yan umiinom," ani Orion at hinablot ang baso kay Zion. Umiwas na lang ako ng tingin sa kanila at itinuon mula sa camera ang atensyon. What the hell is happening to me? What was that?

Bakit ba laging dumadagundong puso ko sa kaniya? Bakit parang kinakabahan ako?

I sighed and glanced at the photos on my camera, siguro... nahihiya lang ako sa kaniya kaya ko 'to nararamdaman.

Oo, tama. Iyon nga.

Puro ba naman kahihiyan yung napakita ko sa kaniya sa tuwing nagkikita kami. Una, yung sa mga pato. Sunod naman, yung pagsabay ko sa kaniya sa pagkanta sa plaza. Pangatlo, narinig niya akong tinawag ko siyang aso. Hays! Ano pa ba? Kulang pa ba?

I shook my head to erase these eradicate thoughts. I need to focus on something.

Kinuha ko ang phone ko para buksan ang Facebook app. Gawin ko na lang yung Facebook page ng band nila. Wala akong dalang laptop kaya sa mobile phone na lang muna ako mag-se-setup ng page.

I typed their band's name as the page's name pero while looking at it, parang may kulang.

'Ephemeral'

"How did you knew our band's name?"

Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko nang biglang may umakbay sa akin. It was Noah.

Sweet Summer Serenade (Ephemeral Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon