CHAPTER 13

6 0 0
                                    


ILANG oras nang nag lalakad sila Djiem at Lexus sa kabuunan ng garden ng bahay ni Lexus. Hindi nakakasawang pag masdan ang mga malalagong halaman, at bulaklak. Nakangitong  tinatanaw ito ng dalawa habang nag kahawak ang kamay

"Saan mopa gustong pumunta?" Tanong ni Lexus habang nag lalakad silang dalawa at hindi pa pinag bibitaw ang kanilang kamay "Kahit saan dadalhin kita"

Napaisip s'ya habang pinipisil-pisil ang kamay ni Lexus "Hindi ko alam kung saan e, wala naman akong alam na ibang lugar dito sa Turkey" pag amin n'ya. Kahit naman noong nandito s'ya wala s'yang ibang ginagawa kundi trabaho dahil iyon lang naman ang umiikot sa mundo n'ya noong hindi pa n'ya nakikilala si Lexus.

"Hmm, Kung kumain tayo sa restaurant." Tumaas ang kilay n'ya at tinignan ang lalaki "What?"

"Kakain nanaman?" Reklamo n'ya "Kakakain ko lang e"

Mahina namang sinapok ni Lexus ang noo n'ya. "Pwedeng mamayang gabi o bukas, basta kasama kita kahit kailan pa iyan"

Napahinto s'ya sa pag lalakad at niyakap ang lalaki, His so lucky. Aakalain mong may gantong lalaking mag mamahal sakanya.

Napapikit s'ya at napaisip, dahil wala naman s'yang alam na lugar dito ay wala man lang s'yang maisip na pupuntahan "Pano kung bumalik nalang muna tayo sa pilipinas?" Sabi n'ya

Mukhang hindi naman nagustuhan ni Lexus ang sinabi n'ya dahil tumaas ang kilay nito "Hindi moba gusto dito?"

"Gusto syempre, pero may lugar akong hindi pa napupuntahan sa pilipinas na gustong gusto kong puntahan"

Napatango-tango naman si Lexus "Okay... Name it and I'll bring you there." May kakaibang kislap naman sa mga mata ni Djiem, parang may kung anong kakaiba sa puso n'ya na hindi n'ya mapaliwanag kapag si Lexus ang kasama n'ya. Alam n'yang love iyon pero nahihirapan s'yang ipamukha sa sarili na sobrang napamahal s'ya sa lalaki.

"Hmm..." May kakaibang ngisi na lumabas sa labi ni Lexus "Alam kona kung saan kita dadalhin"

Kaagad namang kumunot ang uno n'ya at tinignan ang lalaki "Akala koba ako ang pipili ng lugar?" Nanikit ang singkit na nitong mga mata

"Suprise wife," Mahina s'yang napawigaw ng buhatin s'ya ni Lexus. It was easy to him na para bang hindi dalawang tao ang buhat n'ya.

Kaagad n'yang natakpan ang bibig ng makaramdam na para bang hinahalukay ang loob ng tiyan n'ya. "Put me down" Utos n'ya kay Lexus na kaagad naman nitong ginawa.

Kaagad s'yang tumakbo papuntang cr at doon nasuka.

Napahawak s'ya sa tiyan n'ya. Hindi n'ya gusto ang ganitong pakiramdam, parang ikakam*tay n'ya sa tuwing hinahalukay ang loob ng tiyan n'ya.

"Ahh" Napahawak s'ya sa sintido n'ya. Nahihilo s'ya at pakiramdam n'ya kahit anong oras babagsak ang katawan n'ya.

Nawalan s'ya ng balanse at akmang matutumba ng makaramdam s'ya ng katawan na yumakap sa katawan n'ya. Hindi s'ya bumagsak sa sahig dahil nakaramdam s'ya ng katawan na sumalo sakanya.

WALANG magawa si Lexus ng kaagad na nag pababa si Djiem mula sa pag kaka buhat n'ya dito.

Kaagad itong tumakbo sa malapit na cr dito sa first floor ng bahay n'ya.

"Ahh" Kaagad n'yang binuksan ang pinto ng marinig ang sigaw ng lalaki. Nakahawak ito sa ulo n'ya at tiyan na para bang nahihilo.

"Wife" Saad n'ya ng makitang matutumba ang lalaki. Kaagad n'yang inisang hakbang ang pagitan nilang dalawa at niyakap ang lalaki para hindi ito matumba.

"Wife?" Tawag n'ya sa lalaki. Pero wala na itong malay. "F*ck!" Nag papanic na sigaw n'ya. Kaagad n'ya itong pinangko at dinala sa kwarto n'ya.

NAGISING si Djiem ng makarinig ng pag uusap. Nahihilo pa s'ya at hindi pa klaro ang paningin at pandinig n'ya.

"Are you okay now?" Napatingin s'ya sa boses na iyon.

Napakaamo ng mukha nito at ganoon din ang boses, napaka gandang babae ang kaharap n'ya. "I'm Lexus's friend, Also his personal doctor" Ani nito.

Nakaramdam n'ya ng selos dahil may magandang kaibigan si Lexus. Akala n'ya ay wala itong nakakausap o kaibigang babae. 𝘔𝘦𝘳𝘰𝘯 𝘱𝘢𝘭𝘢! 𝘵𝘤𝘩!.

"I'm feeling better" Saad n'ya. Okay naman na s'ya nag seselos lang.

"That's good to know. Alam mo bang nag wawala kanina ang asawa mo sa labas ng kwarto nyo," Sabi nito habang inaayos ang mga gamit n'yang pang doctor.

S'ya naman ngayon ang kumunot ang noo "Bakit?"

"Gustong pumasok e, alam naman n'yang hindi ko magagawa ng maayos ang trabaho ko kapag mag asawang sumbat ng sumbat sa mga doctor. At isa pa, pinag bantaan ako n'yan na papasab*gin ang Hexon hospital kapag hindi ka nagising in just 5 minutes. Naloka ako don" mahina s'yang natawa dahil sa sinabi ng Doctora.

"By the way, I'm Dra.Cindy Hanna Darwin." Sabi nito at inilahad sa harap n'ya ang kamay nito na kaagad naman n'yang tinanggap "Wag kang mahihiyang tumawag sakin kapag sumasakit ang tiyan at ulo mo, Normal yan sa buntis" Saad pa nito

"I will"

Pareho silang napangiti.

PABALIK-BALIK ang titig ni Djiem kay Lexus at sa hawak nitong gamit na pang baby. Nakangiti ito nakatingin sakanya. Gusto n'yang sipain ang lalaki dahil ang daming gamit ng baby sa loob ng kwarto at nakakalat pa sa sahig.

Naiinis s'ya kapag makalat ang kwarto na pinagtitipunan n'ya. Hindi s'ya sanay sa makalat "Anong gagawin natin d'yan?" Masungit na tanong n'ya sa lalaki.

"Para to kay baby" Ani n'ya at tumabi sa tabi n'ya. Umakbay ito sakanya at hinimas ang tiyan n'ya.

Inikot n'ya ang paningin at nandoon parin talaga ang inis n'ya dahil sa nakakalat na gamit. Kahit na anong gawin n'yang alisin sa isip na walang gamit na nakakalat hindi n'ya magawa.

"Iligpit mo nga yan Lexus" Tinabig n'ya ang kamay ng lalaki na nakahawak sa tiyan n'ya

"Hindi mo ba nagustuhan? si baby gustong gusto  nga e" Kaagad na sumingkit ang mata n'ya.

"Nakausap mo si baby?"

"Yes. He call me daddy" Nakangising saad nito habang bumalik ang kamay sa pag kakahawak sa tiyan n'ya.

Nakaramdam s'ya ng inis. Palagi nalang s'yang naiinis sa lalaki. Nakaka badtrip naman kase ang gwapo nitong mukha na ang lakas maka pang asar.

"Iligpit mona kundi ikaw ang ililigpit ko. Tutupiin kita sa tatlo" Lexus just looked at him

Inirapan n'ya ang lalaki na napaka-OA humawak sa tiyan n'ya. Tama ba naman yon, bababa yung kamay sa pagkalalaki n'ya. 𝘉𝘢𝘴𝘵𝘰𝘴!.

"Okay..." Tumayo na ito at isa isang dinampot ang damit ng baby nila na nakakalat sa sahig nitong kwarto.

Napangisi s'ya ng damputin nito ang damit at inihagis ito sa basket na malapit lang sakanya. Ang cu-cute ng nga gamit napaka liit.

Hindi s'ya makapaniwala na ang isang mafia boss na katulad ni Lexus ay mapapasunod n'ya. He felt guilty. Parang naging masama tuloy s'ya dahil napaka inosente nitong mag linis. 𝘏𝘢𝘯𝘥𝘴𝘰𝘮𝘦.

Pinagpag nito ang kamay at damit n'ya nang makatapos sa pag lilinis. "Done wife" Saad nito bago sumampa sa kama katabi n'ya.

Nasiyahan tuloy s'yang utusan ang lalaki dahil napaka inosente nitong mag linis. Nakakatangal ng stress.

"Are you feeling better now wife?" Tanong ni Lexus at ipinatong nito ang ulo sa balikat n'ya.

Ang isang kamay nito ay hinihimas ang tiyan n'ya

"Yes..." Sagot n'ya "Ikaw, hindi ka nag sabi na may kaibigan ka palang babae, ang ganda n'ya" He felt jealous again. Alam naman n'yang gwapo at habulin ng babae itong fiance n'ya  pero hindi n'ya maiwasan na makaramdam ng selos. Plus maganda pa iyong babae at talagang nakakapang selos.

"Yeah" Sagot nito

Kaagad na tumaas ang kilay n'ya "Maganda s'ya?"

"Yeah. Pero iba ang ganda na meron ka, mas mukhang babae ka panga sakanya." Ani nito. Napangiti s'ya at hinalikan ang lalaki sa labi na kagaad din naman nitong tinugunan.

"I know, kaya nga mahal na mahal mo ako e" They both chuckled. Hindi n'ya alam kung mahihiya s'ya sa sinabi o matutuwa

"Yes wife, I love you so much"

Teasing a sensitive man (DANGEROUS MAN SERIES #1) (COMPLETE) Where stories live. Discover now