CHAPTER 15

6 0 0
                                    

Kahit gaano mo pa kagusto ang isang tao ay mag aatim ka ng kasayahan makasama ang taong mahal mo at magagawa mo ang lahat kahit na ikawasak mo, and Vino doing it right now.

Kahit hindi na nakakausap ng matagal ni Djiem ang kaibigan kilalang kilala parin n'ya ito, kaya nga hindi n'ya maiwasang mag alala dahil alam n'yang mahina talaga ito pag dating kay Gio.

"Vino, love can hurt you, pero dadating iyong panahon na magkakaroon kayo ng sapat na oras para kilalanin muli ang isa't isa. Give him a time" He said. Hindi nag salita si Vino at tumingin lang sakanya.

Maya maya pa ay mahina itong natawa at umupo sa tabi n'ya "Ikaw ba, kilala mo naba ng sobra ang mapapangasawa mo?" Napangiti s'ya at tumango sa tanong ng kaibigan

"Uhm, yes. Noon nag tataka talaga ako kung bakit napaka weird ng kilos n'ya." Napapikit s'ya at inisip ang unang pagkikita nila ng lalaki "Wala talaga akong ideya na uuwi sa ganto ang lahat. I'm just a journalist, a journalist who desperate to interview him" Napakagat labi s'ya ng isipin ang nakakatakot na aura ng mukha nito.

"Baliw na journalist kamo" Pabiro naman n'yang inirapan ang kaibigan na ikinatawa nito.

"Tch, at least ako ikakasal na" Nawalan ng isasampal na salita si Vino sakanya kaya natawa s'ya.

"Ano naman," Napairap nalang ito sa kawalan at tumayo. Si Djiem naman ay pumunta sa salas para kumuha ng maiinom nila.

Nasan na kaya ngayon ang lalaki, miss na n'ya ito. Isang araw palang itong hindi nakauwi halos ikamatay n'ya. nakaka miss naman kase ang lalaking yon sa totoo lang.

Nag mamadali na lumabas si Djiem sa kusina nang makarinig ng ingay. Napahinto s'ya ng bumungad sakanya ang pamilyar na mukha.

Itinaas ng gwapong lalaki ang kamay n'ya at nag wave sakanya "Hi, I'm kerem" Sunod sunod namang nag pakilala ang mga lalaking nasa harap n'ya.

"I'm kemal" Saad ng lalaking kamukha ni Kerem.  Mag kamukhang mag kamukha ang dalawa at ikakalito mo kung sino sa kanila si Kerem sa Kemal. Ang perpektong pigura ng kanilang katawan at nag papadagdag lito kung sino nga ba sakanila si Kemal at Kerem.

Napatango s'ya. Isa lang ang napansin n'ya.

Ang mata ni Kerem ay masayahin, mayroong ngiti sa mga mata nito ang soft voice pero barito. Si Kemal naman ay walang mababakas na emosyon sa mga mata n'ya. ang natural na mapulang labi nito ay nakaawang habang nakatitig sakanya. At ang luntiang mga mata nito ay nakakatakot tignan.

"Hi" Sinubukan n'yang huwag mautal sa harap ng dalawang kambal.

"Kaibigan kami ni Lexus" F*ck his accent, hindi ito halatang pilipino.

Sasagot na sana s'ya ng may mag salitang lalaki sa gilid n'ya. "F*ck it. I'm going to loss my consciousness" Lalong s'yang natigilan ng makalapit ang lalaki sakanya. Mas matangkad ito ng kaunti kay Kerem at Kemal, lalo na sakanya.

"I'm Vlademir" Napalunok s'ya ng umalingawngaw sa pandinig n'ya ang baritonong boses nito. Parang nanuyo ang pawis n'ya.

"F*ck his not wrong, you're f*cking pretty man" Saad nito at nilagpasan s'ya.

Nakahinga naman s'ya ng maluwag nang hindi na n'ya maramdaman ang prisensyang iyon.

"Djiem," Napatingin s'ya kung kaninong boses iyon. Halos hindi n'ya makilala kung kaninong baritong boses iyon.

"Gio?" Wala sa sariling napalapit s'ya sa lalaki.

It's been a year since he last meet him. Si Giovannie ang kauna-unahang naging kaibigan n'ya sa school. Pangalawa ay si Vino.

Nakangiti ito sakanya

Akmang lalapit s'ya sa lalaki para yakapin ito ay may humigit sa braso n'ya

"I've miss you wife" Puno ng pagmamahal na binalingan n'ya ang lalaking mapapangasawa n'ya.

Teasing a sensitive man (DANGEROUS MAN SERIES #1) (COMPLETE) Where stories live. Discover now