Chapter 18:

10 3 0
                                    

⚠️Brutal scene, if you are sensitive kindly skip to the next chapter...

CELYN

Pabalik na kami sa kwarto kung saan kami unang nagpapahinga, nakahanda sa kaliwang kamay ko ang baril na may silencer at dagger naman sa kanan, habang si rein naman e dalawang dagger sa magkabilaang kamay, at dalawang baril din ang hawak ni nate sa kaliwa't kanan.

Dahan dahan kami sa paglalakad, habang nagmamasid sa paligid, wala kaming nakikitang zombies kahit Yung kasing laki namin, pasalamat parin kami dahil hindi pa nawawalan nang kuryente dito sa ospital, habang sa city naman wala nang kuryente..

Kahit pare-pareho kaming kinakabahan, determinado kaming mahanap ang iba pa, hindi din namin alam ang kahinaan nang mga zombieng bago sa paningin namin, mabuti Sana kong may masagupa kami ngayon kahit isa lang para malaman namin ang kanilang kahinaan..

*Graaa

Speaking of the devil, wait I'm a devil itself so those creature is just a monsters.

Sabay² kaming nagkatinginan na tatlo, nasa unahan namin ngayon ang malaking zombie at tama nga si Rein na mas mabaho ito, amoy na amoy namin ang malansa at parang karneng ilang araw nang sira, p*ta parang masusuka ako idagdag mo pa na inuuod ang laman nito sa lahat nang hiwa na mayroon ang katawan nito.

Pula din ang dalawang mata nito, at ang mas nakakagulat pa e, kinakain niya ang kapwa zombie na may katamtamang katawan. Parang matibay din ang katawan nito na parang gawa sa bakal.

"Tirahin naba natin?" mabilis na lumingon ako kay Rein dahil sa tanong nito, kaya napakunot ang noo kong tinitigan ito.

"What?" Takang tanong nito sakin, dahil hindi ko Siya sinagot.

"Hindi pa ba tayo, aalis o lalaban yan?" This time ako naman ang napatingin kay nate, napansin ko sa dalawang to parang mas excited pa silang labanan to, sa halip na kabahan.

"You two attack it first, while I'm going to observe" mabilis na napalingon sakin si rein at napangisi.

"Are you sure?? Himala ang aming lider na mahilig sa action, nag back out" mapang asar na sabi nito sakin, nagagawa pa talaga namin mag usap habang ang pinaguusapan namin nasa harap lang namin, dalawang metro ang layo samin, at least diba hindi kami backstabber, at isa pa nagmumukbang pa Siya nang kapwa niya, kaya parang hindi kami nito naririnig, hindi din kami nito nakikita dahil parang naka talikod ito samin.

Naghanda na ang dalawa sa pagsugod habang ako naka hilig lang sa pader nang kinatatayuan ko, back up lang ako at the same time kailangan ko munang pag aralan ang galaw ng  isang to.

"Aim its head" sabi ni rein kay nate. Tinutok ni nate ang baril na may silencer sa ulo nang zombie habang busy pa ito sa pagkain.

*Bang
*Bang
*Bang

Tumama ang tatlong bala sa ulo nito, unti² itong lumingon sa gawi namin at nanlilisik ang pulang mga mata nito, nakahanda naman si rein sa pag sugod nang kalaban.

*Yahh

Mabilis na tumakbo si rein sa halimaw at hiniwa ang dibdib nito, subalit para itong walang nararamdaman at mabilis itong umilag sa muling pagsugod ni rein, sakabilang banda pinapuputukan parin ni nate ang ulo nito, kong hindi sa noo ang tama nito, sa pisngi at leeg lang ito natamaan, minsan namimintis pa.

*Graaaaaa

Dahil sa ginawa nang dalawa, mas lalo atang napikon ang isang to, at mabilis na sumugod kay Rein, kaya nahagis sa pader si Rein. Sh*ttt
Wala bang kahinaan ang isang to.

Survival series: Mayonaka (Completed)Where stories live. Discover now