Chapter 21:

11 3 0
                                    

MARI

*Pak

"Nasaan ang van, at ang mga kasamahan niyo?" Muntik na kong matawa sa reaksiyon ni Alex nang sampalin Siya ni mang kanor.

"Mukha ba akong hanapan nang nawawala" matigas na sabi ni Alex, at sinamaan niya ito nang tingin.

"Hangal" this time nakatikim na naman ito nang sampal sa kabilang pisngi, kaya pantay na ang blush on nito.

"Alam kong, alam mo kong nasaan sila at ang van na may supply, sabihin mo na bago ka matulad sa isang yan" ako naman ang binalingan nito, kaya nginisihan ko ito para mas lalo siyang maasar.

"Ano ako bobo?" Mas lalong kumunot ang itsura nito, love the scene especially when  it is red.

"Ginagalit niyo talaga ako ha, dalhin sakin ang mga bata" lumabas ang mga tauhan nito, maya maya pumasok din ang mga  itong may hila-hilang mga batang umiiyak, tatlo ang mga ito kasama na si tami.

"Mama" mas lalo itong umiyak, nang makita ako, nagtataka naman si alex sa ginawa nung bata.

"Gosh, Mari ilang araw lang tayong naghiwa-hiwalay, may anak ka na?" Maka tanong naman ito parang kami lang  dalawa ang tao. Tinignan ko Siya nang masama.

"Hindi niyo talaga sasabihin?" Tinutukan nito ang isang bata, na mas malapit sa kanya.

"I'll count into 3....... 1 ......2 *bang*"

"Tang*na mo"
"Wala kang puso" kanya² nilang reaksiyon, umiiyak naman ang mga babae naming kasama, mas lalo pang naiyak ang dalawang natirang mga bata dahil sa nasaksihan.

Children are innocent they don't deserve this kind of world ,and yet these kind of inhumane people snatch the chance to live their life to the fullest..

"Ano ayaw niyo talagang sabihin?" Itinutok nito muli ang baril sa isa pang bata

"I'll count aga----"

"There's no need, the van that your looking for, will be here in no time" putol ko sa sasabihin nito, nagtatakang napatingin ang lahat sa akin, maliban kay Alex na nakangisi na naman.

"What are you talking about?" Takang tanong nito.

"Boss, sinusugod tayo" sigaw nang tauhan niya, nang makapasok ang tauhan nitong panget  sa kwartong ito. Napatingin si mang kanor samin.

"Btchessss"

"Surprise" Natigilan ang lahat nang makalas ko ang tali sa kamay at paa, tumakbo naman si mang kanor sa labas at inutusan ang mga tauhan nitong natitira dito sa kwarto na sugodin ako..

"Alex, ano tatanga tanga ka nalang ba diyan?" Singhal ko sa kanya, ayaw pa akong tulungan alam ko namang, kanina niya pa natanggal ang tali, nag iinarte lang yan...

Shit, muntik na kong masipa sa mukha, kung hindi lang mabilis ang reflexes ko na umilag, napatawa naman si Alex...

"Btchhh kong hindi mo ako tutulongan, just untie them" singhal ko na naman habang mabilis na siniko ang papasugod sa gilid ko...

"Why should I? They can do it on their own" mataray na sagot nito habang nakasandal sa gilid, tignan mo tong babaeng to...

Sumugod sakin ang dalawang may hawak na patalim, sinipa ko ang kamay nang isa, dahilan na nabitawan nito at napunta ang patalim  sa paanan nang mga nakatali, kina katana to be exact.

Survival series: Mayonaka (Completed)Where stories live. Discover now