SIMULA

20 0 0
                                    

☆☆☆

Malakas ang buhos ng ulan pero wala akong pakialam, tulala lang akong nakatingin sa ibaba ng tulay habang pinagmamasdan ang malakas na agos ng tubig. Siguro kapag may nahulog dito hindi na mabubuhay. Ano nga ba ang rason bakit nabubuhay tayo sa mundo?

Hindi hadlang ang malakas na ulan para hindi ko maramdaman ang luhang bumabagtas sa aking mga mata. Hindi ko alam kung saan nga ba ako mas higit na nasasaktan? Naaawa ako sa sarili ko dahil kahit na anong gawin ko tila isa lang akong palamuti na magagamit sa tuwing kailangan at kapag wala ng pakinabang wala na ring halaga.

Tama ba ang desisyong gagawin ko? Siguro nga dahil pagod na akong maranasan ang paghihirap na tanging sarili ko lang ang may alam. Tanging ako lang ang nakakaramdam.

Dahan-dahan kong iniakyat ang aking mga paa sa gilid ng tulay at pagkaraan ay ilang ulit na pumikit. Baka ito na ang oras para tuluyan akong makapagpahinga, katulad ng paborito kong nobela na pareho kami ng kapalaran ng side character, parehong pinagkaitan ng pagkakataon para maging masaya at parehong napagod at tuluyan ng winakasan ang paghihirap sa pamamagitan ng pagtanggap sa malungkot na wakas.

Ipinikit ko ang aking mga mata at mapait na napangiti, nagpaubaya ako sa hangin habang naririnig ang malakas at galit na agos ng tubig. Naramdaman ko ang malakas na pagbagsak ng aking katawan hanggang sa tuluyan nitong putulin ang aking hininga.

Reincarnated As A Side Character Where stories live. Discover now