CHAPTER 2

7 0 0
                                    

☆☆☆

Tahimik lang akong nakaupo habang nilalagyan ni Yuri ng pagkain ang plato ko, pagkatapos niya sa kaniyang ginagawa ay umalis na rin ito sa aking tabi. Bakit naman sobrang tahimik yata? May contest ba ng patahimikan ngayon kaya ganito? Nakakatuwa naman.

"Let's eat." Tipid na saad ng patriarch ng pamilya Del Fuego na seryuso lamang ang mukha at mababakas ang pagiging istrikto nito. Magsisimula na sana silang kumain ng pigilan ko sila.

"Sandali, hindi ba muna tayo magdadasal?" Inosenteng tanong ko sa kanila, naubo naman ang dalawang lalaking sa tingin ko ay ang nakakatatandang kapatid ni Azumi at tila ba bago sa kanilang pandinig ang sinabi ko.

"Ok let's pray." Mahinahong saad naman ni Lady Vironica habang nakangiti na para bang walang tinatagong sungay at para bang isa siyang anghel na hindi makabasag pinggan. Ang taong mapagpanggap.

" Lets pray, thank you for sunshine, thank you for joy--" gusto ko na sanang tumawa dahil sa kalukuhan kong ito pero pinipigilan ko lang talaga dahil baka bigla na lang akong bumulagta rito dahil nabaril na ako sa sarili kong kalukuhan napakaseryuso pa naman ng mga taong ito. " Let's eat na! "

Nagsimula na kaming kumain at tanging mga tunog lamang ng kubyertos ang makikinig sa buong hapagkainan. Tuwid na tuwid ang kanilang pagkakaupo habang eleganteng kumakain. Nakita ko ang isang fried chicken na nasa harapan ko kaya kinuha ko ito at sinimulan ng kamayin. Magana akong kumakain habang nakakamay ng maramdaman ko ang titig na nagmumula sa kanila. Bakit ngayon lang ba sila nakakita ng taong kamay ang ginagamit na pangsubo? Nakalimutan ko wala nga pala ako sa Earth.

"What are you doing Azumi Seraphime?" Istriktong saad sa akin ng patriarch at mababakas sa kaniyang boses na hindi siya nasisiyahan sa paraan ko ng pagkain. Kung ang totoong Azumi ang nandito siguradong umiiyak na 'yon sa takot. Pero hindi ako siya at gagawin ko ang mga bagay na nakasanayan ko na. Kung pwede nga lang na kumain ako habang nakataas ang paa ginawa ko na, kaso naka bestida nga pala ako.

"I'm eating dad, why?" Inosenteng tanong ko at muling sumubo dahil na miss ko talaga ang fried chicken ng Jollibee na bibihira ko lang matikman.  Hindi hamak naman kasi talaga na mas masarap kumain kapag magkakamay ka, hindi ka mahihirapan kumain at mas magagawa mong ma- enjoy kung ano ang kinakain mo.

"Fix yourself hindi ka ba tinuruan ng tamang table etiquette?!" Seryusong saad nito sa akin. "Sinabi sa akin ng Doctor na nawawalan ka nang memorya? Is it true?"

Napatango naman ako dahil sa sinabi niya, iniisip ba niya na baka gumagawa lamang ng kwento ang Doctor na tumingin sa akin?

"It's true, hindi ko tuloy maalala kung gaano ako pahalagahan at alagaan ng pamilyang ito, salamat sa sumubok na patayin ako yon nga lang hindi siya nagtagumpay. Right Jennah? " Inosenteng saad ko pa at ipinakita ko talaga na sobrang nalulungkot ako dahil sa nangyari. Buti na lang at napilit ako sa dati kong buhay na sumali at maging part ng drama club, may malaking pakinabang din pala ang ganitong klaseng pagkukunwari kung gusto mong sumasabay sa eksenang mangyayari.

" W-what are you saying? Pinagbibintangan mo po ba ako ate?" Gulat na tanong nito sa akin at kita ko ang pagbagsak ng luha sa kaniyang mga mata. Magaling, pwede na syang mag audition at simulan ang acting career niya, tutal bentang-benta naman sa lahat ang pagkukunwari niya, pero kung kaya niyang magdrama at magmukhang kawawa sa lahat, sa akin hindi.

Reincarnated As A Side Character Where stories live. Discover now