CHAPTER 1

13 0 0
                                    

☆☆☆

Iba't ibang boses ang aking naririnig, tila ba nagkakagulo sila sa hindi ko malamang dahilan. Isang komusyong nagpagulo sa lahat. Pinakiramdaman kong muli ang paligid at saglit akong natigilan ng mayroon akong naalala, hindi ba't nagawa kong tumalon sa tulay? Naramdaman ko pa nga ang malakas na agos ng tubig na unti-unting pumutol ng aking hininga? Pero bakit nakahiga ako sa isang malambot na kama? Meron bang dumating para iligtas ako? Imposible dahil walang mag-aaksaya nang oras sa isang tulad ko.

Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata, no'ng una'y malabo pa ang aking paningin ngunit ng tumagal ay luminaw na rin ito. Bumungad sa akin ang isang tao na may kasuotang tulad ng isang pangkaraniwang katulong na nakikita ko sa palabas. Umiiyak itong lumapit sa akin at pagkaraan ay hinawakan niya ang aking kamay.

"Ayos na po ba ang iyong pakiramdam young lady?" tanong nito sa akin habang patuloy na humihikbi. Nagtataka ko naman siyang tiningnan dahil sa aking narinig. Young lady? Sino ba ang babaeng ito at grabe naman kung umiyak, naligaw yata ako sa isang set. Gusto ko lang naman wakasan ang buhay ko kaya't tumalon ako mula sa tulay pero nagawa pa yatang gawin akong extra sa isang palabas. Alanganin akong tumawa at kalaunay hindi ko na napigilan ang sarili kong tumawa ng malakas.

" Young lady? Ano pong nangyayari sa kaniya Doc, tuluyan na bang nawala sa katinuan ang young lady?" Hindi mapakaling saad nito. Natigilan naman ako sa aking pagtawa dahil tila hindi siya nagbibiro.

Pinagmasdan ko ang kabuuan ng silid na kinaroroonan ko ngayon, isang queen size bed na kakasya yata ang ilang tao, may chandelier na mahihiya yata maging ang alikabok dito dahil sa kinang nito at balkonahe. Pinagmasdan ko rin ang aking suot dahil lubos akong naiinitan sa aking ayos, mahabang damit katulad ng ginagamit lalo na nang mga debutant, iba't ibang accessories sa katawan at ang tila ba mabigat na nararamdaman ko sa aking mukha.

"Bigyan mo ako ng salamin." Dali-dali namang kumuha ng salamin ang babaeng kanina pang narito at inabot ito sa akin. Saglit ko pa itong tinitigan dahil sa medyo may kabigatan ang salamin na hawak ko, may disenyo rin ito na tulad sa European Period at may maliit na batong nakadikit dito.

Pinagmasdan ko ang mukhang ito sa harap ng salamin, nagulat ako ng bumungad sa akin ang maliit at maamong mukha ngunit dahil sa makapal na make up ay nagmumukha na itong clown para sa iba. Makapal din ang lipstick nito na para bang nasobrahan sa pagkain ng sili. Kinuha ko ang laylayan ng suot kong damit at maingat na pinunasan ang mukhang ito.

Kaninong katawan ba ako naroroon? Sabay ba kaming sumubok na magpakamatay at pagkatapos ay naligaw ang aking kaluluwa sa katawan ng iba? Ito ba ang tinatawag nilang reincarnation? Hindi ba't gawa-gawa lamang ang lahat ng espekulasyon patungkol doon. Ngunit naaalala ko pa ang  philosopher who believed in reincarnation  which is  Plato. In his work "Phaedo," he presents the idea that the soul is immortal and goes through a cycle of reincarnation, based on moral growth and learning. So kung buhay pa si Plato ngayon siguro ako ang magsisilbing living proof nya para sa kaniyang ginawang pag aaral.  Pero paano nga nangyari ang ganitong klaseng pangyayari? Pwede bang bigyan niyo ako ng isang scientific explanation tungkol dito?

Nasaan ba ako?

"Young lady naaalala nyo po ba ako? O kahit nakikilala man lang?" Umiling naman ako dahil sa ginawa niyang tanong. Paano ko magagawang mag adjust sa ganitong klaseng sitwasyon kung pati ang memorya ng katawang ito ay nawala?! At maging ang mga taong nakapalibot sa akin ay hindi ko tuluyang kilala.

Reincarnated As A Side Character Where stories live. Discover now