October 26, 2014
Pumasok ako sa school na 30 minutes late. Napuyat ako kagabi dahil napaka ingay ng mga kapitbahay na nagvivideoke kahit lampas na sa curfew hours.
Dumiretso lang ako sa bakanteng upuan sa bandang likod pagkapasok ko sa classroom. Napatigil ang masungit kong teacher na si Ester sa pagsasalita nang mapansin ang pagdating ko.
"Miss Avi, why are you late?" tanong niya pagka upo ko. Lumingon naman ang mga kaklase ko sa akin. Inis man ay pinigilan ko ang sarili kong irapan sila isa-isa.
"I woke up late." sagot ko at sinandal ang likod sa upuan. Kumunot ang noo ng masungit na teacher.
"Do you even know the time of my class?" Tanong niya pa na siyang nagpainis sa'kin lalo. May hawak siyang parang baton. Nakasalamin siya at kahit nasa bandang likod ako ay kitang kita ko kung paano kumunot ang mga noo niya. Ano bang gusto nito?
"Yes, ma'am. Kaya nga ako nandito." sagot ko ulit sakanya at nagsimulang magbulungan ang mga kaklase ko.
Nakita ko na lang ang sarili ko na nasa faculty office na. Nakaupo sa harap niya sa kanyang table.
I checked my wrist watch. It's five thirty in the afternoon. Nagsiuwian na ang mga estudyante at guro. Kaming dalawa na lang ng bruhang to na natira dito sa loob.
Labas-pasok sa tenga ang ginagawa ko habang walang tigil ang sermon niya na may halong pang iinsulto sa akin. Pati ang mga magulang ko ay dinadamay niya na rin.
Tiningnan ko lang siya. Lagi naman akong present sa klase niya at nagpapasa ng requirements. Late nga lang dahil 7:30 AM ito. Napaka aga. Anong magagawa niya kung ayaw kong gumising ng maaga?
Hindi ko alam kung bakit sobra sobra ang galit nito sa akin. Samantalang mas malala pa ang kaklase kong lalake na minsan lang pumasok at hindi nagpapasa pero hindi niya pinapahiya at iniinsulto. Naiinggit ba siya sa ganda ko?
Maikli ang buhok niyang may mga kaunting puting buhok na. Puno ng wrinkles ang mukha at nakakunot na naman ang noo na parang permanente na ito.
Sumasakit na ang ulo ko dahil sa kanya kaya naman hinampas ko na ang table niya para tumigil siya sa pagsasalita. Parang umakyat ang dugo niya sa ulo at umuusok ang mukha.
Napatayo siya at dinuro ako. "Walang hiya kang bata ka! Bastos ka! Demonyo ka!"
Parang nagpantig ang tenga ko sa narinig at walang pag dadalawang isip na hinila ang kamay niyang nakaduro sa akin. Sa lakas ng hila ko, napasubsob siya sa mesa. Napatili siya. Ayaw na ayaw ko sa lahat ay yung tinatawag akong demonyo.
Kinuha ko ang mga libro na nasa gilid gamit ang kanan kong kamay dahil ang kaliwang kamay ko ay nakahawak sa ulo niyang sinusubsob ko sa mesa. Hinampas ko ang mga libro sa ulo niya ng sobrang lakas kasama ang sama ng loob na kinikimkim ko dahil sa pang iinsulto niya sa akin mula pa noon.
Napalakas ang hiyaw niya kaya medyo nakaramdam ako ng kaba. Mayroon pa akong nakikitang iilang janitor sa labas kanina na dumadaan habang nandito kami sa loob. Pilit niya akong inaabot gamit ang mga kamay niya kaya naman binatawan ko na agad ang mga libro at hinuli ang mga kamay niya.
Hinawakan ko ng sobrang higpit ang dalawang kamay niya gamit ang dalawang kamay ko kaya naman naiangat niya ang ulo niya. Nakasubsob pa rin ang upper body niya sa mesa.
Lumakas ang sigaw niya kaya naman tinulak ko siya sa dingding, sinugod at pinagsasampal. Kinuha ko ang baton niya at pinalo ito sa tiyan niya. Medyo matanda na rin siya kaya hindi siya makalaban sa akin.
"Pagbabayaran mo ito!" Naiiyak na boses niya. Nilibot ko ng tingin ang faculty room, wala akong nakitang CCTV kaya napanatag ang loob ko.
Liningon ko siya. Alam kong hindi niya ako susugurin kahit pinakawalan ko na siya dahil alam niya ang kaya kong gawin.
"Gawin mo at baka ikaw ang maalis sa school na 'to!" Tawa ko at kinuha ang cellphone ko sa bulsa ng palda ko. Pinakita ko na naka record ito.
Lumaki ang mga mata niya. Nahulog kanina ang salamin niya kaya kitang kita ko ang face expression niya na mas lalong nagpatawa sa akin.
"Sino kaya ang maaalis sa school na ito kapag nalaman nilang nang iinsulto ka ng estudyante mo at magulang?" Humalukipkip ako at sarkastikong tiningnan siya. Napahawak siya sa upuan at ang isang kamay ay nakahawak sa tiyan. Napalakas yata ang palo ko.
"Subukan mo pang pahiyain ako sa klase at hindi lang iyan ang matatamo mo." Huling banta ko at kinuha ang bag ko para umalis na doon.
Nakaka stress ang araw na ito.
BINABASA MO ANG
Hidden Mind
Misterio / SuspensoAvi seems to be a normal high school student, but beneath her ordinary appearance lies a hidden truth. For her, when faced with humiliation, "Don't let them get away with it, strike back. Even if it takes violence." She never realized that her actio...