November 3, 2014
Pasado alas otso ng gabi nang naglalakad ako pauwi ng bahay. Dadaan ako sa bukid para mas mapabilis ang pag uwi ko.
Hindi pa man nararating ang bukirin ay naririnig ko na ang ingay ng mga kapitbahay na nagvivideoke. Heto na naman sila. Gusto ko pa namang matulog ng maaga ngayon dahil ang tagal ng practice namin kanina.
Nang makarating ako malapit sa kanila ay tumigil ako at nagtago sa isang puno. Ang bahay nila ay malapit sa palayan. Sa isang malawak na espasyo, nakapabilog ang mga kalalakihan at mukhang nag iinuman pa habang kumakanta gamit ang napaka pangit nilang mga boses.
Habang abala sila sa kung ano ay pasimple akong lumapit at nagtago sa likod ng videoke machine. Sinulyapan ko sila at nakahinga ng maluwag nang hindi naman nila ako napansin.
Isang lalaki ang tumayo at lumapit sa videoke machine. Para siguro ihanda ang kakantahin niya. Mukhang lasing na siya dahil paika ika ang lakad niya. Kilala ko ang taong ito. Siya ang pinaka pangit ang boses sa lahat at talagang maririndi ka pag narinig mo itong kumanta.
Hinila ko ang wire ng microphone habang hawak niya na ito. Mahaba naman ito kaya hindi niya agad napapansin. Napapapikit ako nang magsimula na siyang kumanta kaya naman buong pwersa kong hinila ang wire hanggang sa nabitawan niya ito. Napatigil siya sa pagkanta.
Hinila ko ng dahan dahan ang wire palapit sa akin. Siguro sa sobrang kalasingan ng mga kasama niya ay binalewala lang nila ito na parang wala lang. Yumuko siya at pinanood ang microphone na gumagalaw dahil sa paghila ko. Nakita ko pa itong tumawa. Malakas na ang tama mo, huh?
Nang makuha ang microphone ay siya namang paglakad niya palapit sa banda ko. Hinanda ko agad ang wire at nang nasa harap ko na ang lalaki ay tinadyakan ko siya sa binti niya.
Napaupo siya at napadaing. May sari sarili pa ring mundo ang mga kasama niya habang umiinom ng alak. Nilapitan ko siya at pinulupot ang wire sa leeg niya. Nang magsimula siyang dumaing ay mas lalo ko pang hinigpitan. Hindi naman siya pumapalag.
Kinuha ko ang tumbler na nasa bag ko at pinukpok ito sa mukha niya. Nang parang nawala sa huwisyo ay tumigil ako sa pagpupukpok. Tinanggal ko na rin ang taling nakapulupot sa leeg niya. Tinago ko naman agad ang tumbler sa bag ko.
Tinulak ko siya at agad naman itong napahiga sa damo at ilang sandali pa ay narinig ko ang hilik niya na napakasakit sa tenga.
Napansin siguro ng mga kasamahan niya ang nangyari kaya naman napatingin sila sa banda ko. Nakaramdam ako ng takot kaya naman nakayuko akong tumakbo papunta sa madilim na parte kung saan hindi nila ako mapapansin.
Nang makaalis doon at nakarating na sa may palayan, sinulyapan ko sila mula sa di kalayuan. Nakita kong dinaluhan nila ang lalaking nakahandusay. Para sa kanila, lasing lang ito kaya natumba.
Hindi ko alam kung bakit pero hindi na nasundan pa ang pagkanta hanggang sa makauwi ako at mahiga sa kama. Medyo malayo ang bahay namin doon pero rinig na rinig pa rin kapag kumakanta sila noon kaya naman bwisit na bwisit ako.
Kailangan ko pa palang manakal para makatulog ako ng maaga.
BINABASA MO ANG
Hidden Mind
Misterio / SuspensoAvi seems to be a normal high school student, but beneath her ordinary appearance lies a hidden truth. For her, when faced with humiliation, "Don't let them get away with it, strike back. Even if it takes violence." She never realized that her actio...