Kabanata 10

248 20 12
                                    


Away







Historia




"hindi pala kayo ayos ng dalawang pari noong nakaraang araw?,hindi ko pansin ah" Sambit ni Felipe,sumang-ayon namam si Paciano.





"hindi kasi ako papansin" sambit ko naman pabalik,natawa naman sila.





"Ayan yung malanding babae,yung lumalandi kila Padre Burgos at Padre Zamora,pinagdala pa naman namin siya ng sulat,traydor pala" rinig kong sambit ng mga nagtitipong babae.




Napalingon ako sa kanilang gawi at tabing-tabing ng kanilang mga pamaypay ang kanilang mga muka. Matalas ang kanilang tingin sa akin at peke ko silang nginitian.





"Visitasion!,kamusta ka na?" Tanong ko sa maligalig na boses,nakita ko naman ang paglihim na irap nito. Palihim maman akong napangiti 'tingnan lang natin kung maka-irap ka pa mamaya'.





"ayos lang, kamusta ang sulat naming pinabibigay ko sa iyo?" Tanong nito sa akin. Ano bang akala nila sa akin ako'y kanilang utusan?! .





"naibigay ko na,matagal na" sambit ko habang may pekeng ngiti sa aking muka. Nginitian ko naman ang ibang babaeng kaniyang kasama.





"tunay ngang maganda siya"




"maputi lang"






"nabasa ba nila?" Tanong ni Visitasion sa akin. "Hindi ko alam,pangit mo kasi magsulat" nag-iba ang ihip ng hangin at ipinakita na niya ang kaniyang tunay na kulay.




"ano?!,sinisimulan mo ba ako?!" Galit na hiyaw nito sa akin,hinawakan naman ni Paciano ang aking kamay at nagwika.






"halika na,madami sila oh,hindi mo kaya yan" sambit nito sa akin,pinabitaw ko siya sa pagkakahawak at binigyan siya ng nakakalokong ngiti.





"ako. Ako ang sinisimulan niyo,tinawag mo ba naman ako malandi" kalmado ngunit inis kong sambit sa kaniya.





"dahil malandi ka naman talaga!" Lumapat ang kaniyang kamay ng napakalakas sa aking muka.





"bakit mo siya sinampal! " Hiyaw ni Felipe at nagtangkang sugudin si Visitasion ngunit ako na mismo ang pumigil sa kaniya.





Lumapit ako kay Visitasion at walang pakundangan na hinawakan ang kaniyang buhok at hinila ito papalapit at iniharap ito sa akin.





"sino ka para sampalin ako ha?!" Galit na hiyaw ko rito at sinuntok ito sa muka gamit ang nakayukom kong  kamao.




"oh walang aawat,walang lalapit!" Rinig kong sambit ni Paciano at Felipe.




"at sino ka din para hiyaw-hiyawan ako?!" Sambit ko at tulad ng una'y sinuntok kong muli ang muka nito.





"at pang-huli! bakit mo ako tinatawag na malandi!" Huling hiyaw ko bago ko ibinigay ang lahat ng lakas ko sa pagsuntok sa kaniyang muka.




Natumba ito at sinalo ng kaniyang mga kaibigan "mapaparusahan nila kayo!walang hiya ka!" Hiyaw ng isa sa kaniyang mga kaibigan.





"wala akong pake!,sa susunod na awayin mo ako,siguraduhin mong punch proof ka!"hiyaw ko pabalik sa kanila habang pinapagpag ang aking kasuotan.





"isang maganda at matapang na babae,hindi ba't kaaya-aya?" Rinig kong usapan ng mga kalalakihan na nakakita sa akin.





==






Forbidden| HISTORICAL STORY (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now