Kabanata 14 (Edited)

271 15 36
                                    

Sa Kasalukuyang Panahon

Remedios

Ngayon ay ika-9 ng Pebrero taong 2024,kamuka lamang ng buwan at araw sa taong 1872. Ako'y babalik sa ika-14 ng Pebrero,sa taong 1872 para gawin ang huling misyon ko para kay Historia.

"anong binabasa niyo?" Tanong ko sa dalawang estudyanteng magkakumpol habang binabasa ang hindi pamilyar na libro sa akin. Nawala lamang ako ng ilang araw,may bagong libro na agad?

"yung pinapa-research niyo po maam about sa Araling Panlipunan,nakalimutan niyo na po agad?" Napabuntong hininga ako at nag-isip ng palusot upang sila'y hindi magduda sa akin. Sa pagbabantay ko kay Historia,ako pa ang napapahamak eh.

"ah oo,madami kasing need gawin,anong part na kayo?" Tanong ko sa kanila,ang hirap magtanong kapag wala kang kaalam-alam sa mga nangyayari. Kung hindi lang sana gumawa ng kagaguhan si Historia sa nakaraang panahon,edi sana'y hindi ko na siya binabantayan pa!.

Minahal ba naman ang isa sa mga paring Martir!,ang gusto ko lang naman ay matulungan ang utak niyang mahina sa history!hindi ko naman sinabing maghanap siya ng love life don!.

"Sa huling parte na po kami maam,kaso blanko yung page,walang nakasulat. Nagka-error po yata yung paggawa sa libro" Dismayado nilang sambit. Napakunot naman ang aking noo dahil sa pagtataka. Noon pa man ay hindi nagka-problema ang mga libro dito. Maaaring sa grammar pero ang nawawalang pahina?,hindi nangyayari iyon.

"let me see,baka bagong labas lang itong libro" pagpapalubag ko ng kanilang loob. Pagkakuha ko sa libro'y tumambad sa akin ang librong pinamagatang "Sino si Ria Gomez?".

"hindi po bago yan maam,matagal na po yan nandito sa library. Binabasa lang po yan kapag about sa 'GomBurZa' na ang topic,kasi yung babae po diyan,konektado sa tatlong pari" Sambit nila sa akin. Nag-alab ang galit at pag-aalala ko kay Historia.

Nabago na ang istorya!binago niya ang tunay na kwento ng tatlong pari!. Umalis man siya ngayon,binago na niya ang lahat. At kung patuloy naman siyang mananatili ay lalong mababago ang kasaysayan!

==

Sa Taong 1872

Kaarawan


Historia

"Eto na ang paborito niya! Suman ng Cavite" Rinig kong maligalig na sambit ni Paciano,dala-dala ang isang bilao na puro kakanin at suman na galing lahat sa Cavite.

"ayos ka na ba diyan?" Tanong ni Felipe sa akin habang ako'y may nilalagay na dekorasyon sa isang sulok. Tumango naman ako at nagwika "Oo,kaya ko na ito!" Sambit ko pabalik.

Matapos kong gawin ang iba pang dekorasyon ay humarap na ako sa kanila at nagwika. "Sunduin niyo na si Padre Burgos,idamay niyo na din ang pakipot na si Padre Zamora"  Sambit ko sa kanila,tumango naman ang dalawa at agad ding lumisan.

Ngayon ay alas-tres ng hapon sa likod bahay ni Padre Burgos. May maganda at malinis na hardin kasi siya rito,halatang alagang-alaga ang mga bulaklak dito.Madaming mga malalaking puno at may mga sanga din ito. Maarbor nga mamaya.

Tumingin naman ako sa mga putahe at tila tinutukso naman ako ng mga ito. Umiwas ako ng tingin at humuni-huni,pamaya-maya'y nabalik muli ang aking tingin.

"isa lang naman,Historia. Masamang ginugutom ang sarili" Sambit ko sabay subo ng suman. Nakaramdam pa ako ng konsensya habang nginunguya ito ngunit anong magagawa ko?,nasa bibig ko na.

Matapos ang ilang minuto'y rinig ko na ang kanilang pagdating. Si Padre Burgos na nakangiti at si Padre Zamora na katamtaman lang ang ekspresyon. Masaya pero parang malungkot,natalo siguro ito sa sugalan.

Forbidden| HISTORICAL STORY (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now