Ang Nakaraan at KasalukuyanHistoria
Nag-aalala ako habang papunta sa kapilya. Para kanina lang ay ayos pa naman silang dalawa,anong bang nangyari. Siguro'y nagkapikunan nanaman.
"Padre Zamora,Padre Burgos anong nang-" Napatigil ako ng matagpuan ang isang Binibining hawak ang may pasang muka ni Padre Burgos.
Napadako naman ako kay Padre Zamora na kaharap lamang nila at may inggit sa mga mata nito. Naawa naman ako rito.
"Padre Zamora" Malumanay kong tawag dito,dahilan upang mapatingin ang lahat ng tao na nasa silid. Wala naman akong pakialam at lumapit pa din ako rito.
"Anong bang nangyari?,kamusta ang kaliwang mata mo?" Malumanay kong tanong ng makita ang kanang mata nito na napalilibutan ng pasa.
"ayos lamang ito,baka nais mo ding tanungin si Padre Burgos? Lapitan at tanungin mo na siya,huwag ka ng maawa sa akin" Sambit nito at umaalingawngaw sa tono nito ang selos.
"ikaw ang aking prioridad dito,lalo na't napuruhan ang iyong mata. Hayaan mo akong gamutin ito pansamantala at bukas ay sasamahan kita sa pagamutan" Tumango naman ito at tipid na ngumiti.
Kumuha ako ng isang tela panakip sa aking balat sa kamay at hinawakan ang paligid ng napuruhang mata nito.
"napakasakit ba kapag aking nahahawakan?" Tanong ko sa kaniya,tumango na lamang ito dahil halata naman na sobrang itong nasasaktan base sa kaniyang ekspresyon.
"teka nga binibini,sino ka ba?" Tanong ng babaeng kanina pa kausap si Padre Burgos,humarap naman ako rito.
"Historia Gomez ang aking ngalan,kaibigan ako ni Padre Zamora" Pagpapakilala ko sa aking sarili. Tininganan naman ako nito mula ulo hanggang paa.
"hindi naman kagandahan" rinig kong bulong nito,napabuntong hininga na lamang ako at pinipilit na hindi mapikon.
"Kalma Historia,kalma lang. Ang katulad niyang babaeng mapanghusga ay dapat pinapalampas mo lamang" sambit ko sa aking isip.
"naiingit lamang siya sayo,yan ang itatak mo sa isipin mo aking sinta" pagpapalubag ni Padre Zamora sa akin. Ngumiti naman ako rito bilang pagsang-ayon.
"Oo nga pala,ano ba ang pinagmulan ng inyong pag-aaway?" Tanong ko sa kanilang dalawa,una namang nagsalita si Padre Zamora.
"isa kasi siyang pikon" inis na sambit nito at binigyan ng masamang tingin si Padre Burgos.
"dahil ako'y pinipikon mo!" Inis na sambit naman ni Padre Burgos. Tumayo naman ang dalawa at nagtangka nanaman magsakitan.
"umupo kayong dalawa o ako mismo ang magdadagdag ng mga pasa niyong yan!"pananakot ko sa kanila. Muka namang tumalab dahil sumunod naman ang mga ito.
"kumalma nga kayong dalawa,tinatanong ko lang kayo kung anong nangyari" Sambit ko sa kanila. Mga nakabusangot pa din naman ang ekpresyon ng mga ito.
"ano?"
"kung nahihiya kayong sabihin sa akin,sandali namin kayong iiwanan,mag-usap kayo ng masinsinan at ayusin ang inyong problema" sambit ko sa kanila at tiningnan ang ibang tao sa loob ng silid.
YOU ARE READING
Forbidden| HISTORICAL STORY (UNDER EDITING)
FanfictionShe's from 2024 and he's from 1872 and they been fall in love for each other but what does their love called?A FORBIDDEN love. Si Historia ay isang academic achiever,magaling sa kahit saang asignatura at mga gawain,ngunit siya ay isang taong hindi i...