Kylo and I have been talking after my confession. Hindi ko alam if he feels the same but I don't care.. basta nag-uusap lang kami. Sabi ko kasi sa kaniya na huwag sabihin kung ano nararamdaman niya.
"You've been online on Instagram these past few days, ah." Jaya said and raised her eyebrows. I ignored her as I read Kylo's messages.
We have been talking to each other on every app but usually on iMessage and Instagram. Palagi rin siyang nagf-first move.
sky (si ky) 🤓☝️:
you've been ignoring my texts. did I do something wrong?I bit my lips to stop myself from smiling nor laughing. Jaya looked at me, maybe thinking that I'm weird. I typed a reply.
Me:
lol clingy mo naman sirI furrowed my eyebrows when he immediately read my messages. Akala ko ba he's hanging out with Kuya K right now?
sky (si ky) 🤓☝️:
no hahaha I just thought you were mad. :DMe:
sakit mo naman 🙁 hahaha charMe:
I'm in Tagaytay rn :Osky (si ky) 🤓☝️:
yeah, I know. Kade told me."Gago, si Ky ba yan?!" Sigaw ni Ali na narinig naman ng lahat. Agad silang nagsilapitan sa akin dahil dun.
"Tangina naman talaga Ali, oh!" Naiinis na sigaw ko at tumingin ng masama sa kaniya. Napakagago talaga!
"Nag-uusap kayo ni Kuya?" Excited na sabi ni Ashley. Napapikit ako sa inis at ngumiti ng nakakaloko.
"Ali, ang ingay mo talaga!" Inis na sabi ko at binato siya ng unan. Nagsigawan sila nang makita ang reaksyon ko, mukhang nakumpirmang nag-uusap nga.
"Kaya pala you've been online sa insta!" Jaya said and rolled her eyes. I face palmed as I watched them in chaos.
"Uy, baka magselos si Theo!" Dagdag na asar ni Leon. Nanlaki ang mata ko at inirapan siya.
"We're friends! Ikaw kasi na-fall sa bestfriend mo kaya ka ganiyan!" Rebat ko kaya naman ay umirap siya at umupo pabalik sa tabi ni Kim.
"Ayan, Leon! Huwag ka na kasing sumabat," asar ni Theo at umupo sa tabi ko. "At ikaw naman, ang rupok-rupok mo."
"Bumabalik ka nga rin sa ex mo kahit niloko ka na," umismid ako at nag-iwas ng tingin.
"Aray, ha!" Parang nasasaktang sabi niya at hinawakan pa ang dibdib para mas maging dramatic.
"Kailan lang?" Nakakatakot ang mukha ni Reeve nang tinanong niya 'yon. Napalunok ako ng wala sa oras.
"Ano.. last week?" Sabi ko at nag-isip. "Oo, last week pa."
"Amy, bakit hindi mo sinabi sa amin?" Seryosong tanong niya. Nag-iwas ako ng tingin at hindi makasagot. "Gusto niya bang.. itago?"
Umiling ako at tinignan siya. Bumuntong-hininga siya at lumapit sa akin.
"So... I'm concluding that it was your decision not to tell us?" Tanong niya at tumango ako. "Why, Ming? Why won't you tell us?"
In-explain ko sa kanila na ayaw ko lang talaga dahil nahihiya ako at sinabi naman nilang okay lang daw ma mag-usap kami, basta lang huwag daw akong pumayag na masaktan. Nag-usap pa kami sa gabing yun bago nag-empake para umalis na sa Tagaytay.
"See you next week!" Masiglang paalam ni Leon bago pumasok sa bahay nila. We waved our hand to say goodbye and we drove off.
"Buti naman at nakabalik ka na," masungit na sabi ni Ate Heart. Inirapan at hindi ko na lamang siya pinansin. "Nandiyan crush mo.. tsaka yung ex mo rin."
YOU ARE READING
Adore You
Teen FictionÆniverse: Vasquez Series #1 Amelia Vergara, a daughter of the city mayor, was known to be a spoiled brat and everyone knows she would do everything to get what she wants, met Kylo Vasquez, their family friend who knows how to handle her shits and co...