07

31 5 0
                                    

Kylo changed the topic after that. He might've felt guilty about what happened or he just really did not care about it at all. Things has been difficult for me ever since the school started. I am the new elected org president making me more busier than ever.

"Girl, natutulog ka pa ba?" Natatawang tanong ni Aminah habang nilapag ang mga binili niyang pagkain sa lamesa.

Nasa canteen kami ngayon at wala ang iba naming kaibigan dahil busy rin sa kung ano man ang ginagawa nila.

"I'm so stressed! Hindi na ako nakakapag-bar!" I complained but I still saved the file I've been working on.

"Psychology pa more," natatawang sabi niya kaya'y natawa ako.

"Sabi ng accountancy student?!" I said, making her giggle.

"Easy lang naman ang accountancy," pagmamayabang niya na nagpairap naman sa akin.

"Yabang! If I was in the same department as you, mahihirapan ka sa akin!" Pagmamayabang ko rin. Napangisi naman siya at umiling-iling.

Totoo naman. Me, Ashley, Jaya and Aminah are good when it comes to math. Kaming tatlo ang nagkakasundo kapag usapang math and we used to be classmates that's why we know each other's capabilities.

"Kahit nga pagiging marupok, talo mo 'ko, eh!" Biro niya na napakunot ang noo ko.

Wala naman siyang ex na ipinakilala sa amin? Ang alam ko lang ay naging crush niya si Kylo at Cassian, yun lang. I want to ask her but I know she wouldn't answer me and I think recently lang ang break up.

"Nagshift na naman ba si Aiden?" Pag-iiba ko sa topic dahil bigla kaming dalawa natahimik.

"You won't ask anything?" She asked with hesitation.

"Are you ready to share?" I asked back and she shook her head. "Then I won't ask."

"Thank you," she smiled at me and I smiled back.

"No biggie, Inah." Natatawang sabi ko at sinimulan nang kumain. Binuksan din niya ang chips na binili niya sa canteen.

Napatingin ako sa kaniya nang bigla siyang tumigil sa pagkain at may tinignan. I turned my head to where she was looking at and there I saw the Vasquez brothers: Kylo and Cassian, with their friends.

"Crush mo..." Asar niya pero hindi ko nagawang tumawa o ngumiti.

It has been two weeks ever since our last conversation.. hindi ko na nga alam kung ano ang pinag-uusapan namin, eh pero siya ang last chat. Akala ko kasi if I ignored him, he would miss me... I guess I was wrong again. Bakit ba kasi ang hilig ko mag-expect?

Nag-iwas ako ng tingin nang biglang nagkatagpo ang mga mata naming dalawa. Inopen ko ulit ang laptop ko at tumikhim. Hinawakan ako ni Aminah sa braso kaya napatingin ako sa kaniya.

"Tignan mo crush mo," bulong niya. Umiling ako at inopen ang file na ine-edit ko kanina. "Girl, ano ba yan?! Akala ko okay na kayo."

"Akala mo lang 'yon. Tara shopping mamaya," aya ko na nagpatawa sa kaniya.

"Ginawang coping mechanism ang pag-sh-shoping ampota!" Malakas siyang natawa kaya kinurot ko siya sa tagiliran. "Aray ko naman, teh!"

"Stop assuming things kasi!" Iritang sabi ko.

"Gago, diba ikaw ang assuming sa ating dalawa?!"

"Oh my gosh, gago ka talaga!" Hinampas ko siya ng mahina at pinigilang matawa.

"Pwede daw ba maki-table?" Napatingin ako kay Aiden nang marinig ko siyang magsalita. Siniko ko sa tagiliran si Aminah at siniko naman niya ako pabalik. "Subukan mong humindi, Inah. Lagot ka sakin mamaya sa bahay."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 17 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Adore YouWhere stories live. Discover now