Chapter 3

12 0 0
                                    

After ng klase ko ay pumunta na ako sa cafe. Naabutan ko si mama na may customer sa counter kaya hindi ko na inabala pa. May 6 pang customers sa loob ng cafe. May dalawa ring table na kailangang linisan kaya nilagay ko ang bag at sinuot ang apron saka pinuntahan ang table para linisan.

"Miss, pwede po bang magtanong?" Nilingon ko ang customer na nakaupo sa tabing table na nililinisan ko.

"Yes," I replied.

"Open po kayo every day?"

I nodded."Yes, po. We are open every day but on Sundays, we are open at 10."

"Ah ganon ba. Salamat." Ngiti nya sa akin.

I gave her back a small smile and continued cleaning.

When lunch came, ang dalawang gago pumunta sa cafe.

"Hi, tita." Bati nila kay mama na nakangiti ng malapad.

Hindi lang si mama ang natawa sa kanila kungdi ang mga customers din na nandito sa cafe, and all of them are girls, college students to be exact. May malapit kasi ditong senior highschool and colleges. Kaso lahat ng colleges dito ay walang architecture kaya napilitan na sumama sa dalawang gunggong sa university na papasukan nila.

"What are you doing here?" Pagtataray ko sa kanila.

"Maddy, naman." Simangot nilang dalawa sa akin.

"Did I tell you to come here?" Tanong ko ulit.

"Tita oh." Sumbong nila kay mama at kumapit sa braso nito.

At si mama naman ay sinamaan ako mg tingin. Mas anak nya pa talaga ang dalawang to kaysa sa akin eh. Ang sama rin ng tingin ko sa dalawa na hanggang ngayon ay nakakapit sa mga braso ni mama.

"Anong order nyong dalawa? Libre ko na." Nanlaki ang mga mata ko sa tanong ni mama.

Tangna, libre?! Parang nakikita ko na ang bankruptcy ng cafe namin ah.

"Mama---" I was about to complain when they turned their backs at me.

Tangna naman talaga. Bahala nga kayo. I rolled my eyes at them and went to the pantry to make my lunch.

Dito nalang din ako kakain dahil pag don ako kumain sa labas eh masira lang ang araw ko kasi nakikita kong mas fond ang ina ko sa dalawang yon.

I know to myself that my mother loves me pero I know also na may mali talaga the way she is fond of my best friends. Parang may nakikita sya sa dalawang kaibigan ko na namimiss nya na.

Sometimes I think that she's hiding something from me. Well, we people really have different secrets but this one that my mother is hiding, it's big I can feel it.

After I finished my lunch, I went out and saw my best friends still eating while talking with my mother.

"Tita, punta ka sa birthday celebration ni papa sa Sunday ah?" Rinig kong sabi ni Lyle kay mama.

"Sunday? Hindi ako makakapunta dahil may aasikasuhin ako but I know for sure, Madrid will be there." Mama answered apologetically.

What she's going to do on sundays?

Sunday? Ay oo nga pala. May gagawin talaga s'ya every Sunday, why did I forget about it? Parate naman syang wala sa Sunday. Aalis syang 5 am at babalik mga 3 am ng madaling-araw.

Noon paman, curious na talaga ako if anong ginagawa nya sa Linggo but hindi ko nalang binigyan ng pansin pa, malalaman ko rin yon. Her secrets will be revealed eventually, hihintayin ko nalang yon.

I went to the counter as I saw two men going inside the cafe. When I faced them, I felt odd about them. I feel that they are nice pero parang may hindi tama sa kanila. They are both wearing black suits with matching earpiece on their ears. They are also 6 footer. Kasintangkad nila sina Lyle at Keith pero halata naman na mas matanda sila sa dalawa.

"Good day, what can I get you?" I gave them my signature fake smile that I mastered already.

Hindi naman malayo ang height namin dahil 5'11 and half naman ako.

May pagkakamukha silang dalawa but they have different shades of blue eyes. Kung ang isa na nasa kanan ay dark ang sa kaliwa naman ay light.

"Coffee, dark." Sabay pa nilang sagot sa akin.

I blinked my eyes for two times and nodded at them. Tangna, sobrang lamig ng boses ng dalawa. Kahit na hindi naman sila gaanong ka-intimidated sa mukha ang boses naman ang nakakatakot sa kanila. Parang nasa northpole lang kami kani-kanina lang.

"Names?" Tanong ko sa kanila.

"Dark." Sagot nong may dark blue na eyes.

"Light." Matatawa na sana ako kaso pinigilan ko lang baka kasi masuntok ako kahit na babae pa ako dito.

Kasi naman, their names are what their names.

They sat to the nearest table from here and katabi lang non ang table nila mama na walang pakialam sa mundo. Basta talaga kasama n'ya ang dalawa ay parang may sarili silang mga mundo. Na-out of place nga ako minsan eh.

After I made their coffees, I called them then they paid. Nanatili sila sa cafe ng almost one hour, mas nauna silang umalis kaysa kina Lyle. My brows furrowed in confusion when I realized, na mang paalis na sina Lyle ay saka pa sila aalis din. Bodyguard ba yon ng dalawa? Hindi naman siguro diba? Dahil if bodyguard nila yon dapat binati ng dalawa yon. Kaso hindi naman.

Parang may mali rin sa kilos ng dalawa kanina. Si mama naman, nang palabas na ang dalawang lalaki ay napako ang tingin nya sa dalawa ay tinapunan ako ng tingin na parang hindi ko alam. All I can see is eyes that full of emotions.

I raised my eyebrow at her and she gulped like I did something na ikatakot nya. Nawala lang ang tingin nya sa akin nang magsalita ang dalawa.

"Aalis na kami tita! Maddy!" Paalam ng dalawa at pinagyayakap pa kaming dalawa ni mama.

"Don't ever comeback here!" I silently hissed at them when they hugged me.

"Grabe ka talaga sa amin, Maddy." Kinurot kopa si Keith dahil sa sinabe niya.

Lumayo na sila sa akin at niyakap si mama.

Tinignan ko silang tatlo. When my mother hugged them back, I saw longing in her eyes. Para bang may namimiss sya ng sobra na parang pinapakita sa kanya ang dalawa.

"Take care, boys." Natatawang sabi ni mama at tinapik ang balikat ng dalawa.

"We will, tita." Tango ng dalawa at umalis na rin.

Hours came by at parami ng parami ang customers na pumupunta sa cafe, mostly ay mga students.

Napatingin ako kay mama na nasa counter habang ako ay nandito sa pantry. Nagutom kasi ako kaya pumunta ako dito.

My mother doesn't look like a 36 year old woman. Yes, my mother had me when she was only 16. I don't know how did she survived on that kind of age supporting all my needs as a baby, kid and teen ager. Noon paman ay walang pinakilala si mama sa akin na papa ko kaya hindi nalang ako nagtanong. I have this attitude na hindi nosy sa mga bagay-bagay. Kung ano ang alam ko at sinabi sa akin ay yun lang ang paniniwalaan ko at wala ng iba.

I'm proud of my mother on what she became right now. Naalala kopa noon, I was around 7, she was working night and day and kasama ako palagi, kahit na walang-wala kami ay nagawa pa nya akong bilhan ang libro dahil gustong-gusto ko talaga pero hindi naman ako namilit sa kanya na ibili ako no'n sadyang sya ang bumili sa akin. When she gave me that book, she cried when she saw I cried too. That was the last time I cried, and that was the last time na naghirap kami. After that day, I just found myself living in a nice house. I didn't know what happened at pinabayaan ko nalang dahil tinuro ni mama sa akin, 'take what I can give and do not ask for why I can't give', alam ko'ng hindi nya ako sasagutin kahit na magtanong ako kaya hindi nalang ako nagtanong.

-HaliaJian

The Mafia Princess Where stories live. Discover now