Prologue

3.1K 61 5
                                    

⊹₊⋆☁︎⋆⁺₊⋆ ☀︎ ⋆⁺₊⋆☁︎⋆₊ ⊹

Kaninang umaga paggising ay winalis ko na kaagad ang sala kahit na maaga pa. Bago iyon ay nagdilig na rin ako ng halaman. Kinuha ko na rin ang mga natuyong damit na nakabilad kahapon pa sa sampayan para sa hapon ay matupi ko na. Mahirap kasi ang gumalaw kapag mainit lalo na sa panahon ngayon.

Pagtapos ko sa sala ay sa hanap naman. Habang nag wawalis ay inililigpit ko na rin sa table ang mga bagay at pagkain na nakalagay do'n gaya ng tinapay, palaman, at naiwang baso. Pinunasan ko na rin ito at nag simulang mag walis muli.

Ayon sa ulat kanina habang nanonood ako ng balita sa tv, tataas pa raw ang heat index na nararanasan natin sa panahon ngayon. Ngayon pa nga lang ay pawisan na ako kahit magtatanghali pa lang paano pa kaya sa mga susunod na araw. Ganito pala ang pakiramdam maging siomai. Tiyak akong pagtapos ng matinding init na ito, mas malakas na pag-ulan naman ang dadanasin natin dulot ng la niña. Sakitin pa naman ako.

Nasa kusina na ako. Inilagay ko muna sa lababo ang basong naiwan kanina sa sala. Nagpunas lang ako nang kaunti sa counter top gawa ng palagian ko naman itong nalilinis. Bukod kasi sa gawain ko rito ay ako na rin ang nagluluto at gusto ko malinis palagi ang ginagalawan gayong maselan pa naman ako sa dumi.

Itinuloy ko na ang pagwawalis hanggang sa  pinto ng banyo. Kinuha ko ang basang lapad at ipinagpag ito upang matanggal ang alikabok na naipon. Inilapag ko ang basahan sa pinakamalapit na upuan.

Kinuha ko ang tambo para dakutin na ang mga nakolekta kong kalat. Yumukod ako para makuha nang maigi ang kalat dahil sa maselan nga ako pag dating sa kalat gaya ng aking nasabi.

Naging mabilis ang mga sumunod na nagyari. Matapos kong makuha ang kalat at aangat na sana nang bumukas ang pintuan ng banyo.

Akin pa sanang i-aangat pa ang aking mga mata upang masilayan ang mukha ng taong ito nang kaagad dumampi ang maumbok at may kalambutang hinaharap nito na balot ng isang manipis na tela sa aking mukha.

Nabatid kong ari ng kung sino ang nabangga ng aking mukha kung kaya sinikap kong makatayo na kaagad. Tuloy-tuloy ito sa pagbundol kaya napadiin pa lalo ang lapat ng ari nito sa aking balat. Kahit na anong usog upang umiwas ay siya namang paglapit nito sanhi para manatili ito sa aking mukha at nakuha pang ilamukos ito sa aking mukha. Nagtagal ito nang ilang segundo. Kung hindi ko pa nahawakan ang mabalahibo nitong mga binti ay tiyak na ikatutumba ko ito.

Sinipat ko ang mukha nito at ito ay walang iba kung hindi si Mang Greg kung kaya labis akong namula nang mapagtanto ko ang nangyari. "Nako Migs ayos ka lang ba?" Tanong nito bago kinuha ang magkabila kong braso.

Kamuntikan pang sumalampak ang mukha ko sa sahig nang sa wakas ay umurong ito nang mabilisan. Mabuti nalang at nabitawan ko ang aking hawak na walis tambo para maipang-alalay sa katawan kong papatumba na.

Akmang itatayo na ako ni Mang Greg nang kumambyo pa ito nang ilang beses dahilan upang marahas na lumapat muli ang papausbong nitong hinaharap sa aking mukha sa dagliang pagkakataon.

Natapon na ang mga nadakot kong alikabok sa sahig. Nabitawan ko na pala ito sa pagkuha sa akin ni Mang Greg.

Labis ang hiya kong naramdaman sa pagkakataong iyo kaya inayos ko ang aking sarili habang nakayuko upang hindi niya mapansin ang akung pamumula. Ang nadakot kong kalat ang natapon din pala sa sahig.

Mula rito ay aking nakikita ang galit nitong ari at patuloy na lumalaki na nagtatago sa red checkered boxers nito.

"Pasensya ka na't 'di kita napans..."

Nabalik ako sa ulirat dahil sa tapik ni Lito, katabi ko. "Huy Migs tagay mo na. Aba nag da-day dream pa ata ang loko HAHA!" Kinantyawan ako nang mga ito at labis ang mga kanilang mga tawa.

Itinigay ko ang basong bigay sa akin ni Lito dahil sa hiya. Hanggang ngayon ay nakatatak pa rin sa aking isipan ang mga nangyari kaninang umaga. Sobra ang aking pamumula dahil sa pagkahiya tuwing naalala ko ito.

Pilit kong isinawalang bahala ito sa buong durasyon na magkakasama kami. Itinututok ko ang aking sarili sa aking cellphone para maibsan ang hiya ko.

Kahit hindi ko na lingunin pa ay alam kong pinagmamasdan ako ni Mang Greg. Alam kong nakatingin ito sa akin.

Samutasaring mga kwento ang binahagi ng bawat isa sa kanila kaya nakilala ko pa sila nang lubos. Ito pa lang ang kauna-unahang makakausap ko sila nang matino. Hindi kasi ako yung tipo na palakaibigan. Mas gugustuhin ko pang mapag-isa kaysa makihalubilo sa ibang tao. Ito kasi ang nakagisnan ko noong nasa probinsya pa ako.

Si Lito pala ay nag-aaral ngayon ng civil engineering sa UST sa kasalukuyan. Si Mark, trabahador sa isang paggawaan ng mga tsinelas. Gaya ko ay nagta-trabaho rin sa fast food chain si Ian. Paraket-raket naman si Dexter. Habang si Niño ay isang sekyu sa isang banko. Naikwento rin ni Mang Gregorio na dati raw itong seaman. At ako, gaya ni nga ni Ian ay dating nagta-trabaho sa fast food.

Marami pa kaming napagkwentuhang mga bagay hanggang sa maubos na ang laman ng mga boteng aming ininom.

Pinili nang umakyat nila Ian at Dexter para siguro matulog na kaagad habang ang iba ay naman ay nag-unahan pa para maligo sa banyo.

Ako na ang nag presentang maglinis ng likod-bahay kung saan kami uminom bilang trabaho ko naman ito at hindi naman na sila umangal pa roon.

Kahit ramdam ko na ang hilo ay sinalansan ko na ang pinag-inuman. Ang
mga balat ng chichirya ay tinapon ko sa basurahan at itinabi ang mga boteng aming naubos.

Abala akong maglinis kung kaya hindi ko na pinansin pa ang aking mga kasama sa bahay. Akin nang tinungo ang lababo para hugasan ang mangkok at mga baso na aming nagamit.

Binanlawan ko na isa-isa ang mga pinggan na pinagkainan bago mag simula ang inuman gayon din ang mga baso, tasa, pitsel, at mangkok kanina.

Papatapos na ako sa pagsasabon nang lumabas ang pinakahuling gumamit ng banyo sa kanila—si Mang Gregorio.

"Haayyy, sarap maligo." Panimula nito. Saglit ko itong tinignan at binigyan  ng matipid na ngiti tsaka bumalik sa paghuhugas.

Hindi niya pinunasang maigi ang katawan nito kung kaya butil-butil ng tubig ang naiwan sa burdado nitong katawan habang nakatapis ng puting tuwalya. "Kaya nga po e. Maya-maya rin maliligo ako para po mahimasmasan din," Tugon ko.

Sinilayan ko itong muli at sa pagkakataong ito, ay nakatingin ito sa akin nang nakakaloko t'saka ngumisi.

Akin nang binaling muli ang aking atensyon lababo. "Matutulog kana?" Mahimig nitong tanong at nag simulang maglakad papunta sa direksyon ko at huminto sa aking likuran

"Miguel, baka p'wedeng makiusap sa'yo," Until-unting nabuhay ang kaba na naramdaman ko kanina lang ding umaga.

"A-ano po iyon, Mang Greg?" Mahina kong usal. Inilapit niya ang kaniyang mukha sa aking leeg at tila ba sinasamyo ito. Hinanghina ako ng maramdaman ko ang bukol nito sa aking likuran at kiliti sa bago ahit nitong balbas.

Sa mga pagkakataong iyon ay daig ko pa ang patay sa tigas ng aking katawan. Bumulong ito at sinabing "Maari mo ba'kong hilutin? Hmmm?"

+ ° .  ๑・° ⊹ . + ° .  ๑・° ⊹ . + ° .  ๑・° ⊹ . +

Revised version na itong Prologue na ito pero still, summarized pa rin. Please re-read niyo if nabasa niyo na kahapon para hindi kayo malitooo. Sobrang compressed pala ang nagawa ko last time. Wala kasing word counter itong notes sa IPhone. Iyon lang hihi! Have a great day :))

Akin Ka Lang by Nuestro HendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon