Chapter 1

1.9K 36 11
                                    

⊹₊⋆☁︎⋆⁺₊⋆ ☀︎ ⋆⁺₊⋆☁︎⋆₊ ⊹
Nang mawala ang mga magulang ko, na-realize kong mahirap ang mabuhay. Simula pagkabata ay araw-araw na akong nakikipagsapalaran sa buhay na walang patutunguhan. Basta may pangkain lang sa maghapon at maipadala sa aking Inang Sita—ang aking lola at masustentuhan siya ay ayos na iyon sa akin.

Minsan may sobra, ngunit madalas na kapos. May naitatabi oo, ngunit kakarampot lang pero pasalamat pa rin sa may kapal dahil kahit papaano naman ay may natitira at nairaraos ang maghapon.

Sa ngayon, twenty-eight years old na ako at nagtatrabaho ako sa isang fast food chain sa bayan. Alas kwatro palang ay gising na ako dahil bawal ma-late sa trabaho para laging goodshot sa boss ko.

Dahil sa sobrang taas ng expectations ng mga kompanya na salungat sa sahod na natatanggap ng mga empleyado ay walang lugar ang mga kagaya kong high school graduate sa mga white collar at high paying jobs.

Ayon sa employer ko na siyang nagpasok sa akin, dapat daw ay magpasalamat pa ako't natanggap pa ako rito. Nakakainsulto ngunit totoo naman dahil pahirapan ang makapasok kahit ganito lang ang trabaho ko.

Kasalukuyan akong naka kontrata nang six months sa aking pinapasukan na magtatapos na ngayong buwan. Pagtapos no'n, endo na pero pinangako naman samin na kung sakaling gagalingan at sisipagan namin ay gagawin kaming regular kung kaya't nagpapabibo ako lalo na ngayon para tuloy-tuloy ang kita dahil ito lang ang tangi kong pinakakakitaan at ayoko na ring bumalik pa sa dati kong trabaho.

Sa totoo lang p'wede naman akong mag apply sa call center dahil may mga kakilala rin akong kahit na hindi nakapagtapos ay nakapagtrabaho ang kaso lang ay wala akong skills na kadalasang hinahanap nila. Nariya't 'di ako bihasa sa paggamit ng computer at isa pa, hindi ako marunong ng ingles kumbaga ay saktuhan lang.

Sinisimulan ko ang araw ko sa agahan kong itlog at tuyo kasama ng mainit na kape bago maligo para pumasok na sa trabaho. Panigurado pababa na rin si Ian na aking roommate dahil madalas na siya ang nauuna sa akin dahil may katagalan itong maligo. Napili kong isangag nalang ang kanin para makakain ang iba dahil sa marami pa ang natira kagabi at baka mapanis pa ito mamayang tanghali kung hindi ko pa isasangag. Sayang at gusto ko pa naman sanang isabaw ang kape ko rito.

Pagtapos kong isangag ang kanin ay pumunta na ako sa salas upang magsimula nang mag-umagahan. Habang si Ian na isa sa aking kasama sa bahay ay nauna nang pumasok sa banyo.

Kung ako ay pagbibigyan ng kahit na isang kahilingan man lang, nanaisin kong maging mayaman. Bukod sa makuwarta, sino ba naman ang hindi diba? Halos lahat ng bagay, mabibili mo kung may pera ka. Kaya hindi ko kailan man maiintindihan ang mga taong nagsasabi na hindi mabibili ng pera ang kasiyahan kung ayaw nila ng pera sana binigay nalang sakin diba. Mapapaoperahan ko pa ang katarata sa kaliwang mata ni Inang Sita

Bago ako napasok sa fast food restaurant, ang pinaka-una ko munang trabaho ay magtinda ng tinapay sa panaderya sa amin do'n ako tumagal ng trabaho. Fourteen years old lang ako nang magsimula akong mag part-time sa panaderya para makatulong sa dialysis ng yumao kong lolo na si Tatang Selo. Hindi rin lingid sa kaalaman ng may-ari ng tindahan na ako ay isa pa noong estudyante. Ayon sa kaniya ay ayos lang naman sa kaniya dahil ako ang umaako sa resposibilidad nito habang wala at may ginagawa siya.

Paglalako ng gulay ang pinantutustos sa amin ni Inang Sita simula ng matigil si Tatang Selo sa pagiging tsuper ng jeep dala ng ito'y may katandaan na at marami na ring iniinda. Husto naman para sa amin ang kita ni Inang ngunit hindi lang naman si Tatang ang tumatanda. Kahit na hindi nag rereklamo si Inang, alam ko na nahihirapan at napapagod din siya. Nakikita ko na pinipilit niya kaming pakainin ni Tatang sa kaniyang kinikita sa paglalako kahit na magkanda kuba na ito sa hirap.

Akin Ka Lang by Nuestro HendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon