⊹₊⋆☁︎⋆⁺₊⋆ ☀︎ ⋆⁺₊⋆☁︎⋆₊ ⊹
Pumasok na ako ng bahay pagtapos ng naputol na usapan namin ni Inang diretso sa hapag para balikan ang mga naiwang mga pinggan na aming pinagkainan.
Ang mga ilaw ay in-adjust na sa dimmed kaya medyo dumilim na ang paligid. Ginagawa namin ito lagi para makatipid sa ilaw dahil binilin ito ng may-ari sa amin.
Nilagay ko ang natirang ulam sa isang maliit na container pagkatapos ay nilagay ito sa ref upang hindi ito mapanis at maubos namin kinabukasan para walang masayang.
Isa-isa ko na itong sinalansan at inayos para madala ko lahat ng ito at hindi na bumalik pa. Nilagay ko na ang aming pinagkainan sa sink at pinaandar na ang tubig sa mababang lebel para madampian ito ng tubig nang matanggal ang mga tira-tirang pagkain dito.
Nasa kalagitnaan na ako ng pagsasabon sa mga baso nang sumulpot sa likuran ko si Ian naka-topless ito ngayon at tanging taslan habang litaw ang waistband ng brief. Umupo ito sa countertop habang nakatingin sa'king nagsasabon. "Kumusta si Inang Sita mo? Narinig ko kayo kaninang nag-uusap ah. Tagal na rin nang huli siyang tumawag," aniya kalaunan.
"Ayos lang naman daw siya. 'Di nga nagtagal yung tawag dahil naputol hinala ko'y nawalan nanaman siya ng signal," sagot ko sa tanong niya
"Medyo nag-aalala nga ako at baka tinitipid nanaman nito ang sarili niya't hindi nabibili ang mga gamot na kailangan niya. Baka maulit pa yung nangyari dati," pag sasalaysay ko. Dati na kasi itong nangyaring tinitipid ni lola ang sarili niya kahit na sapat naman sa kaniya ang mga pinapadala kong pera pang gastos niya sa pang araw-araw niya at lalo na sa gamot. Naalala ko pa no'n nang dali-dali akong umuwi dahil binalita ng katabing bahay namin na idinala raw si Inang sa ospital. Sabi ng mga doktor ay hindi raw na-control ang glucose sa katawan nito dahil hindi raw ito palagiang nagkakapag-take ng insulin.
Sinunod ko na ako na ang mga kubyertos dahil ito nalang ang tanging natira na wala pang sabon. Pagtapos nito ay magbabanlaw nalang. Pupunasan at tapos.
"Mahal na mahal ka talaga ng lola mo e no biruin mo kahit wala siyang cellphone nakakagawa pa rin ng paraan para matawagan ka," saad niya.
Tumango ako. "Ako nalang din kasi ang meron siya. Sure ako nami-miss na ako no'n gaya ng pagka-miss ko sa kaniya
•••
Simula baso hanggang sa mga plato ay mabusisi ko itong sinabon para masigurong malinis. Tinanggal ko na ang mga dumi-duming hindi natanggal nang dampian ko ang mga ito ng tubig.
"Maiba tayo, kumusta na kayo ng girlfriend mo, si Angelica? Napapadalas atang umuwi tayo nang sabay," pagiiba ko. Nitong nakaraan napansin kong hindi na nito nahahatid pauwi si Angelica o Ica kung kaniyang tawagin. Si Ica ay isang kolehiyala sa isang unibersidad sa Sta. Mesa kung ano ito'y hindi na nabanggit ni Ian. Ang sabi niya sa'kin ay nasa ikaapat na taon na nito sa kursong tourism at graduating na ngayong taon.
Minsan nang ipinakita ni Ian ang shota niya sa akin at masasabi kong maganda ito. Maputi, malaki ang pang-upo, may hubog ang suso at payat.
Narinig ko itong bumuntong hininga. "Ewan ko ro'n sa babaeng 'yon tuwing nag-aaway kami gustong makipaghiwalay," paglalahad niya na parang tila naiinis.
"Laging siya nalang ang tama. Gusto niya siya ang nasusunod ni hindi man lang ako napagbibigyan ang gusto ko," dagdag niya
"Baka naman siya ang tama. Baka gusto niya lang ng atensyon mo diba gano'n naman talaga ang babae gustong laging sinusuyo," sabi ko naman
"Naknamputcha kung halos laging araw-araw nalang sino bang hindi maiinis. Lagi nalang, nakakasawa na," tila nagsusumbong nitong usal.
"E ano ba 'yong pinag-aawayan niyo?" tanong ko
BINABASA MO ANG
Akin Ka Lang by Nuestro Hend
RomanceSa hirap ng buhay, hindi ko na piniling tapusin ang aking pag-aaral. Sa halip ay tumungo nalang ako sa Maynila upang doon makipagsapalaran at kumita. Mahirap ang kumita ng pera. Pero paano kung palay na ang lumalapit sa manok? Pilit kong umiiwas s...