⊹₊⋆☁︎⋆⁺₊⋆ ☀︎ ⋆⁺₊⋆☁︎⋆₊ ⊹
Nakakapagod ang buong araw ko sa trabaho. Buti nalang sa pagkakataong ito nasundo ako ay nasundo niya ako sa aking trabaho kung kaya hindi ko na kakailanganin pang mag commute upang makauwi sa boarding house.
Pagkauwi ay binaba ako ni Ian sa tapat ng gate habang ako naman ay binuksan na ang gate para maipasok niya ang kaniyang motor.
Pagpasok ay agad ko nang isinira ang gate at umakyat na. Sa pagtahak ko ng daan paakyat ay siya namang pagbaba ng may-ari ng aking tinutuluyang boarding house—si Mang Greg na pakiwari ko'y kakagaling lang sa kaniyang kwarto sa third floor.
"Oh, nakauwi kana pala, Migs," usal ni Mang Gregorio nang balingan ako ng tingin.
"Opo, Mang Greg," sagot ko rito at ngumiti nang 'di lumalabas ang ngipin.
"Kasama mo si Ian?" tanong nito na akin namang tinanguan.
"Oh sige maghahain na ako. Tawagin mo na si Lito sa kwarto niya't maghahain na ako para makakain na tayo. Nagluto ako ng bicol express," ani niya. Sa aming lahat, siya naman talaga ang malimit na umuwi ng maaga dahil isang sakayan lang naman ang pinapasukan nitong pagawaan ng tsinelas
"Sige po, Mang Greg," sabi ko at umakyat na. Habang ito siya naman ay bumaba at tumungo paliko patungong kusina.
Kahit na 'Mang Greg' ang tawag ko kay Mang Greg, hindi naman ito gano'n kalayo ang edad nito sa akin. Sa pagkakatanda ko, nasa treinta y sais lang daw ito ayon sa kwento ni Niño na siyang pinakamatagal nang narito sa boarding house sa aning anim na nangungupahan rito. Tinawag lang namin itong Mang Greg dahil ito raw ang tawag sa kaniya ni Ramiel—na dati raw nangungupahan rito.
Ayaw na nga nitong tawagin namin siya sa ganong pangalan dahil nakakatanda raw masyado para sa edad niya pero tila yata nasanay na kami dahil lagi nang may kasamang 'Mang' kapag tinatawag namin ang pangalan niya. Siguro mahirap talagang pigilan ang isang bagay lalo na kung nakasanayan na.
Siguro kaya siya tinawag na 'Mang Greg' ni Ramiel na sinasabi ni Niño ay dahil sa pagmumukha't pangangatawan nitong taglay. Ang tangkad nito
Tiyak ay kakabaliwan ng kung sino mang makakita mapa lalaki man o babae maski ako rin sa sarili ko, inaamin ko na humahanga ako sa katawan nito.
Sino bang hindi maakit sa kisig ng pangangatawan nitong 'daddy' o 'dadbod' type. Kumbaga ay lalaking-lalaki kahit saang anggulo tignan mula ulo hanggang paa.
Nariyan ang makakapal niyang mga kilay, ang mga mata nitong kulay brown na tiyak ay ikatutunaw ng kung sino mang titigan nito, ang kaniyang define na define na jawline.
Hindi magpapahuli sa eksena ang maumbok na dibdib ni Mang Greg kasama ng nangangalit nitong utong na kulay brown-pink pati na rin ang tiyan nitong nababalot ng buhok sa katawan hanggang sa taas. Hindi man ganoong ka predominant pero sa 'di malamang paraan ay kapansin-pansin sa lahat ng mga tampok na bahagi ng katawan niya.
Mapupuna mo rin ang tangkad nitong na sa pagkakatansya ko'y 6'9 at siya ring laki kaniyang paang size 15. Isama na ang muscles nitong namumutok sa laki't napapalibutan ng malalaking ugat sa paligid tanda ng palagiang pagbubuhat nito. At higit lalong-lalo na ang mga tatto na nakapalibot sa buong katawan nito na talaga namang bumagay sa kutis mayaman nitong kulay. Bruskong-brusko ganiyan ko mailalarawan si Mang Greg.
Ngunit sa kabila ng taglay na tikas nito, hindi ko maikakailang napaka bait nito lalo na sa aming nangungupahan sa kaniya. Seryoso ito ngunit pala ngiti naman.
Ginagampanan niya ang mga bagay na hindi naman niya dapat gawin bilang aming landlord. Parang hindi na kami iba rito at tinuturing kami bilang pamilya palibhasa'y wala ni minsang dumalaw sa kaniyang kaanak. Kung ano ang dahilan ay minabuti na naming hindi na itanong.
BINABASA MO ANG
Akin Ka Lang by Nuestro Hend
RomanceSa hirap ng buhay, hindi ko na piniling tapusin ang aking pag-aaral. Sa halip ay tumungo nalang ako sa Maynila upang doon makipagsapalaran at kumita. Mahirap ang kumita ng pera. Pero paano kung palay na ang lumalapit sa manok? Pilit kong umiiwas s...