chapter two

3 0 0
                                    


" oh napano ka? bat ganyan itsura mo? " takang tanong ko sa co nurse ko, si nami.

nakakunot noong tumingin naman to sakin. halatang stress.

" yung bagong pasok kasi na pasyente " 

" oh " 

" yung gwapo ba " 

" mm, tapos ?  " 

" yung nag iisang heir daw ng ivnovich " 

napairap ako.

" dami pang salita, deretsuhin mo na "

" sige, yung ano kasi na yon... nagwawala. hindi ko mapigil gusto pa ata nga ata akong saktan non, sinabi pang hindi sya baliw" 

napasinghap ako.

" ganyan talaga ang pasyente na, habaan mo lang pasyente mo "

halos maiyak iyak naman syang tumingin sakin "ngayon kailangan ko na syang painumin ng gamot.... natatakot ako pam" 

"kaya mo yan" pag checheer up ko sa kaniya at natatawang umalis. 

naabutan ko pa ang pag tulis ng nguso nito bago ako umalis, para balikan ang pasyente ko sa kabilang room, para painumin ng gamot.

tahimik akong nag lalakad, nakapasak sa magkabilang bulsa ang dalawa kong kamay, nang biglang may sumitsit sakin.

hindi ko pinansin yon, dahil baka pasyente lamang iyon na gusto akong asarin.

ngunit mas lalo pa itong lumalakas.

" psst! pstt ! miss ! miss beautiful ! " 

kusa akong napahinto sa pag lalakad nang marinig ang familiar na boses.

" miss beautiful, face me " ani nito kaya nilingon ko naman ito.

nangunot ang noo ko nang makita na naman ang bagong pasyente namin na kumindat sakin kanina.

lumaki ang ngisi niya nang lingunin ko siya tyaka na naman ako kinindat at binigyan ng flying kiss.

nagulat ako sa ginawa nya na ikinahagikhik niya, kaya napansin ko ang kaliwang dimple nito na mas kinagwapo nya.

hindi ko namalayang namumula na pala ang pisngi ko kaya agad akong tumalikod at papaalis na sana nang mag salita ito.

" you're mine! " 

mas lalo akong namula ang pisngi ko dahil sa narinig ko.

arghh.. 

tangina bat ako kinikilig sa isang pasyente??

hindi pwede to..

nasampal ko ang pisngi ko dahil sa kilig na nararamdaman at nang magising na ko sa katotohanang gwapo lang sya at pasyente namin sya.

" babe please... don't hurt yourself!" nag-aalalang ani ng lalaking ito, na para bang naiiyak nang makitang nasampal ko ang sarili kong pisngi.

nangunot ang noo ko.

" bahala ka dyan " tanging saad ko nalang at patakbong umalis, papunta sa dapat kong puntahan.

narinig ko ang pag tawag nya saking babe, tinatanong kung saan ako pupunta pero hindi ko sya nilingon at nag patuloy na lamang sa pag alis.


- time skip.

Pabagsak akong napahiga sa kama pag kauwi ko ng apartment, dahil gusto ko na ring magpahinga.

Tsaka lamang ako napasulyap sa phone ko nang tumunog ito. Kinuha ko iyon at napabuntong hininga nalang nang makitang si mommy ang tumatawag.

I'm sure na ipilitin niya akong umuwi na nang mansion.

Hindi ko sinagot yon at hinagis na lamang sa sofa.

Hindi pa ako handang kausapin siya, at bumalik sa kanila.


"Nurse Cay, absent si Dea ngayon, kaya ikaw mona mag-asikaso kay mr. Radiko"Nagulat ako sa sinabi ni nurse venus, ang aming nurse manager.

"po?" 

"Sige na, importanteng pasyente si mr. nikolai radiko, hindi siya pweding pabayaan, Lalo na't sa kanila itong hospital na pinapasukan natin"


Napakagat na lamang ako ng labi at tumango na lamang kahit na nakaramdam ako ng takot at malakas na pagtibok ng puso ko, nang maisip na ako ang mag-aalaga sa lalaking iyon ngayon.


"Mabait naman si mr. radiko" nakangiting ani nito sakin.


ngi anong mabait eh para ngang tambay yon sa kanto or driver ng truck kong makapapansin sakin at kikindatan ako.


Natawa na lamang ako sa naisip ko at kinuha ang mga gamit bago humakbang paalis sa nurse station.


maingat kong binuksan ang pinto ng makarating ako sa tapat ng room ni Mr. radiko.


Hindi siya sa selda nakakulong kundi may sarili itong kwarto.


Sumilip muna ako sandali, hindi ko siya nakita kaya napakunot ako ng noo.Papasok na sana ako sa loob ng agad itong nagpakita sa harap ko na masama ang tingin sakin.


 Kaya nagulat ako don at muntik nang mapatili.

problema neto??

Ngunit agad lumiwanag ang mukha nito, nagpupungay ang kaniyang mga mata na tila pa para itong naging tuta bigla, nagpapacute sa kaniyang amo nang makita ito.


Lumawak ang ngisi sa kaniyang mga labi at kinindatan akong muli.


Umangat ang kilay ko.


Sakit niya narin ba itong pagkindat sakin sa tuwing makikita ako?


nanlaki nalamang ang mata ko nang kabigin nito ang bewang ko at hinatak palapit sa kaniya.


gago talaga

"Hi baby, miss me?" nakangising aniya sakin at inangat ang aking baba gamit ang kaniyang daliri upang matingnan ako sa mga mata.


Hindi ko maipaliwanag ang tibok nang naramdaman ko ngayon, maslalo lamang itong tumibok nang malakas na para bang mga kabayo na nakipag karerahan.


SHET




hi guys sorry late upd8 tinamad aq hehehee

Love Lane LoversWhere stories live. Discover now