chapter one

5 0 0
                                    

" hey nurse cay, you're late again nurse ka pa naman hindi mo ba alam na ang pasyente mo nag wawala na naman? " 

napakagat labi nalang ako at natatarantang tumakbo papuntang room 18 kung nasaan ang pasyenteng inaalagaan ko.

isa itong bata, umiiyak sa tabi at hinahanap ang kanyang ina nang madatnan ko ito.

maingat akong lumapit hanggang sa maramdaman niya ang presensya ko, agad syang napatayo at tumakbo papunta saakin.

" mama !! " tawag nito sakin at yumakap.

ginantihan ko ito ng yakap, sinusubukang pagaanin ang kanyang loob.

ang bata bata pa lamang nya nag karoon na sya ng ganitong sakit. may sakit sya sa utak kaya dinala sya rito ng kanyang mga magulang.

ang sabi ng mga parents nitong bata ay akala lamang nila ay nasasaniban lang ang kanilang anak dahil yon ay ang sabi sa kanila ng albunaryo.

pinagamot nila ito sa albunaryo ngunit hindi ito gumagaling at mas lalo pa itong lumala, hanggang sa naisipan nila na dalhin nalang sya rito sa mental.

pinainom ko sya ng gamot nang kumalma sya sa pag iyak at nakatulog.

lumabas ako ng silid at naisipang lumabas muna sandali upan bumili ng makakain at mag kape.

palabas na sana ako nang magulat ako sa isang malakas, baritanong boses na nag sisigaw, umiiyak, at hinahaluan pa ito ng pag tawa.

siguro may bagong pasok na pasyente na naman.

huminto ako sandali upang malaman kung sino ang bagong pasok na pasyente.

napatakip ako ng tenga dahil sa lakas ng boses nito kaya napatingin ako sa entrance.

nakita kong pinag tutulungan sya ng mga nurse at guard.

napansin ko ring umiiyak ang may edad na babae habang panay ang tingin sa pasyente.

siguro ay anak nya ito.

napangiwi ako ng bibig nang makita ang mukha ng pasyente.

sayang ang gwapo sana ...

" LET ME GO SABI " galit na sigaw neto sa mga guard at nurse na pilit parin syang pinapapasok sa loob ng entrance.

" I said let me go ! gusto mo mawalan ng work ? DO YOU ALL KNOW ME ?! " nanlalaking matang sigaw neto. aaminin ko nakakatakot an itsura nya, kahit na natatakpan pa rin ito ng kagwapuhan.

"  I AM THE ONLY HEIR OF IVNOVICH GROUP! THE FUTURE CHAIRMAN! SO HOW DARE YOU~ " hindi ito natapos ang sasabhin ng mag salita ang kanyang ina na hindi pa rin matigil sa pag iyak.

" niko anak.. pumasok kana please, mag papagamot ka, for mommy okay? " pag papalambing nito sa anak ngunit umiling ito.

" mommy.. im not baliw po, hindi ako baliw ! so bakit papasok ako dito sa mabahong lugar na ito? this is psychiatris hospital mommy ! hindi ako bagay dito ! " 

napasinghap ako, habang pinapanood sila.

ang arte pala talaga nitong bagong pasyente namin. sabagay mayaman kasi sya.

nanlaki ang mata ko kung paano nito tinabig ang kanyang ina at gustong makawala sa humahawak sa kaniya.

at masasabi kong malakas talaga, kasi kahit nga dalawang guard na ang humahawak sakanya ay hindi pa sya kayang hiliain at papasukin sa loob.

nag kabitbalikat na lamang ako, hindi naman normal ito sa hospital na pinapasukan ko ngayon.

paalis na sana ako nang napatingin ito sa gawi ko. 

agad akong kinabahan dahil sa uri ng pag titig nito sakin.

hindi ko mabilang kung ilang beses ako napalunok dahil baka tulakin nito ang dalawang guard at tumakbo palapit sakin para saktan ako.

ngunit hindi ganon ang nangyari...

sa halip nagulat na lamang ako sa pag ngisi nito sakin at kumindat bago nag patanod sa dalawang guard nang maramdaman na hindi na sya nag pupumiglas. 

kaya napakunot na lamang ako nang noo.

anong nangyari don?


hi sana mag enjoy kayo love u !! 


Love Lane LoversWhere stories live. Discover now