Carter
Sa oras na ito hinatid ko si Alexa sa Hotel na maganda ang tanawin at ito na ang maganda naisip ko para sa kaligtasan niya at hindi siya masundan ulit ni Paolo.Marahan ko pinarada ang motor sa harapan ng Hotel na iyon.
Dahan dahan siya bumaba sa Motor at binigay niya sa akin ang helmet.
"Salamat Carter sa paghatid mo sa akin dito at mag-iingat ka kay Paolo na iyon, alam mo naman ang lalaki na iyon masyado Arogante." saad niya at tumango nalang ako sa kaniya.
"Mas lalo kana Alexa, Mag-iingat ka dito, kapag kailangan mo ng tulong tawagan mo lang ako,sige alis na ako pumasok kana sa loob kapag may kailangan ka huwag mo kalalimutan na tawagan ako." sabi ko sa kaniya.
"I know Carter.Thank you very much,I have to go now and be careful yourself as well." Saad niya.
Pinasadahan ko siya ng tingin habang nagmartsa siya pumasok sa Hotel at umalis na ako sa lugar na iyon,bumalik ako sa hospital.Bumili muna ako ng makakain bago pumasok sa loob at nadatnan ko si Jacob na inaayos ang mga gamit ni Mama sa bag nito.
"Jacob bakit ka nagliligpit?" tanong ko sa kaniya at nilapag ko ang pagkain sa lamesa.Pinasadahan ko ng tingin si Mama.Huminga siya ng Malalim.
"A-Ah kuya C-Carter ngayon na kasi ang labas ni Mama ang sabi ng Doctor stable na ang lagay niya at kailangan niya ng sapat na pahinga sa bahay" Saad niya.
"G-Ganun ba mabuti naman oh may dala ako pagkain kumain na muna tayo."sabi ko sa kanila at inaasikaso ko ang pagkain ni Mama sa food tray.
Marahan ko ito nilapag sa harapan niya at pagkatapos inayos ko ang mga bill's sa Hospital para maayos na ang lahat.
Bigla ko na alala si Alexa kamusta na kaya siya. Sana hindi siya masundan doon ni Paolo.Minsan sumasagi sa aking isipan na kaya ko ba talaga magpanggap na Boyfriend niya sa harapan ng kaniyang pamilya na ang lahat ng iyon ay pawang kasinungalingan lamang.
Sumandal ako sa Pader at nakatingin sa kawalan.
"K-kuya C-Carter okay ka lang ba napapansin ko kasi ang lalim ng iniisip mo kanina pa?" tanong ni Jacob at umupo siya sa tabi ko."Don't worry maging okay ang lahat kuya"Sabi niya.Umiling ako sa kaniya.
"W-Wala ito Jacob baka pagod lang ako." sabi ko.
"K-Kuya huwag ka na magsinungaling sa akin simula pa bata ako kasama na kita kaya alam ko kung may problema ka oh wala!Tell me sabihin muna sa akin handa naman ako pakinggan ka baka may maitulong ako sayo."Napabuntong hininga at si Alexa lang naman ang iniisip ko sa ngayon.
Nakipag deal ako sa kaniyang kagustuhan pero bakit siya palagi laman ng isip ko.nakakainis.Simula ng makita ko siya walang kasaya saya sa mga mata bagkus puro pasakit at kalungkutan.
Para siya nakatira sa madilim na lugar.Hindi ko kilala ang pagkatao niya pero nararamdaman ko magaan ang loob ko sa kaniya sa tuwing tumitingin siya sa akin parang hindi ko namamalayan na nagkakagusto na ako sa kaniya.Pinipilit ko nilalabanan ang aking nararamdaman para sa kaniya.
Pilit ko tinatago pero paano mas mabuti ayaw ko nalang siya makita para di ako nasasaktan.Sa pagmamahal may dalawang option's lang iyan pwede ka masaktan at pwede ka maging masaya pero sa sitwasyon kay Alexa. I don't know .Im not aware to handle of my feelings for her.Tao lang mahina pagdating sa Tukso.Minsan na ako nasaktan noon ng iwan ako Sofia mahal na mahal ko siya pero ang pagmamahalan namin ay nawala na parang bula.
Siya ang lumayo at iniwan niya ako na hindi ko maintindihan sa ganon sitwasyon.Lahat binigay ko sa kaniya.Pati buhay ko binigay ko sa kaniya. Nang magkasakit siya noon ako ng naging sandalan niya sinubok kami ng panahon pero wala nangyari.
Iniwan niya parin ako. Feeling ko parang may pagkukulang ako sa kaniya ng mga oras na iyon.Feeling ko parang wala ako nagawa tama sa kaniya.Kaya simula noon ayaw ko na pumasok sa relasyon na wala ako kasiguraduhan kung kaya ba ako mahalin kung sino talaga ako.
"A-Ah may pinasukan kasi ako trabaho at kailangan niya ng tulong ko."sabi ko sa kaniya.
"L-Legal ba iyan kuya baka mamaya hindi ah".napabulalas na sabi ni Jacob at tinapik ko siya sa balikat.
"Huwag ka mag-aalala Jacob hindi ako papasok sa Illegal na trabaho di bale nalang na dumampot ako ng mga basura sa kalye kaysa sa pasukin ko trabaho na illegal"
"A-Ano naman klase trabaho iyan kuya?" interesado tanong niya sa'kin at napatingin ako sa kaniya.
"May isa babae ako nakilala Jacob alam mo mabait siya at maganda.Simple lang siyamanamit walang kaarte-arte sa katawan pero may problema siya at kailangan niya tulong ko ang magpanggap na boyfriend niya. Jacob siya ang tumulong sa akin dito sa Hospital sa Financial kaya malaki ang utang na loob kosa kaniya."kaswal na sabi ko sa kaniya at may sumayad sa labi ko kasiyahan habang na alala ko siya.
Alam ko mali na mahalin siya pero kaya ko naman itago iyon pero hindi ko alam kung hanggang kailan at paano. Mas maganda na hindi niya alam dahil hindi pa tapos ang trabaho ko sa kaniya.
"Talaga kuya?ikaw hah baka sa pagpapanggap niyo dalawa baka kayo magkatuluyan niyan sa huli" Inaasar niya ako at nakangisi siya kaya natawa ako.
Napaisip ako bigla Impossible.
"H-Hindi naman tinutulungan ko lang siya sa Fiance niya si Paolo ayaw niya kasi matuloy ang kasal niya sa lalaki na iyon Jacob.Arogante at masama ugali, nagkaharap kami dalawa ng Paolo na yun at nakita ko ang tunay niya ugali kung gaano siya kasama." sabi ko.
"Talaga kuya hindi ka ba natatakot na pwede saktan ka ng tao iyon dahil kay Alexa?"Nag-aala tanong niya hindi ko naman siya masagot dahil hindi naman ako takot kay Paolo kahit sino pa siya
"H-Hindi"
"K-Kuya delikado ka pwede ba tigilan mo nalang iyan at pag-usapan niyo dalawa ni Alexa."Aniya.
"Im sorry Jacob kailangan ko siya tulungan" sabi ko sa kaniya sa mga oras na ito.Ang nasa isip ko lang sana huwag matuloy ang kasal ni Alexa kay Paolo.
YOU ARE READING
Mapapansin Kaya [R-18] Complete
RomanceUnti-unti nahuhulog ang loob ni Carter sa Mayaman dalaga. Tinago niya ang nararamdaman para sa Dalaga dahil kailangan niya ito tulungan para hindi matuloy ang kasal sa Fiance nito. Gagamitin siya ng dalaga para magpanggap ng Boyfriend nito. Pero sa...