Sa isang payak na bayan sa probinsya ng San Rafael, kung saan ang mga pangarap ay tila kay hirap abutin, nabubuhay si Ms. Amalia Grimaldi, isang anak ng mayamang pamilya na namumuhay sa bayan ng San Rafael. Siya ang unica hija ni Don Amador Grimaldi at Donya Vanessa Gracia-Grimaldi, na kilala bilang mapag-bigay sa kapwa. Ang Pamilya Grimaldi ay isa sa mga nagmamay-ari ng Bakery at Grocery Stores sa kanilang bayan at siya ring naturang may-ari ng Fattoria Grimaldi, isang 20-hektaryang Mango Farm na kilala sa napakatamis nitong mga mangga. Sa kabila ng estado nila sa buhay, hindi sila nakakalimot na magpasalamat sa Maykapal sa pamamagitan ng pagtulong nila sa kapwa at pagbibigay scholarship sa mga batang may pangarap sa buhay. Ngunit sa estado ng buhay na mayroon si Amalia, ni minsan ay hindi siya dumepende sa kanyang mga magulang. Sa edad na 20, nag-sarili si Amalia at namuhay sa simpleng paraan. Naghanap siya ng trabaho at nagsumikap sa labas ng poder ng kanyang mga magulang. Siya ay nag-aaral kasalukuyan sa nag-iisang State University sa kanilang bayan sa kursong Batsilyer ng Edukasyon Medyor sa Ingles (BSED-ENG).
Sa kabilang banda, narito si Yves Martin, isang binata na may pangarap na makapagtapos ng kolehiyo at maging isang doctor. Ngunit sa kabila ng kanyang determinasyon, ay nahihirapan pa rin siyang makamit ang kanyang pangarap dahil sa kakulangan ng pera at oportunidad. Si Yves ang panganay na anak sa limang magkakapatid na anak ni Aling Mercedes at Mang Yael, isang tindera ng isda sa palengke at magsasaka naman si Mang Yael. Mahirap lamang ang mag-anak ngunit ginugugol at ginagawan naman ng paraan ng mag-asawa ang pagbuhay sa limang mga anak.
Habang papasok si Amalia sa kanyang part-time job sa isang maliit na tindahan malapit sa kanyang eskwelahan, nabangga niya ang isang ale na may dalang isang banyera ng isda. Agad niya itong tinulungan at nagbigay ng paumanhin. "Nako, pasensya na po talaga kayo, ako Ay talagang nagmamadali na rin po talaga," tugon ni Amalia habang nahihiya sa ale. "Okay lang ineng. Ano, ikaw ba ay papasok na sa eskwela?" tanong ng matandang babae sa kanya. "Hindi po Nay, kakagaling ko lang po ng eskwelahan. Papunta po ako sa trabaho ko. Malalate na rin po kasi ako. Sige po Nay, pasensya na po ulit," at mabilis na umalis na ang dalaga matapos tulungan ang matanda.
BINABASA MO ANG
Kwintas ng Tadhana
Short StoryIsang maikling kwento, pagtatagpuin ang mga landas nina Amalia Grimaldi at Yves Martin, dalawang taong magkaiba ang mundo at katayuan sa buhay ngunit nagkasundo sa ilalim ng maraming pagsubok. Sa kanilang pagmamahalan, lalabanan nila ang mga hamon n...