Lumipas ang mga araw, linggo hanggang sa nagiging buwan, mas lalo nang lumalapit si Amalia kay Yves lalo na sa pamilya nito. Madalas nang hinahanap ng mga kapatid si Ate Amalia, kaya napapadalas na rin si Amalia sa tahanan nila Yves. Dahil dito, napamahal na si Amalia sa pamilya ni Yves kaya ramdam niya ang pagtanggap nito sa kanya. At dahil sa closeness ng dalawa, madalas silang pinagtatawanan ngunit ikinatutuwa nila ito nang lihim, alam nila sa isa't isa na may nararamdaman sila sa isa't isa. Hindi nila ito aminin sapagkat natatakot silang mabuking ang tunay na nararamdaman.
Habang nasa lunch break ang dalawa, biglaang nag-vibrate ang phone ni Amalia at isang di-inaasahang balita ang narinig niya mula sa kabilang linya. "Anak, umuwi ka sa mansion, inatake ang daddy mo." Iyon lamang at biglang naputol ang linya. Agad siyang tumayo ngunit pinigilan siya sandali ni Yves. "Amalia, anong nangyayari?" Tumingin si Amalia kay Yves habang pinipigilan ang luha. "Kailangan kong umuwi, inatake ang daddy ko." "Sasamahan kita," hindi na umimik si Amalia at umalis na silang dalawa papunta sa mansion ng Grimaldi.
Pagdating sa pamamahay nila Amalia, agad siyang sinalubong ng kanyang ina. "Anak," agad na niyakap nito si Amalia at hindi agad napansin ang kasama. "Mom, nasaan si daddy?" "Nasa kwarto at natutulog anak," agad na ginayak niya ang anak papuntang kwarto. "Sino itong kasama mo hija?" pagtataka ni Vanessa sa kasama ng anak. "Kaibigan ko po," tipid na sabi ni Amalia at agad na pumasok sa loob at iniwan ang dalawa.
Ginayak ni Vanessa si Yves sa sala upang hayaan na makapag-usap ang mag-ama. "Sumunod ka sa akin hijo," agad naman sumunod si Yves kay Vanessa. Pagdating nila sa salas, agad na inutusan ni Vanessa ang mga katulong upang bigyan sila ng pagkain. "May isa lang akong katanungan hijo," Malamig na sabi ni Vanessa bagay na ramdam naman ni Yves kanina pa. "May gusto ka ba sa anak ko?" direktang sabi nito kay Yves. Tumingin ng diretso si Yves kay Vanessa. "Sa totoo lamang po, wala akong alam na tunay na katauhan ni Amalia, minahal ko si Amalia bilang siya ng hindi ko nalalaman na siya ang anak nyo, Opo, lihim ko pong tinatangi ang anak nyo Donya Vanessa." walang pag-aalinlangang pag-amin ni Yves.
Tumango si Vanessa. "Akala mo ba hindi ko malalaman iyon, kahit hindi umuuwi ang anak ko dito sa aming bahay, alam ko kung ano ang ginagawa ni Amalia sa labas. At alam ko rin na tinulungan kayo ni Amalia sa pagpapagamot sa ama mo. Sabihin mo sa akin, magkano ang kailangan mo para layuan mo ang anak ko?" Nagulat si Yves ngunit inaasahan na niya ang bagay na iyon sapagkat nararamdaman niya kanina na ayaw sakanya ng mama ni Amalia. "Wala po akong hinihingi sa anak nyo, at alam ni Amalia na binabayaran ko siya sa kabila ng pagtulong niya sa akin. At lalong-lalo na hindi ho ako Gold Digger, maayos ho akong pinalaki ng mga magulang ko kaya wala ho kayong Karapatan para akusahan ako sa bagay na iyan," pagsabi ni Yves.
"Talaga lang ha. Sige, kung ganoon, layuan mo ang anak ko kung ayaw mong tanggalin kita sa scholarship mo," pagkasabi noon ay iniwan na siya ni Vanessa at dumeretso ng taas upang tingnan ang mag-ama nito. Naiwan si Yves sa sala na nasaktan, tumulo ang luha niya ngunit agad niya rin itong pinunasan. Umalis siya ng mansion ng Grimaldi na mabigat ang kalooban.
"Patawarin mo ako Amalia."
BINABASA MO ANG
Kwintas ng Tadhana
Short StoryIsang maikling kwento, pagtatagpuin ang mga landas nina Amalia Grimaldi at Yves Martin, dalawang taong magkaiba ang mundo at katayuan sa buhay ngunit nagkasundo sa ilalim ng maraming pagsubok. Sa kanilang pagmamahalan, lalabanan nila ang mga hamon n...