Huling Bahagi

3 0 0
                                    

Sa sumunod na mga araw, hindi na niya nakita pa si Yves. Napagalaman niyang umalis na ito sa pinagtatrabahuhan nila, kaya labis siyang nasaktan. Hinanap niya si Yves sa mga kaklase at kaibigan, ngunit sabi nila ay wala na ito. Nasasaktan si Amalia sa pag-iwas ni Yves sa kanya. Gusto niya sanang ipaliwanag sa lalaki ang nangyari, ngunit kahit sa bahay nila ay hindi man lamang niya ito maabutan. Habang papauwi na si Amalia mula sa bahay nila Yves, bigla siyang napadaan sa park at tumambay doon sa may playground. Pagdating niya doon, laking gulat niya nang makita si Yves na nakaupo sa kabilang swing. Hindi agad siya nito napansin, kaya ginamit ni Amalia ang pagkakataon upang umupo sa katabi nitong swing.

"Im sorry," ang isang salita na lumabas sa bibig ni Amalia habang nakatingin sa malayo. Naramdaman ni Yves na nandoon si Amalia, kaya hindi siya umimik at hinayaan ang babae.

"Patawarin mo din ako, Amalia. Wala kang kasalanan," pagkasabi noon ay lumingon si Amalia sa direksyon niya na may nangingilid na luha.

"I missed you so much," nakangiting bahagya na sabi ni Amalia. "Ako na ang humihingi ng tawad sa mga sinabi sa iyo ng aking ina. Hindi mo deserve marinig ang mga bagay na iyon sa kanya sapagkat alam mo at alam ko din na hindi ka ganoon."

Ngumiti ng bahagya si Yves. "Patawarin mo sana ako, Amalia, kung iniwasan kita. Alam kong naging duwag ako nung sinabi ng iyong nanay na babawiin niya ang scholarship sa akin. Kaya patawad mo sana ako kung naging duwag ako."

Nangilid rin ang luha ni Yves habang nagkatitigan sila ni Amalia.

"Kahit anong sabihin nila mama satin, nasaatin pa rin ang desisyon. Wala sa antas ng pamumuhay at pinagaralan nakadepende ang pagmamahalan ng isang tao. Pag mahal nyo ang isa, maging sino ka man, ay tanggap mo dahil kayo pa rin ang gagawa ng sarili ninyong tadhana. Kaya pipiliin kong manatili kapiling mo," sabi ni Amalia.

Nagyakapan ang dalawa.

"At kagaya ng sinabi ni nanay, ang dalawang taong tinadhana ay patuloy na babalik at babalik sa isa't isa, kahit paglayuin man sila ng maraming pagsubok at hadlang, pagtatagpuin pa rin sila ng tadhana, at pipiliin ang isa't isa dahil pipiliin mong manatili sa taong tunay mong minamahal. Kaya pipiliin kong manatili at ipadama sa iyo na pipiliin kita at hindi na muling susuko at ipaglalaban ka sa kahit na sino, kahit sa mga magulang mo pa," sabi ni Yves.

"At pipiliin din kita at mananatili sa piling mo, Yves. Ipaglalaban kita sa kabila ng balakid na hindi hadlang ang estado ng buhay para mahalin natin ang isa't isa," sagot naman ni Amalia.

Nagkatitigan sila ni Yves at binigyan ni Yves ng matamis na halik si Amalia.

"Mahal kita, Amalia Grimaldi."

"Mahal din kita, Yves Martin."

"At ito ang aming kwento."

WAKAS

Kwintas ng TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon