Kabanata 6

1 0 0
                                    

Pag-alis naman ni Yves ang siya naming pagbaba ni Amalia.

"Mom, nasaan si Yves?" Puno ng pagtataka ni Amalia sa kanyang ina, nagpanggap na parang walang alam si Donya Vanessa.

"I don't know, sweetie. Kanina lang nandito siya, baka umuwi na." Tugon ng kanyang ina.

Nalungkot naman si Amalia ngunit nilapitan siya ng ina at niyakap.

"Anak, hayaan mo na siya ang intindihin mo ay-"

"Mom, magsabi ka ng totoo sa akin, may sinabi ka ba kay Yves?" Puno ng kuryosidad ni Amalia sapagkat nararamdaman niyang may ginawa ang ina base narin sa mga kinikilos nito.

"Anong sasabihin ko sakanya anak wala-"

Pinutol muli siya ni Amalia.

"Mom, please. Alam ko at nararamdaman ko ang totoo, anong ginawa at sinabi nyo kay Yves??" may pagtaas na ng boses si Amalia

Bumuntong hininga ang kanyang ina at tiningnan siya ng diretso.

"Pwede ba, Amalia, ano ang nakita mo sa lalaking iyon para magustuhan mo??? Kahit hindi mo sabihin, nakikita ko bilang nanay mo na may nararamdaman ka sa lalaking iyon!" may pagtaas narin sa boses ng kanyang ina.

"Bakit ba kayo nagkakaganyan, Mom??? At pwede ba tumigil kayo, Malaki na ako at may sarili na akong desisyon, kaya ako umalis sa bahay na ito ay dahil sa mga pinangagawa Ninyo sa akin, ako na nag-iisang anak nyo palagi Ninyo nalang pinapakialaman ang desisyon ko. Nanay kita mahal kita pero minsan hindi ko maintindihan kasi kahit minsan hindi mo man lang magawang suportahan ang desisyon ko, palagi nalang may bahid ng pagsang-ayon." Nasampal ni Vanessa ang anak at biglang namang nakarinig ng sigaw ang mag-ina.

"Vanessa, tama na iyan! Bakit mo sinampal ang anak natin?" Pababang pag sambit ng kanyang ama na si Don Amador. Agad nilapitan ni Amador ang mag-ina at niyakap ang anak.

"At talagang sasang-ayon ka pa talaga sa anak mo Amador? Tama naman ang sinabi ko, ayaw ko lang mapunta sa pobreng lalaking –"

"VANESSA, TUMIGIL KA NA!" Pag-sabi ni Don Amador.

"At ako pa ngayon ang pinapatigil mo?" Pagsusumamo ni Vanessa.

"ALAM ko na mahal mo ang anak natin, alam ko iyon, pero Vanessa, kahit minsan lang ba talaga bigyan mo naman ng konsiderasyon ang anak mo! Alam kong may kasalanan din ako kung bakit umalis si Amalia sa pamamahay natin ngunit naiintindihan ko na siya, sana matuto ka man lang isipin ang kalagayan ng anak mo, hindi 'yung puro nalamang pera at estado ng tao ang lagi mong inaalala." Pagkatapos noon ay sinuway ni Amalia ang mga magulang.

"MOM, DAD, TAMA NA." May pagtangis na sabi ni Amalia.

"Alam nyo ang pinakamasakit sa akin, umalis ako sa bahay na ito, na ganito kayo ni Mom, sa harap ng maraming tao, sobrang bait Ninyo, lalo kana mom, tapos ano pag-uwi natin lalaitin mo sila. Isa ka pa, dad, madalas mong kunin ang opinion ni Mom noon, tapos ayaw na ayaw mong may nakakaangat sayo... Mahal ko kayo bilang mga magulang ko... Oo, matulungin kayo sa bayan natin pero sa likod ng mga ito... sa likod ng ngiti... totoo ba talaga kayo..." Pagkatapos noon ay umalis na si Amalia, tinawag siya ng dalawa ngunit nakalabas na siya at patakbong pumara ng masasakyan papalayo sa kanilang mansion.

"Yves, nasaan ka na ba..." Patuloy na napapatak ang luha ni Amalia habang lulan ng sasakyan papalayo sa kanilang tahanan.

Kwintas ng TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon