First Love

9 2 0
                                    

An open letter for my first love

Hello, kumusta ka? Alam ko masaya ka na.

Mabuti naman kung ganon. Masaya din ako para sayo.

Wala naman akong ibang ginusto kundi ang sumaya ka, kahit hindi na ako yung dahilan. Gusto ko lang naman ilabas tong saloobin ko kaya sinulat ko to. Hindi para manggulo kundi para na din sa ikakapanatag ng loob ko.

We were still young nung naging tayo. Parehas pa tayong immature. Tho, mas ahead yung age ko sayo kaya madalas ako yung nag aadjust. Hindi naman issue yun para saken kasi mahal kita. Kahit childish ka tinanggap ko yun. Tanggap ko lahat sayo kasi again, mahal kita. Nung mga panahon na yun wala ka pang work may sideline ka palang, ako may regular work na... okay lang saken yun kahit ako gumagastos kapag nagkikita tayo, kasi nga mahal kita. Kahit medyo malayo ka saken, pampanga ka, sa manila naman ako.. okay lang kasi may tiwala naman ako sayo and ganun ka din sa akin. Mahal natin ang isat isa.

Up and down yung relasyon natin kasi nga medyo malayo tayo sa isat isa. Text palang nun eh. Hindi pa masyadong uso ang messenger and fb. Hindi din madali mag online kasi yung mga promo nun wala pang data, puro calls and texts palang.

Hindi pa ako out nun sa family ko about sa pagiging bayola ko kaya ang hirap. Tinago kita dito sa kwarto ko 4 days before ng monthsary natin. Kaso nahuli tayo eh. Kaya sinabihan kita na umuwi na nung mismong araw ng monthsary natin. Ayaw mo umuwi gusto mo pa mag stay nun ang kaso kasi mainit na mata sayo nun ng family ko. Ayokong may masabi silang hindi maganda sayo, kaya kahit mabigat sa loob ko..pinilit kitang pauwiin.

Kahit ayaw mo, kahit masama ang loob mo, sinunod mo naman ang gusto ko. Salamat kasi nakinig ka pa din saken. Sorry kasi ayoko lang masaktan ka ng dahil sa family ko.Magka text pa tayo nung nasa byahe ka na. Sabi mo nakauwi ka na. Pero nung tumawag ako sayo naramdaman kong parang may tinatago ka saken. Pinilit kitang sabihin saken kung ano man yun. Kaso ayaw mo talaga sabihin saken. Hanggang sa narinig ko within the call na may tumatawag sa pangalan mo at ang sabi pa niya shot mo na daw. Tumawa ka lang at binaba mo na yung tawag.

Sobra yung kaba ko nun. Sa totoo lang nung mga oras na yun ayokong maniwala sa narinig ko. Text ako ng text sayo. I'm begging na sana sabihin mo na saken yung totoo. Kasi alam na alam mong ayoko sa sinungaling. Hindi mo na ko halos nireplyan nun. Tapos yung mga replies mo halatang may influence ka na ng alak kaya hindi ka na makausap ng maayos. Binanggit mo sa text na nasa bahay ka ng tropa mo and nag iinom kayo. Sinubukan kitang tawagan para makausap kita kaso hindi mo na sinasagot. Hanggang sa hindi na kita makontak. Wala ka ng paramdam magdamag.

Hindi ako nakatulog nun. Umiiyak lang ako. Tinatadtad lang kita ng text kasi sobrang sakit talaga. Hindi ko lubos maisip bakit kailangan mong gawin saken yun sa mismong monthsary natin. Iniisip ko kung mali ba yung desisyon ko na pauwiin ka. Pero kasi nahuli na tayo dito sa bahay, paano naman ako? Sana naintindihan mo din yung sitwasyon ko.

Kinabukasan nagparamdam ka na parang walang nangyari. Nag sorry ka lang kasi nalowbat ka kamo at hindi mo na ako nareplyan. Ayun lang.

Dun na ako nakipag break sayo. I realized that day na hindi ko deserve yun. Hindi ko deserve na pagsinungalingan. Kung kinaya mong magsinungaling saken, kaya mo din akong lokohin.

Madami pang nangyari after nun, magulo at mahirap ng intindihin. I stayed single for 3 years dahil hindi ako agad maka get over sayo. You were my first love. And you will always be.

Kahit parehas na tayong may ibang partners ngayon, ikaw pa din yung kaisa isang tao na kapag nakita ko ulit, I will always have a sudden thud on my chest. I will always be attracted to you. Your eyes and your smile will always be my favorite.

Pero hanggang dun nalang yun. Kasi I know for sure na hindi na tayo magkakabalikan. I cherish my present and I will let go of my past. Our past.

Madami akong natutunan na lesson sa naging run ng relationship natin. 

Thank you for making me the person I am today. You will always have a special place in my heart but I'm letting you go now. Be happy and stay healthy. Thank you my first love.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Reality Bites (Tagalog Short Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon