Biglang umulan ng malakas dito sa maynila at maraming mga studyante ang nagtatakbuhan sa labas dahil paunahan sa pagsakay ng jeep at may mga nagtitinda naman sa daan nagsimula ng hakutin ang mga paninda dahil nababasa na ito.
Nasa loob ako ngayon ng bus. Kasalukuyang kumakain ng mani at chicharon. Nasusuka kasi ako kapag walang nginunguya na pagkain. Pupuntahan ko kasi yung bahay ng pinsan ko. Matagal na din nung huli kaming nagkita, siguro mga thirteen years ago na.
~flashback~
"Disa! Balikan mo ako pag malaki ka na ahhh mag promise ka!".
"Oo basta babalikan kita pamy, promise".
Yun ang huli naming paguusap bago kami naghiwalay. Matagal akong nakatira sa bahay ng pinsan ko almost thirteen years din. At sa loob ng taong yun ay para na kaming magkapatid. Dinala kasi ako ng mama ko kina tita cherry bago siya nag-ibang bansa. Sumunod kasi si mama kay papa sa states dahil doon sila nag negosyo. Panandalian muna nila ako iniwan kina tita kasama yung pinsan ko. Kaya mas naging malapit ako sa kanila. Kinuha din naman ako ni mama papunta sa states at don nag aral ng elementarya. Ngunit bumalik din ako sa pinas dahil sa kagustuhan kung mag aral dito.
Nasa tapat na ako ng bahay nila ngayon. Tumuloy na lng ako sa pagpasok dahil sa lakas ng ulan. Nakita ko yung tita ko na nasa sala kasama si benji ang bunsong anak ni tita. Nanonood ang mga ito ng drama sa tv. Ang totoo walang may alam sa pagpunta ko dito.
"Tita!"Masiglang bati ko. Tiningnan niya lang ako saglit ngunit bumalik din agad ang tingin niya saakin. Bigla siyang tumili ng malakas."Wahhhhh! Disa ikaw ba yan?"Bigla niya akong niyakap ng mahigpit. "Ikaw na bata ka hindi ka man lang nag sabi na pupunta ka, maupo ka ipagkuha kita ng tubig dahil alam kung naulanan ka sa labas". Dali- dali naman siyang pumunta sa kusina. Sa totoo lang na miss ko itong bahay na ito. Matagal na nung huli kung punta dito. Pinuntahan ko na lang si tita sa kusina. "Tita nasaan pala si pamy, nasa school ba? tanong ko kay tita. "Nako nasa bahay ng jowa niya may birthday party daw, ayaw ko sana pumayag kaso malaki na naman si pamy alam niya na ang tama at mali".Sabagay ka edad ko naman siya.
Tulog na sila tita at nasa labas lang ako nag hihintay sa pag uwi ni pamy. Narinig kung may humintong motor sa harap ng bahay. Bigla akong napatayo at pumunta sa labas. Sinisilip-silip ko pa ito sa labas pero wala namang tao. Hindi naman ako kinabahan kasi may ilaw naman sa gilid ng daan. Pero alam ko namang may motor talagang huminto sa harap. Napaisip ako baka napahinto lang. Babalik na sana ako ng may narinig akong nabasag na bote sa likod ng bodega ng kapitbahay namin kasi magkalapit lang yung bahay at walang gate. Kaya ang ginawa ko pinuntahan ko ang bodega. Gamit ang ilaw sa selpon ko, naglakad ako papalapit.
"Sino yan! May tao ba diyan?"
~Togs~
"Help"
Dali-dali akong pumunta sa lugar kung saan narinig kung may humihingi ng tulong. Madilim at mabaho. Ito ang nakikita at naamoy ko. Inilawan ko ang gawi ng isang taong nag tatago sa dilim. Isang lalaki.
"Help!"He was trying to to say something but he couldn't. So I was immediately help him. I grab his hand and put it to my shoulder and pulling his lower back to support his weight.
I saw a Blood.
To be continued......
YOU ARE READING
The Journey of obsession
RandomHanggang saan mo kayang mahalin ang isang taong nagbigay sayo ng mundo ngunit binigo ang mga pangako. Ako ba o ang sarili niya Paano mo kaya mahuhusgahan ang storyang ito?