1

9 2 0
                                    

"Pammy fuerzas!!." Sigaw ng nanay ko sa labas. Tangina napuyat pa ako kagabi sa kaka online games. Kasalanan ito ni ronje ehh. Pero shit naman nabawasan yung star ko sa mythic ehhh, sayanggggg argggg!. Sigaw ng isip ko. Kahit inaantok ay bumangon pa rin ako at naligo para kumain. It was Sunday at kailangan kung mag ayos dahil may simba kami ngayon.

Sinuot ko na lang itong dress na puti. Bigay pa ito ng ate ni ronje, siya ang makasama ko ngayon patungong simbahan. Tenernohan ko na lang ito ng white shoes at nag lagay ng kolorete sa mukha, yung mild lang para presentable pa rin tingnan. Sasama din pala si ronje saamin kasi wala siyang trabaho ngayon bukas pa daw nag text yung ate niya saakin. Oo may trabaho na si ronje kahit sixteen palang siya, working student kumbaga. Basta ang alam ko lang ay construction worker siya ngayon sa bahay ni aling niña kapitbahay namin.

Magkasintahan kami ngayon ni ronje at Mag-iisang taon na rin. Supportado rin naman yung parents ko at parents niya kasi magkakakilala lang din naman in short magkapitbahay kami ni ronje. Anong magagawa ko ehh unang bungad sa umaga mukha ni ronje ang nakikita, saka wala namang masama kung yung kapitbahay mo ay naging honey bunch muna ngayon.

"Ronje! Anong sasakyan natin ngayon? Yung pedecab na naman ba? Eh sira na yun mag motor na lang tayo hiramin na lang natin tung motor ni daddy," Walang prenong sabi ko. Eh sira naman talaga yung pedecab ehh baka hindi kami aabot sa simbahan nyan. "Its okay mahal inayos ko na yan tinulungan ako ng papa mo para safe yung princess namin sumakay diyan". Sabay kindat. Putcha no choice pero mukhang totoo naman kasi makinis yung gulong halatang bagong linis at ayos. Sumakay na kami dahil may kalayuan din yung byahe. Dito sa probinsya namin mahirap mag commute dahil bukod sa walang dumadaan, sira din yung dinadaanan. Kaya kung plano mong manirahan dito eh bumili ka ng sasakyan at pagtiyagaan mo yung daan. Iwan ko ba kung bakit hindi to naaaksyonan ng goberno kawawa naman yung mga studyante. Talagang lalakarin mo na lang lalo na't umuulan. Maswerte na lang siguro ako kasi next year ay doon na ako sa maynila mag aaral ng senior high school. I was glad kasi don din mag aaral si ronje sa mismong school na papasukan ko kaya hindi mahirap saamin ang malayo sa isa't-isa. Tatalikuran muna niya ang pag tatrabaho at mag focus sa pag-aaral.

Nasa simbahan na kami at nag uumpisa na ang misa. Nag dasal ang lahat.

Lord! Sana po ay hindi magbabago ang pagtingin ko kay ronje at sana po ay gabayan mo po kami sa aming landas na tatahakin kasi kayo lang po ang may alam sa lahat, amen!

Natapos ang misa at lahat nag silabasan na. "Ronje! Pasyal muna tayo dun nagutom ako eh". Wala naman siyang magagawa kasi gusto ko. Ini-spoil kasi ako simula naging kami. "Mahal umuwi na tayo kasi may work pa si ate, pwede ba yon mahal? Hmm". Pumayag naman ako kasi inaantok na din. Napaka- gentleman ni ronje kahit sa paglalakad ay lagi niya akong inaalalayan kahit sapatos naman yung ginamit ko. Mapaka swerte ko kasi nasa kanya na ang lahat. Minsan kahit napaka moody ko lageh niya akong pinapatawa. Sana hindi magbabago ang pagibig namin.

Sumakay na lang kami sa pedecab. At itong mokong ay may pakindat-kindat pang nalalaman. Ang kulit!!

To be continued....

The Journey of obsessionWhere stories live. Discover now