PROLOGUE

18 4 2
                                    


PROLOGUE

"HOY, LAFRANCE!" Hinabol ni Gemelyn ang lalake hanggang sa makasakay ito sa motor nito. Hinarangan na lang ni Gem ang harapan para hindi agad makaalis. "Kulit nito amp*ta. Totoo nga kasing gusto kita, ba't ba ayaw mong maniwala—"

Namula ang lalake pero agad niyang itinago ang mukha sa pamamagitan ng pagsuot ng helmet. "N-Naniniwala naman ako—"

"Oh eh ba't naiwas ka? Ba't nalayo ka? Sana sinabi mo na lang na hindi mo 'ko bet, mage-gets ko naman—"

Mabilis na inangat ni Lafrance ang nakaharang sa helmet. "Hindi sa ganon, Gem. H-Hindi ko lang in-expect, okay?"

"Dahil ba mas matanda ako sa 'yo? 'Yun ba yung concern mo? Isang taon lang naman agwat natin ah."

Hindi na malaman ni Lafrance kung ano ang sasabihin maliban sa "Hindi," kaya naman inilabas na niya ang susi mula sa bulsa saka binuhay ang makina ng motor niya. Ang tanging nasa isip niya na lamang ay ang takasan ang sitwasyong mayroon siya.

Kaya lang bago pa niya matuloy ang pagbabalak hawakan ang manibela ay narinig niyang muli ang boses ng dalaga. "Liligawan kita."

Ilang beses napakurap si Lafrance. Gulat na gulat siya sa narinig to the point na pakiramdam niya'y pinaglalaruan lang siya ng mga tenga niya. Pero hindi.

"Liligawan kita hanggang sa sagutin mo 'ko. Sabi mo naman hindi mo lang in-expect, diba?" Napatango si Lafrance kahit tila lumilipad ang utak niya. Determinado namang ngumiti si Gem. "Edi i-expect mo nang liligawan kita, okay?" Muling tumango ang lalake.

A-Anong nangyayari?

Nakangiting umalis sa pagkakaharang si Gem saka nagpaalam. "Geh na. Ingat ka sa pagmamaneho," anito bago tuluyang naglakad palayo sa lalake at pabalik sa train station habang may ngiti sa mga labi.

Si Lafrance? Ayun, nanatiling tulala habang nakasampa sa kaniyang motor at paulit-ulit na tumatakbo sa isip ang tanong na, "Liligawan niya raw ako? Ha?"

H | Z

How To Date A Torpe [ON-GOING]Where stories live. Discover now