CHAPTER ONE

10 2 0
                                    


CHAPTER ONE

"TRUTH HURTS", and "What you don't know won't hurt you". In short, never ever try to talk to Gemelyn Anne Torres.

Growing up, Gemelyn was taught to speak what's on her mind. Ganoon kasi ang nangyayari sa loob ng bahay nila, kaya naman 'yun na rin ang nakasanayan niya. She says what she thinks, whether or not it would hurt the person. Her point? At least, hindi ako plastik.

And yes, not everyone liked this personality of hers. I mean most of the people hated it. Kaya prone sa kaaway si Gemelyn.

There were only a few people who could tolerate and were used to her attitude and those were her family and her small circle of trusted friends.

"Oy, mga mamsh, magpa-nail art na kayo sa 'kin," ani Janine na siyang agad umagaw sa atensyon ng nagre-review na si Pia.

"Magkano ba? Yellow gusto kong kulay ngayon eh."

"Speaking of yellow, hindi mo pa kinukuha yung swimsuit mo sa 'king yellow. Pero ni-reserve ko na 'yon para sa 'yo," pagpapaalala naman ni Gem sa dalaga.

Pinagtulungan na nila Gemelyn at Janine ang pambubudol kay Pia nang bigla na lang kumanta si Trisha. "Bawat araw ay sumasaya~ Magmula nang makita ka~"

"T*enang 'yan. Ayan na naman siya sa Pantropiko na 'yan. Nagre-review yung tao oh," reklamo ni Aira na siyang tinawanan lang naman ni Trisha bago tumuloy sa pagkanta para lang mas asarin ang dalagang nagsimula nang magtakip ng mga tenga, at medyo malakas nang binibigkas ang pagme-memorize niya ng terminologies para sa quiz nila bukas.

"Masyado talagang seryoso 'yang si Aira. Akala mo lagi eh ikamamatay ang hindi pagpasa sa quiz," patawang sabi ni Pia.

Tinapik naman ni Gem si Aira na bumalik na sa pagre-review nang tahimik dahil tinigilan na ni Trisha. "Huy, anteh. Huminga ka nga r'yan. Papasa ka, ano ka ba."

"Oo nga, 'te. Bukas pa naman yung quiz ah?" pagsasang-ayon naman ni Pia na s'yang tuluyan nang hindi nakapag-review dahil sa pambubudol sa kaniya.

"Yeah, yeah, whatever. Hayaan n'yo na lang muna ako," ani Aira.

Napailing na lang si Gem saka bumalik sa inuupuan niya kanina. Simula talaga nang maging magkaibigan sila ng babae ay hindi niya napigilan ito sa pagpapa-stress sa sarili. Akmang babalik na siya sa pambubudol sa mga kaibigan niya nang biglang nag-vibrate ang cellphone niya.

Agad napataas ang kilay niya nang makita ang pangalan ng lalakeng nakakuha ng atensyon niya. Simula kasi nang umamin siya rito ay hindi naman sinabi ng lalake pabalik na gusto siya nito, ang nangyayari lang ay umaakto ito at ipinaparamdam sa kaniyang may gusto ito sa kaniya. Isinabuhay ata ng lalake ang kasabihang, "Actions speak louder than words."

Okay lang naman sana kaya lang kasi, sabi nga ng isa pang quote ay "Actions without words are confusing". Misleading kasi ang nangyayari. Paano nga naman kung mabait lang ang lalake? Isa rin naman kasi iyon sa mga nakakuha ng atensyon ni Gemelyn. Kaya naman anong magagawa niya kung puro lang kilos ang lalake?

Ano ba kasing trip nito? Act of service ba ang love language niya? Hindi ba pwedeng mapa-words of affection muna?

Napabuga na lamang ng hangin si Gemelyn na agad napansin ni Trisha. "Grabeng lalim naman ng pinaghugutan no'n ah?"

Nagkibit balikat naman si Gem. "Ito kasing lalakeng 'to, ang gulo-gulo. Obvious namang gusto niya rin ako, pero hindi maalam kung paano sabihin sa akin. Ayan tuloy, nakaka-overthink. Hindi ko na sigurado kung gusto ba talaga ako o asyumera lang ako."

"Parang asyumera ka, 'te," pang-aasar ni Pia na agad nginisihan ni Gemelyn nang pang-asar.

"Uy~ Akala mo s'ya hindi." Nagtawanan na lang silang lahat, kahit ang nagre-review na si Aira ay hindi na tuluyang nakapag-focus nang maayos kaya naki-chismis na lang.

"Pero, mamsh, hindi ba mahirap 'yan?" ani Janine na s'yang ikinalingon ng mga babae. "Kasi kung ako 'yan, titigilan ko na lang. Marami pa namang lalake sa mundo."

Nanlaki naman ang mga mata ni Gemelyn. Napahawak pa siya sa dibdib niya na akala mo'y gulat na gulat sa narinig. "Ay s'ya! Kung makapagsalita, akala mo hindi binabalik-balikan ang tarant*do niyang ex na may premium GBF."

Agad namang sinamaan ng tingin ni Janine si Gemelyn. "Ikaw ang topic dito, madam. Tigilan mo 'ko." Tumawa lang naman ang mga nakikinig habang si Gem ay napailing na lang.

"Totoo naman kasi." Bumalik ang tingin niya sa cellphone niyang nag-vibrate na naman. "Pero ewan ko ba." Halata sa tono ng pananalita ni Gem na hindi niya talaga alam kung anong mayroon o kung ano ang dahilan. "Basta ang alam ko eh gusto ko siya. So hangga't nakikita kong mukhang gusto niya rin naman ako at hindi niya naman ako tinatarant*do lang, edi gora lang."

Saglit silang natahimik lahat bago nagkomento si Pia ng, "Hay~ Pag-ibig nga naman."

Agad naman iyong sinundan ni Trisha ng, "Ano ba itong nadarama, oh shux~ Ito ba'y pag-ibig na~ ah~"

"Ughhh! Nakakapikon!!" reklamo ni Aira na nakatakip na ang mga tenga. Tinawanan na lang naman nila Gem ang reaksyon ni Aira saka sila nagpatuloy sa chikahan nila.

It was 10:25 AM when all of them decided to leave the canteen to attend their next class. And it was during that time when Lafrance called Gemelyn. "Oh?" bungad ni Gem nang sagutin niya iyon.

Ilang segundong tahimik ang nasa kabilang linya na muntikan pang tingnan ni Gem kung napindot niya ba talaga ang answer button. "Bakit?" Hindi mawari ni Gem kung bakit ganoon ang tono ng lalake.

Ba't ang lungkot ata nito? "Bakit ano?"

Nanahimik na naman ang lalake bago sumagot. "Bakit hindi ka nagre-reply?"

Napataas naman ang mga kilay ni Gemelyn. Nailayo niya pa ang cellphone mula sa tenga niya para i-check kung si Lafrance ba talaga ang kausap niya. Nagtatakang napatingin pa sa kaniya ang apat niyang kaibigan. "Si Lafrance," she mouthed before putting the phone back near her ear. "Nagchi-chikahan eh. Bakit? May kailangan ka ba?"

Narinig niyang napabuga ng hangin ang lalake. "Magt-thank you lang sana... sa pinadala mong pagkain."

"Ah..." 'Yun lang naman pala. "Welcome." Natahimik na naman ang nasa kabilang linya pero hindi naman nito ibinaba ang tawag. "May kailangan ka pa?"

"Ano... May itatanong lang... dapat..."

Nakapasok na nang classroom sina Gem at nakaupo na sa kaniya-kaniyang upuan pero hindi pa rin nagsasalita ang lalake kaya naman inunahan na niya ito. "Wala akong gagawin mamaya. Alas-kwatro ang tapos ng klase ko. Gusto mo bang mag-date?"

Narinig niyang naubo ang lalake at nang makabawi ay saka ito sumagot. "S-Sige."

Agad namang napangiti si Gemelyn na s'yang nakita ng mga kaibigan niya't ikinailing ng mga ito habang nang-aasar naman si Trisha with matching background music ng BINI. "Sige. Kita-kits mamaya." Nang magpaalam na rin ang lalake ay ibinaba na niya ang tawag na saktong pagpasok ng professor nila. Edi date mamaya.

H | Z

A/N: Salamat sa aking frenny, Gemelyn Anne Torres sa pagpapahiram ng inyong mga pangalan. Para kela Janine, Pia, at Trisha, idinamay ko na mga pangalan niyo HAHAHAHA.

To the readers, how's the story one so far? 

Thank you for reading and supporting the story po <3 Mwah mwah with consent kayo sa akin. <3

How To Date A Torpe [ON-GOING]Where stories live. Discover now