CHAPTER TWO

10 2 2
                                    


CHAPTER TWO

DEFINE A torpe. According to an answer in Reddit, 'Torpe' is the inability to express romantic feelings toward someone due to being judged or just a fear or vulnerability.

In other words, John Lafrance Grona.

"Akala ko ba gusto mo siya?" tanong sa kaniya ni Louise na busy sa pag-aayos ng notes nito.

Nagpatuloy naman sa pagsusulat si Lafrance. "'Di ko naman sinabing hindi," mahina nitong tugon.

Tumigil si Louise sa ginagawa saka tumingin sa kaibigan. "Oh eh ba't sabi ni Aira 'di pa rin kayo nagde-date?"

Napabuntonghininga naman si Lafrance saka rin tumigil sa pagsusulat. "'Di ko alam kung pa'no ko sasabihin sa kaniya eh."

Tila ba naguluhan lalo si Louise sa pinagsasasabi ni Lafrance. "Umamin na siya, diba?" Tumango ito. "Edi "I like you too" na lang sasabihin mo."

Napahilamos naman siya ng mukha. "Hindi kasi yun ganon kadali," reklamo nito.

Napailing na lang si Louise saka bumalik sa ginagawa nito. "Ewan ko sa 'yo. Alam mo kung anong tawag sa 'yo?" aniya saka tumingin sa lalakeng nakaabang sa susunod niyang sasabihin. "Torpe. Isang malaking torpe."

"Liligawan niya raw ako," namumulang bulong ni Lafrance habang nakayuko.

Louise was dumbfounded by what he heard. "Ano? Paki ulit nga."

Tumingin sa kaliwa si Lafrance, pilit iniiwasan ang titig ng kaibigan niya. "M-Manliligaw daw siya—"

"At talagang siya ha?" gulat na gulat na banggit nito. "Hindi ikaw?" Umiling si Lafrance na ikinailing din ni Louise pagkatapos ng ilang segundong pagtitig niya rito. "Galeng. Ang makabagong panliligaw. Nakakabilib. Babae na pala ngayon ang nanliligaw."

Wala naman nang nasabi si Lafrance. Kahit naman kasi siya ay hindi makapaniwala sa mga salitang binitiwan ng babae. Ang alam niya naman talaga at lalake ang nanliligaw, iyon ang nakasanayan at iyon ang tradisyon ng mga Pilipino. Pero anong magagawa niya kung hindi niya alam kung paano sasabihin sa babae ang nararamdaman niya?

"Oy, Lafrance!" sigaw ni Louise na kumuha sa atensyon ni Lafrance. "Ay si tulala. Sabi ko may nagpadala ng pagkain para sa 'yo, ipupusta ko baon ko, galing kay Gem 'yan."

Nag-aalangang tinanggap ng lalake ang paper bag na galing Jollibee. Sa loob nun ay may note na nakalagay na mula nga ito sa babae. Wala naman sana siyang balak ipakita sa kaibigan niya iyon dahil nagsisimula na naman siyang mamula at mahiya kaya lang ay naunahan na siya ng lalake.

"Ay ayon... Tama nga ako," anito na sinamahan pa ng mahinang tawa at pag-iling. "Hay pag-ibig nga naman. Parang gusto ko na rin magpaligaw, nakakabusog eh," loko nitong ikinailing na lang ni Lafrance.

Inabot niya ang cellphone na nasa bag saka nag-send ng message sa dalaga. "Sana hindi ka na nagpadala."

Nakita niyang nag-seen ang babae pero hindi ito nag-reply. Muli niyang binasa ang ipinadala niyang mensahe. Napailing naman siya sa sarili niya't mukha siyang walang utang na loob. Kaya naman nag-send ulit siya ng isa pa.

"Thank you sa pagkain. Nagustuhan ko."

Muli itong nag-seen pero hindi nag-reply.

"Galit ka ba?"

Hindi naman na nag-reply si Gemelyn na ikinabahala niya.

"May nagawa ba akong kasalanan?"

Sinubukan niyang isipin kung may nagawa ba siya sa dalagang hindi kaaya-aya pero walang pumapasok sa isip niya.

"Gem?" Nagsisimula na siyang mabalot ng kung ano-anong isipin kaya naman nang hindi pa rin sumagot o nag-seen ang dalaga ay tinawagan na niya ito.

Pinapanood lang naman siya ng kaibigan niyang tuwang-tuwa sa reaksyon niya. Para kasi itong ewan. Obvious naman na siguro kay Gem na gusto siya nito pero ang siraulo kong kaibigan ay pinanganak na torpe with matching overthinker.

"Ayaw na kaya niya sa 'kin?" "Dahil ba hindi ko pa kayang sabihin sa kaniya na gusto ko rin siya?" ay ang mga tanong na tumatakbo sa isip ni Lafrance habang nagri-ring ang tawag. "O baka naman may nahanap na siyang iba—"

"Oh?" Agad na naputol ang mga iniisip ni Lafrance nang marinig niya ang boses ng dalaga.

Ilang segundong natahimik si Lafrance. Sa dami ng tanong at nais niyang sabihin ay hindi niya malaman kung ano ang uunahin. Ngunit sa lahat ng nararamdaman niya ay lungkot pa rin ang nanaig sa kaniya. "Bakit?"

"Bakit ano?"

Muling natahimik si Lafrance, pilit niyang inisip kung ano ang dapat itanong hanggang sa "Bakit hindi ka nagre-reply?"

Bigla namang hindi na nagsalita si Gemelyn na mas ikinakaba ng lalake. Muli na sana siyang magsasalita nang maunahan siya nito. "Nagchi-chikahan eh. Bakit? May kailangan ka ba?"

Para namang nakahinga nang maluwag si Lafrance. Hindi niya 'ko iniiwasan. "Magt-thank you lang sana... sa pinadala mong pagkain."

"Ah... Welcome."

Pagkatapos sabihin iyon ni Gem ay bigla na namang kinabahan si Lafrance. Ayoko pang matapos 'tong tawag pero hindi ko na alam kung ano pang sasabihin.

"May kailangan ka pa?"

Tumango naman ang lalake. "Ano..." Pwede ka bang maaya lumabas? "May itatanong lang..." Mamaya sana kung ayos lang sa 'yo, "dapat..."

Matagal pinag-isipan ni Lafrance kung paano niya aayain ang babae. Nakita pa nga niyang nagsulat sa papel si Louise ng "May we go out on a date?" para lang idiot board niya pero kinakain pa rin siya ng kaba.

Hindi na mawari ng lalake ang sasabihin kaya naman kahit labag sa loob niya ay magpapaalam na dapat siya sa babae kaya lang ay muling nagsalita ang babae.

"Wala akong gagawin mamaya. Alas-kwatro ang tapos ng klase ko. Gusto mo bang mag-date?"

Naubo naman siya sa pagkakabigla saka mabilis na tiningnan ang orasan. Alas dose pa lang. May oras pa para mag-ayos. "S-Sige."

May narinig naman siyang tunog mula sa kabilang linya pero na niya iyon pinansin pa at ang focus niya lamang ay ang babaeng kausap at ang date na sinasabi nito. "Sige. Kita-kits mamaya."

"Sige... Kita-kits." Nakita ni Lafrance ang pagtaas ng kilay ni Lousie at ang namumuong ngiti nito sa mga labi. Nang matapos ang tawag ay agad niyang kinwento sa lalake ang pinag-usapan nila ni Gem. "Magda-date raw kami mamaya."

"Sining nag-aya? Ikaw?" Akmang sasagot siya nang iwagayway ni Louise ang kamay sa harapan niya. "Joke, 'wag mo nang sagutin. Ngayon lang nag-process sa akin yung "raw"." Napailing naman si Louise pero nanatili ang ngiti nito. "Alam mo, pre, wala namang problema kung babae ang mag-effort. Minsan kaya nakakatuwa rin sa pakiramdam na tayo ang pinu-pursue dahil nakasanayan ngang lalake ang nanliligaw, pero syempre, hindi rin maaalis sa atin yung alam mo na? Parang instinct? Na dapat tayo pa rin ang nagsisilbi at nag-aalaga muna sa kanila bago tayo ang pagsilbihan at alagaan?"

Napababa naman ng tingin si Lafrance hanggang sa naramdaman niya ang pagtapik ng lalake sa balikat niya. "Alam ko naman 'yun."

"Hay, ewan na. Buhay niyo naman 'yan. Matatanda na kayo, kaya niyo na 'yan. Siguro pasalamat ka na lang din at kakaibang babae si Gemelyn, pero sana hindi siya magsawa sa 'yo," pagpapaalala ni Louise sa kaibigan. Wala naman siyang masamang intensyon sa lalake pero mabuti na lang din kung alam nito ang mga posibilidad na mangyari kung ipagpapatuloy nito ang pagiging torpe.

H | Z

How To Date A Torpe [ON-GOING]Where stories live. Discover now