⌗04

34 7 0
                                    

˖ ⋆៹ ☆

“Penge ako bente.” I looked at someone who keeps bothering the Chungs. Pagkatapos niyang humingi ng bente kay Cerise kay Wigo naman siya pumunta para humingi ng fifty pesos. Lumapit siya sa 'kin para umorder ng pinakamura naming drink.

“Thanks,” he said bago dere deretsong lumabas.

“Kilala mo 'yon?” Wigo asked me, umiling ako. Maya maya dumating si Prada. It was her shift kaya hinanda ko na yung gamit ko para makauwi na ko. Nabilang ko narin laman ng kaha wala namang sobra o kulang.

Pagkalabas nakita ko yung bumili kanina. He was lighting a cigarette with a posporo. Nang dumaan ako sa harap niya saka siya bumuga ng usok habang nagpapatugtog sa cellphone niya nung sikat na artist na pinoy r&b.

Sa sobrang inis ko hindi ko napigilan yung bibig ko. “Jejemon.” It was enough for him to hear what I said pero di naman niya 'ko hinabol dahil nilagpasan ko siya.

Sana naman ayusin niya yung timing niya. Ayoko sa lahat binubugahan ako ng usok kahit vape pa 'yan. Nakakairta. The next day I was playing back to the old house by the smiths. Nagulat nalang ako ng napalitan ng sumugal ni hev abi. I changed it again hindi na naman napalitan uli. I was a bit scared dahil mamaya may pinoy r&b enjoyer palang multo akong kasama.

It was my break kaya naisipan kong bumili nalang sa Dali. Mag a-all day sana 'ko dahil mas malapit pero naalala ko mas mahal pala ron. Dali has cheaper products. I entered the store at nakita ko nanaman siya. This time he was wearing something na butas butas. I pity him but at the same time I hate what he did. Can't people be mindful na 'di lahat gusto bugahan ng usok sa mukha? Pero baka hindi naman sinasadya.

“Hala naiwan ko wallet ko.” He was at the counter. Isa lang naman yung binili niya. I offered to pay for his Pancit Canton. He smiled at me and told me he'll pay me but I told him that it's okay. In the end, muntik pa 'ko malate sa kakapilit niyang babayaran niya 'ko. Sinabi ko nalang sakanya na next time na 'pag nagkita na kami.

petty little fights Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon