006

3 0 0
                                    


“Hello...” napalingon ako nang marinig iyon—si Kuya Kio na ba ito? “I’m Kio. Kanina ka pa ba?” biglang napatulala ako sa mukha niya, nakangiti kasi siya at kitang-kita ang puti niyang napakagandang ngipin, at ang ganda rin ng ngiti niya! Grabe, ang gwapo pala nito sa personal?

“H-huh? Ah, o-opo...” nauutal ko pang sagot dahil sa hiya at hindi ko alam kung anong sasabihin.

Ngumiti ulit siya sa akin at tumango, saka naman giniya ang daan patungo doon sa office.

“Sorry, medyo natagalan ako... traffic d'yan sa may Dali... dapat pala nilakad ko na lang mula sa MRT hanggang dito sa RTU,” chika n'ya at napatango naman ako. Nagulat pa ako nang siya na ang nagbukas ng pinto para sa akin kahit ako naman ang nasa unahan.

Pagkapasok ko sa office ay wala namang tao doon!

“That’s our office...” turo niya sa isang kwarto at may nakalagay nga na finance dept. sa pintuan nito. “in case you're wondering... walang tao kasi wala namang pasok ang mga seniors natin and other officers na nago-office dito. Mostly mga freshies talaga ang may pasok ng Monday,” page-explain n'ya, siguro masyadong halata sa mukha ko na nagtataka ako kung bakit walang tao. “If uncomfy ka, say so... I'll ask Denver na sa labas na lang tayo mag-meet—”

“Hindi, dito na lang po... mainit din sa labas e, dito may free ac,” biro ko na half meant lang.

Ayaw ko naman doon, baka ma-issue rin ako, hays. Iniwan ko nga sina Xanthia sa SNAGAH kanina e, hindi nga rin siya nagchika about sa committee nila, sa publication kasi siya. Siguro wala pa silang meeting?

Tumango naman si Kuya Kio at binuksan iyong pinto ng finance department. Narinig namin agad ang tawanan nila Kuya Denver at Kuya KC. I'm actually wondering kung magkaka-block ba sila or tropa lang din?

Nang makita kami ni Kuya Denver ay agad siyang umayos nang upo at ngumiti sa akin saka kumaway.

“Good aftie, Reese! Kumusta naman ang class n'yo kanina?” pangangamusta pa n'ya.

Ngumiti ako sa kanya. Nararamdaman kong magaan naman ang awra nilang lahat dito, mukhang makakasundo ko talaga. Feeling ko talagang maga-adjust sila sa akin, I don't know why... but I feel na gano'n na nga ang mangyayari.

“It's fine lang po, puro discussion.” sagot ko at napatango silang tatlo.

“So, ngayon... wala naman tayong pag-uusapan nang matagal e, magpapakilala lang kaming tatlo para makilala mo kami sa itsura at background namin... though nasabi ko naman 'yung mga ganap natin sa gc, ise-send ko rin doon ang mga templates and announcements mula kay Pres.” panimula ni Kuya Denver.

Nakatayo pa rin ako sa harap nila, habang naka-upo naman silang tatlo, nahihiya kasi akong gumalaw, pero dahil nangangalay ako ay umupo ako sa tabi ni Kuya Kio na ngayon ay tahimik lang at nakalabas ang laptop. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng office, may tatlong table, iyong dalawa ay para kina Kuya Denver and Kio, may nakalagay kasi na pangalan nila. 'Yung isa naman ay may computer and printer, doon siguro nila ginagawa ang mga documents.

May sofa na pa-L na kulay gray, match sa pintura ng office. Alam mo talagang lalaki ang namamahala kasi napaka-minimalist at linis ng lugar. Wala kahit anong alikabok na makikita at ang bango pa!

“Para makilala mo kami, u-umpisahan ko na, Reese...” napatingin ako kay Kuya Denver, hindi kasi ako naka-focus sa kanya kanina! Tinanguan ko siya. “Ako si Denver Harris Guanzon, third year na ako and I'm the treasurer of SSO... kaya rin ako ang head committee ng finance, I'm 22 na and next year... if may balak kang tumakbong officer, ipapasa ko sa'yo ang korona!” aniya at natawa naman ako nang bahagya kaya natawa na rin si Kuya KC, si Kuya Kio naman ay busy sa laptop n'ya.

PalagiWhere stories live. Discover now