018

1 0 0
                                    

MESSENGER

Teerese Dimla

Tereese:

hi, I'm here na.

Kio:

wait, pa-wait ako mga 5 mins.

Tereese:

oki, ingat!

***

Kinakabahan ako habang papalapit ako sa kanya. Hindi ko nga alam kung paano ko siya ia-approach, knowing her background... parang ayaw ko na lang siyang kausapin o ano man. Hindi ko malaman kung ano bang dapat kong maramdaman. Naging crush ko siya—oo, pero hindi naman ’yon gano'n kalalim, pero kasi matagal pa kaming magsasama sa committee—mga apat na buwan bago matapos ang term na ’to.

Nakakainis naman, ito ako ngayon palapit na talaga sa kanya. I needed to stay cool, hindi nga raw susunod si Denver e... Hindi n'ya kayang magpaka-plastic sa harap ni Reese, knowing that guy has an unhinged attitude.

“Hi! Sorry medyo na-late,” medyo malamig na bati ko sa kanya at napakurap-kurap siya.

Ito na naman tayo! Grabe ka na, Universe... hindi ba tayo bati ngayon? Bakit mo naman ako pinapahirapan—parang pinapakita mo sa akin na wala lang ’to, na matino siya kahit hindi? Na inosente talaga siya?

“Okay lang po. Saan tayo?” sagot naman n'ya sa malambing na tono.

Dude, are you seducing with that kind of voice?

“Sa baba lang,” I said.

Nauna ako sa kanya kasi hindi ko kayang hindi tumitig nang matagal sa kanya. Ang ganda-ganda niya at gusto kong sabihin sa kanya ’yon, pero hindi ko magawa kasi pinipigilan ko ang sarili ko?

“Nasaan na po pala si Kuya Denver?” tanong niya nang nasa tapat na kami ng Cafe.

Liningon ko siya bago buksan ang pinto at pumasok pero nanatili akong nakahawak sa pinto para makapasok siya. Syempre, dapat gentleman pa rin kahit naiinis at nagagandahan ako sa kanya!

“Hindi na raw siya makakapunta, may emergency sa bahay nila,” sagot ako at tumungo sa counter. Sumama naman siya sa akin, tingin ko alam n'yang may uupuan naman na kami kaya hindi na siya nag-abala pang tumingin ng uupuan namin. Um-order na ako ng sa akin. “Isang large iced americano nga po.”

Nagbayad ako at sumenyas kay Reese na uupo na ako. Tinanguan naman n'ya ako. Pakiramdam ko ay tinatantya n'ya na lang din ang sitwasyon. Fuck! Paano ko ba sasabihin sa kanya? Nakaka-stress naman itong ginagawa ko. Ipapasa ko na lang kay Denver kaya naman chinat ko siya.

***

Denver Guanzon

Kio:

Anong gagawin ko dito? Sana ako na lang gagawa ng lahat ng report.

Denver:

Explain mo na lang kung anong gagawin n'ya, tapos hayaan mo na siya. Gawin mo na rin mga task mo.

Kio:

Sasabihin ko ba sa kanya?

Denver:

Yung alin?

Kio:

Yung nangyari?

Denver:

Kung gusto mong mawalan ng committee, go mo 'yan.

Kio:

Gago!

Denver:

Well, kaysa naman magtiis ka sa stress na dulot n'ya?

Kio:

E, lalo akong mai-stress kapag na-offend siya?

Denver:

Decide on your own.
Malaki ka na.
Ikaw din naman may handle sa kanya e. Not me.

Denver:

Tangina mo.

Denver:

Tanga.

***

Nang makita kong papalapit na si Reese sa pwesto ko ay agad kong tinago ang phone ko saka naman binuhay ang laptop at in-open ko rin ang sheet na ipapakita ko sa kanya para may reference siya.

PalagiWhere stories live. Discover now