019

0 0 0
                                    


Kanina ko pa napapansin na ang cold ni Kuya Kio sa akin. I don't know kung sadya ba 'yon or wala lang siya sa mood. I was smiling at him pero ni isang beses ay hindi siya ngumiti. Sobrang seryoso n'ya rin sumagot sa mga tanong ko about sa ginagawa naming report.

Napapansin ko rin na panay sulyap siya sa phone n'ya and napapangiti siya pero pagkababa ng phone ay balik siya sa seryosong expression n'ya. I'm already overthinking kung ano bang nagawa kong mali at ganito siya ngayon.

Hindi ko rin alam kung paano ko nakayanan na matapos nag sampung page na document without talking, after his explanation and q&a kasi ay hindi na rin siya nagsalita. Nahihiya na rin akong magtanong, kaya kahit nalilito ako sa ibang gawain is I tried asking my other friends sa accounting na lang para matapos ko iyong gawain.

After ko matapos 'yung pinapagawa n'ya ay sinend ko sa gc 'yung document.

***

MESSENGER

SSO [FINANCE] (GC)

Tereese:

[Sent an attachment.]
here's the fr po, pa-check na lang then if may mali, tell me na lang po and I'll revise it. Thanks!

***

Napatingin sa akin si Kuya Kio nang makita n'ya siguro 'yung chat ko sa gc and nagsisimula na akong mag-ayos ng gamit ko. Hindi ko na kayang magpanggap, kaya naman aalis na lang ako. Buti na lang talaga natapos ko na 'to.

“I'm going na po. Thank you.” Malamig na paalam ko at tumayo na.

Tiningnan n'ya ako na nagtataka pero ngumiti naman siya nang bahagya.

“Okay, ingat,” mas malamig na sabi n'ya saka tinutok ulit sa laptop ang atensyon n'ya.

I guess, that's it? I didn't know kung ano talagang nagawa ko to be treated like this, right now?! Sabi nila sasabihin nila kung anong nangyari doon sa gc, pero bakit wala naman siyang sinabi? Grabe, I feel like ayaw ko nang tumuloy sa committee? Ganito ba 'yung sinasabi nilang “I hope we all get along.”?

Ayaw ko na... will file a resignation or what? Or I will tell Kuya Denver na lang about it? Should I? Or nah? Ewan.

Pagdating ko sa bahay, sobrang lungkot ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa nangyari kanina—may nangyari ba kanina? Alam ko lang ay  hindi ako pinansin ni Kuya Kio? I mean pinansin naman, pero for committee kineme purposes ’yon! O gano'n lang talaga siya kapag tawag ng tungkulin ang ganap? Hays, sige ayon na lang ang iisipin ko.

PalagiWhere stories live. Discover now