Chapter 2

660 46 1
                                    

CHAPTER 2 : WITH THEM

I woke up feeling a soft thing touching my cheek. Slowly, I opened my eyes, and the first thing I saw was a blurry figure until it became clear.

"Ate Leona.." mahinang sambit ko ng maging malinaw siya sa paningin ko.

Ang unang bagay na napansin ko ay ang suot nitong uniporme, isang blouse na pinatungan ng itim na blazer, and a pleated plaid skirt that gracefully reached her knees.

Maang kong hinangaan ang itsura niya, the uniform fit her slender frame perfectly, highlighting her elegant posture. The neatness of her attire reflected her attention to detail, with every button fastened and every pleat immaculately pressed.

Ang uniporme ang talagang bumagay kay Ate Leona, nagbibigay ito ng karagdagang ganda at isang pulido at sosyal na anyo sa kanya.

"Hope," umangat ang mata ko sa mukha ni Ate Leona, ang palad pala niya ang malambot na bagay na nararamdaman ko. "I'm sorry if I had to disturbed your sleep, mayroon lang akong mga sasabihin bago kami umalis."

Sinundan ko ang tingin niya ng humiwalay ito mula sakin, nalaglag ang panga ko ng mapansin si Ate Lindsey, naka upo siya sofa, tulad ng kapatid ay naka suot din ito ng uniporme.

Her uniform suited her well, it's amusing how it enhance her natural beauty and giving her a polished and sophisticated appearance.

Walang bakas ng emotion ang mukha niya, magka-cross ang binti't braso at naka diretso ang tingin sa akin. Nag iwas ako bago maupo at sumandal sa headboard ng kama.

"Kanina pa po kayo?"

"Yeah, hinihintay ka naming magising. Mom left early because today is the start of her work, and we have to go to school. We'll be home in the afternoon." Kung gayon maiiwan pala akong mag-isa, "If you need anything, you can just ask our maids or Manang Selli, hinabilin na kita sa kanya."

I nodded when I understand everything. "Okay po, Ate Leona."  A sweet smile graced her lips as she gently caressed my cheek.

"Is it alright for you to stay here alone?" Natigilan ako, she looks worried. Hindi ko maiwasang mamangha matapos makita si Miss Shin sa kanya.

Ganun na ganun ang itsura ni Miss Shin sa tuwing naiiwan akong mag-isa noon sa dating bahay.

"You don't have to worry, Ate Leona. I'll be fine on my own; uuwi din naman po kayo agad mamaya." Maliit akong ngumiti upang siguraduhin ang sinabi. In the end, she nodded while sighing.

"Leona, I don't want to be late." Pagsingit ni Ate Lindsey, naruon na pala sa tapat ng pinto at mukhang handa ng umalis, naka talikod itong lumingon samin. "Ang isa pa malaki na siya, stop treating her like a baby."

"What's wrong with that? She's our baby sister anyway." Lindsey rolled her eyes before twisting the doorknob.

"Whatever, let's just go." She exited after that.

Napa iling si Ate Leona, naka ngiti siyang bumaling sakin. "It's natural for her to be grumpy, just ignore her." Pansin ko din, ang laki ng kaibahan nila.

Palaging blanko at masungit ang dating ni Ate Lindsey, habang si Ate Leona naman, natural na ang ngiti at kislap. Iyon ang malaking pinagkaiba nila.

Matapos din 'non umalis din ito, hinabilin niyang huwag akong magpapalipas ng breakfast or lunch, huwag lalabas ng walang paalam at kung ano ano pa. Para talagang si Miss Shin, 'di ko tuloy maiwasang mapa ngiti nang maka alis ito.

Ilang sandali pa'ko sa ganong lagay bago napagpasiyahang maglinis upang maka baba at makapag almusal, paniguradong sesermonan na naman ako ni Miss Shin kapag magpapalipas ako.

Shin's Beautiful Addiction : Lyle Hope BautistaWhere stories live. Discover now