Chapter 5

694 38 8
                                    

CHAPTER 5 : HER TRAUMA

Napa balikwas ako ng bangon nang tumunog ang alarm clock ko, sinilip ko ang oras at namilog ang mata matapos malamang alas otso na ng umaga.

Shít, baka naghihintay na si Miss Vance. Mabilis akong tumayo at kakaripas na sana sa banyo nang malukot ang noo ko, sandali akong natulala at nang mapagtanto, umangat nalang sa kisame ang paningin ko matapos kong ihulog ang katawan sa kama.

"It's Saturday," I sighed and closed my eyes, mukhang na set up ko ang alarm clock sa pag-aakalang may lecture kami ni Miss Vance.

Katulad nang normal na set up sa paaralan ganun din ang schedule ng homeschooled learning ko. Limang araw na session at dalawang araw na pahinga. It's obviously Saturday and Sunday.

Ilang oras akong naka pikit lang hanggang sa maisipan ko nang maglinis, dahil sa pagbalikwas kanina nawala na antok ko, mahimbing din ang naging pagtulog ko kaya sobrang ganda ng pakiramdam ko.

Paglabas ng banyo siya namang pagkatok mula sa pinto ng bedroom, nagtatakang nilakad ko 'yon, nang mabuksan bumungad sakin si Ate Leona, ang unang napansin ko ang kamay niyang may hawak ng isang tray.

"Ate Leona?" Mula doon umangat ang mata ko sa naka ngiti niyang mukha.

"I bring your breakfast." She said.

I can see that pero bakit? Ito ang unang beses na nangyari ito at hindi ko maiwasang magtaka, ano kaya ang meron?

Ngunit sa kabila 'non mas pinili kong ayain siyang tumuloy, inilapag niya ang tray sa coffee table bago siya maupo. I saw her checking me from head to foot, her sweet smile showed afterwards.

"I know you're curious but can you dress decent first?" Ani niya, matamang naka tingin sa mata ko.

Bumaba ang mata ko sa suot na bathrobe bago ibaling ulit sa kanya, nagkibit balikat ako bago sundin ang sinabi niya. Ilang minuto lang at naka bihis na ako, lumabas ako sa walk in-closet dala ang towel pamunas sa basang buhok.

"Our friends are here because Lindsey invited them, so I decided to bring your breakfast, ka-agapay din ng utos ni Mom. Hinabilin niyang hangga't maaari huwag ka munang bababa kahit hanggang sa maka uwi lang ang mga friends namin. Is that clear with you, Lyle?" Panimula niya. Oh, their friends are here.

I slowly nodded. "Yes po, Ate Leona." Mabilis ko naman naintindihan ang pinupunto niya.

Pero mas gusto ko pa'rin talagang mag breakfast nang may kasama. I sighed, ngunit alam kong hindi ito ang tamang oras para magpairal nang katigasan ng ulo, alam ko ang naka salalay oras na suwayin ko ang utos niya.

Hindi ako ganun kababaw mag-isip para ipilit pa ang gusto ko.

"Come here." Nag angat ako ng ulo matapos magsalita ni Ate Leona, her hand gesturing me to come closer.

Mabilis naman akong lumapit, hinila niya ang kamay ko para paupuin sa tabi niya. Kinuha niya rin ang towel na hawak ko bago simulang patuyuin ang buhok ko gamit 'yon.

Hindi ko maiwasang matigilan pero naka bawi din agad. "Lyle, you should eat your breakfast. I'll stay here until you finish." Natigilan na naman ako, I felt her fisting my hair before crumpling it using the towel.

Magaan ang bawat galaw niya, halos wala na akong maramdaman na tila sinasadya niyang maging maingat. Ang pakiramdam? Parang minamasahe niya lang ang ulo ko.

Nang bumaba ang tingin ko sa breakfast ay 'di ko maiwasang matakam. In a middle of the plate was the garlic fried rice with sliced plantains and sunny side up eggs. It also has sweetened pork strips and a kind of beef jerky. A usual side dish of hotdog, sausage, and bacon.

Shin's Beautiful Addiction : Lyle Hope BautistaWhere stories live. Discover now