Chapter 19

104 10 0
                                        

Kate POV

Sa mismong birthday ko pa. P*ta, mga walang hiya sila.

Pagkatapos kung siyang pagkatiwalaan, tapos ganito lang igaganti niya?

Sabi niya mahal niya daw ako. Sabi niya may respeto daw siya sakin. Sabi niya, hindi niya na daw ako pakakawalan. Sabi niya hindi niya ako ipagpapalit.

Pero anong ginawa niya? Niloko niya ako, nila.

Nakakarindi sila.

Hindi ako pumasok ng ilang araw pagkatapos ng birthday ko. Halos hindi mawala ang sakit na nararamdaman ko.

Hindi mawala sa isip ko yung nangyaring yun sa mismong birthday ko.

Kaya ayaw kong magmahal dahil alam kong mangyayari to. Siguro nga hindi ako binigyan ni GOD ng taong magmamahal sakin ng habang buhay. Siguro mas pinili niya na maging mag isa na lang ako.

Hindi ako lumabas ng kwarto ko. Ni hindi man lang ako kumain ng ilang araw.

Ilang beses narin akong tinatawag ni Manang na kumain na daw ako baka magkasakit na ako. Pero hindi parin ako kumain.

Iyak lang ako ng iyak. Siguro nga hindi talaga ako karapat dapat maging masaya. Wala nga sigurong taong magmahahal sakin ng tunay at lubusan.

Pero baket naman ganito? Baket kailangan ko pang masaktan? Baket kailangan iparamdam yung sakit? Baket kailangan niya akong saktan kahit naman alam na nilang walang magmamahal sakin?

Baket kailangan kong danasin ang bagay na ganito.

Hindi rin ako makatulog kakaiyak at kakaisip doon. Ang daming tumawag at nag text kung baket daw hindi na ako pumapasok.

Ang daming nagaalala. Ang daming bumisita sa bahay pero ni isa wala akong kinausap.

Gusto ko lang siguro mapagisa. Siguro nga kailangan ko ng pumunta ng Canada. Tama siguro si Mama na wala akong makakasama dito ng habambuhay.

Mabuti na daw doon dahil makikita niya ako ng lubusan at maalagaan niya daw ako.

Pinagisipan kong mabuti yun. At napagisip isipan ko na kung ano ang magiging desisyon ko.

*FlashBack*

Nandilim ang paningin ko at bigla ko silang nilusob.

Bigla kong sinabunutan si Monicka habang nakapatong kay Harry. Nakikipag halikan sa Boyfriend ko.

Kinaladkad ko siya hanggang sa labas ng kwarto ko. Sigaw lang siya ng sigaw ng "Stop it. You're hurting me!".

"Walang hiya ka. Napaka landi mo. Hindi ka na nakuntento. Umalis ka dito!" Naiiyak kong sabi.

Humarap naman ako kay Harry. Nakita ko siyang nagaalala. Natatakot na baka iwan ko siya. Yan lang ang tanging naisip ko.

"Isa ka pa" tinulak ko siya sa dibdib. "Napaka sinungaling mo" then pinipigilan niya lang akong itulak siya.

Napaiyak na lang ako. Wala na akong nagawa. Napa upo na lang ako.

"Let me explain" sabi ni Harry.

Bigla na naman akong natauhan. Bigla akong tumingin ng masama sa kanya.

"Explain?" sarcastic kong sagot sa kanya. "Ano pa bang ee-explain mo sakin? Kung paano nangyari lahat ng yan?" tinulak ko siya sa dibdib niya. "G*go ka pala eh." then napaiyak na naman ako.

"Kate-" may sasabihin siya pero hindi ko na siya pinatapos.

"Wag mo na akong kausapin. Umalis ka na dito" tinuro ko yung pinto. Nakita ko si Monicka na gulo gulo yung buhok.

"Alam mo. Simula ng dumating ka sa school namin. Nagbago na ang lahat. Sana hindi ka na lang doon nagenroll para hindi sana nangyari ng lahag to. " then bigla ko siyang sinampal.

Ilang beses kong ginawa yun. Pinigilan ako ni Harry. "Wag mo nga akong hawakan." sabi ko kay Harry "Umalis na kayo dito. Bago pa magbago ang isip ko. Mga walang hiya kayo." sabi ko.

Inalalayan ni Harry si Monicka tumayo at lumabas na sila ng bahay.

Napa walling na lang ako. Hindi na siguro ako sasaya. Hindi siguro magiging maligaya tulad ng iba.

Pumunta ako ng kwarto. Bigla ko nalang naalala yung nakita ko.

Bigla akong nandiri. Kaya pala ilang araw ko na siyang hindi nakakasama. Hindi ko siya nakasama nung Monthsarry naming dalawa. Hindi man lang nagpapakita.

Dahil siguro kasama niya palagi si Monicka.

Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi man lang ako nagtiwala ng mabuti.

Umupo ako sa kama ko. Naiyak na lang ako. Baket kailangang sa bahay ko pa? Sa kwarto ko pa? At ang pinaka masakit doon ay baket sa Birthday ko pa?

Napaiyak na lang ako ng napaiyak. Hanggang sa inabot ako sa umga. Hindi na ako natulog.

*EndOfTheFlashBack*

Falling In Love With My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon