Chapter 10

108 10 0
                                    

Magkatabi kami ngayon ni Chris. Habang wala si sir, sinubukan ko siyang kausapin.

"I think you and Monicka are so close now" sabi ko sa kanya.

"Not that close" sagot niya.

"Lagi nga kayong magkasama eh. Nakakalimutan mo na ako" sabi ko.

"What? You're the one that keep running when I called your name." sagot niya.

Nahiya naman ako dahil totoo. Nakakahiya kasi ipinamumuka niya pa sakin.

"Because I have a problem." medyo mataas yung tono ng boses ko.

"So? You're my friend, you suppose to share your problems with me" sagot niya.

Pero alangan naman na sabihin ko na siya yung dahilan ng lahat. Nakakahiya yun diba. Sabi ko sa sarili ko na mag aact lang ako like nothing happened.

"Nevermind" sagot ko

"Tell me whats the problem kate-" hindi niya na natapos yung sasabihin niya dahil nagsalita si Monicka at Tinawag siya.

"Chris!" sigaw niya kaya naman napatigil si Chris sa pagsasalita. "Come over here. Sit beside me" dugtong niya.
Nagtinginan kaming dalawa ni Chris. Mukhang nagdadalawang isip siya kung pupunta siya o hindi.

Tumayo siya para puntahan si Monicka. Nakakainis dahil ako yung matagal niya ng kasama ako pa yung iiwan niya sa iri.
Badtrip talaga tong babaeng ito.

Pagupo ni Chris sa tabi ni Monicka nagusap sila, ewan ko kung tungkol saan, pero para sakin parang wala namang sense yun.

Naka tingin ako ngayon sa kanilang dalawa, bigla silang tumingin sakin ng sabay.

Nakita ko na parang galit sakin si Monicka, kasi yung tingin niya nakaka badtrip.

Nung tumingin naman ako kay Chris naka ngiti siya sakin kaya nginitian ko. Pero nakita kami ni Monicka kaya bigla niyang hinawakan yung ulo ni Chris hinarap niya sa kanya para siya ang kausapin nito.

Para sakin siguro naiilang na si Chris kay Monicka. Masyado na kasing obvious yung galaw na type niya si Chris.

Gwapo kasi, malaki katawan, red lips, great smile, tall guy.

Hay nako, sino ba naman ang hindi ma iinlove sa kanya?

Panget lang na side sa kanya ay yung pagiging playboy niya.

Nakaka turn off siya. Pero baket parang hindi nagbabago ang tingin ko sa kanya. Mahal ko parin siya, nakakailang dahil kung sino pa yung taong wala kang maramdaman ay siya pa yung taong gumagawa ng effort para sayo.

Pero baket kung sino naman yung gusto mong maging ka relasyon mo yung pa yung taong mahirap ng pagkatiwalaan.

Kaya mahirap ma inlove eh. Dahil baka yung time na aamin ka tsaka naman yun yung time na may mahal na siyang iba. Tapos iiwan ka sa iri, na parang bula na unti unting mawawala.

Mahirap magtiwala sa taong hindi mo kilala, at mas lalong mahirap magtiwala sa taong kilala mo na.

Habang abala ang lahat bigla nalang sumulpot si Sir sa harap.

Bigla na lang natahimk ang lahat, nabigla siguro sila. Biglang inilibot ni Sir yung mata niya sa buong klase.

"Okay" sabi niya at tinignan ang isang maliit na papel. "So, next month merong magaganap na Intramurals. Mag prepare kayo dahil ang section niyo ay magsusuot ng kulay pink na damit" annouce ni Sir. Pagkatapos niyang sabihin yun, biglang nag react yung ibang mga lalake. "Quiet" sigaw ni Sir.

Biglang tumahimik ang lahat.

"So, pagnabanggit ang pangalan kasama sila sa palaro. Ito yung mga nag audition nung isang araw. So, ito yung mga nakuha. Makinig. This is the basketball player.

James Alejandro
Harry Dela Cruz
Mark Perez
Henry Lopez..."
Yung lang ang mga napakinggan ko. Pero madami sila, kasama si Harry. Nakapasok siya.

"So sa mga Football players naman ay sila.

Chris Fernandez
Kendrick Gomez
Kristoffer Imperial..." nakakasawang makinig pag wala ka naman kakilala. Pero kasama si Chris. Ang galing niya talaga. Tumingin ako sa kanya at naabutan kong naka tingin na siya sa akin. Ngumiti ako bilang isang pag co-congratulate ko sa kanya. Pero bigla siyang kinausap ni Monicka. Bwesit talaga yung babaeng yun.

Aamin ko sa kanya yung mga sinabi ni Harry ng ma turn off siya. Tignan ko lang. Nakakainis na kasi itong babaeng to.

Author: Hello po. Kung nagustuhan niyo po yung story paki vote and comment po. Thank you!

Falling In Love With My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon